PROLOGUE

1.2K 38 15
                                    

RITA'S POV



"Huwag!! Please... Maaawa ka sakin.. Huwag!! Tigilan mo yan!!"  banggit ko na itinutulak siya pero patuloy pa rin siya sa ginagawa niyang paghalik sa leeg ko. "Maawa ka sakin, please.." pagmamakaawa ko pero agad niyang kinuha ang mga kamay ko at inilagay iyon sa gilid ng ulo ko.








"Kung hindi ko to gagawin... sila ang gagawa nito sayo. At mas hindi yun kakayanin ng konsensya ko." banggit niya at hinalikan ako habang dahan-dahang binuksan ang butones ng uniform ko.








"HAHAHAHA!! GO BATA!! GANYAN NGA!! HAHAHAHA!!"








Mga hayop sila!! MGA HAYOP SILA!!







Bigla akong napamulat mula sa bangungot na yun. Nanginginig ang katawan kong umupo sa kama at niyakap ang sarili ko habang umiiyak.








Pitong taon... Pitong taon na ang lumipas pero parang bangungot pa rin sakin ang nangyaring yun.










Agad akong tumayo ng kama para pumunta sana ng cr pero parang biglang nanghina ang katawan ko at napaupo sa sahig. Nayakap ko uli ang sarili ko at isiniksik ang sarili ko sa gilid ng kama ko.







Ngayon ang eksaktong araw na yun.. Ang eksaktong araw kung kelan naganap yung malagim na pangyayaring yun sa buhay ko 7 years ago...










Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ko nung parang biglang magflashback sakin kung paano ko napunta doon. At kung paano nangyari sakin ang masalimuot na karanasan na yun.




* FLASHBACK *



Palabas na sana ako ng school nung may ilang mga lalaking biglang nagtakip ng bibig ko at sapilitan akong ipinasok sa van. Dinala nila ko sa isang hindi familiar na lugar. Tinalian ang katawan ko at nilagyan ng busal ang bibig ko para hindi ako makapag-ingay.





Inihagis nila ko sa isang lumang bodega. Isang lugar na hindi ko akalaing mararating ko. Bodega na animo'y matagal nang hindi nalilinisan dahil sa kakaibang amoy na umaalingasaw doon.. Isang maliit na bumbilya lang ang nagsisilbing ilaw sa napakalaking espasyong yon, kaya halos hindi ko makilala yung mga taong dumukot sakin.







Tinanggalan nila ko ng busal sa bibig ko at sinampal ako. Tinakot nila kong papatayin nila ko kapag nag-ingay ako, kaya dala ng takot ay wala akong nagawa kundi ang umiyak nang tahimik habang nananalangin na sana ay may tumulong sakin doon.









Ilang minuto lang ang lumipas nung magulat ako dahil isang pigura ng lalaki ang inihagis palapit sa tabi ko. Nakatali din siya at nakatakip ang mga mata.






"Sino ba kayo?!! Ano bang kasalanan ko sa inyo?!! Pakawalan niyo ko dito?!!" sigaw niya habang pilit kumakawala sa pagkakatali sa kaniya. "PAKAWALAN NIYO KO!!"






"Hoy Bruno! Patahimikin mo nga ang batang yun!! Kanina pa yan maingay eh.. Patatahimikin ko ng tuluyan yan kapag nainis ako!!" galit na sigaw nung lalaking tila boss nila.







"ANO BA!! PAKAWALAN NIYO KO!!" sigaw pa rin niya.






"Boss, wag! Malalagot tayo kay Big boss niyan eh.. Alam mo namang kailangan pa natin ang taong yan." banggit nung isang lalaking kasama niya. "Malaki ang kikitain natin sa mga yan." dagdag niya at kumuha ng isang tubo. "Ako nang bahala." aniya at naglakad na.






Lost In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon