Chapter 24

400 29 10
                                    


RED'S POV



Kumusta na kaya ang anak ko? Nagulat kami nung umuwi kami nung gabing yun dahil maraming pulis ang nasa labas ng bahay namin. May mga duguang tao rin sa labas, at ang iba sa kanila ay miyembro ng mga tauhan ko. Kinabahan ako dahil naiwan sa bahay si Rita nung gabing yon, pero ipinaliwanag agad ng isa sa mga tauhan ko na nailigtas siya ni Ken.








Si Ken Chan.. nakausap ko na ang daddy niya patungkol sa imbestigasyon na ginagawa nila. Binanggit niya sakin na itinago nila sa isang lugar si Rita, pero hindi niya pwedeng sabihin kung saan dahil baka mahanap sila doon nung mga gustong dumukot kay Rita.. Kaya kahit sobrang namimiss ko na ang anak ko, kailangan ko munang magtiis na malayo siya sakin para sa kaligtasan niya.







"Papa.."








Napatingin ako kay Rayven dahil sa pagtawag niya.








Binuhat ko siya at dinala sa lap ko.










"Papa, kailan po uuwi si mommy?? Kailan po tayo babalik sa bahay natin?" inosente niyang tanong.








"Hindi pa tayo pwedeng umuwi apo. Kasi hindi pa safe sa bahay natin.." banggit ko.








Dito muna kami sa isang property namin tumitigil.











"Hindi pa po uuwi si mommy??" tanong niya.








Malungkot akong umiling sa kaniya. Malamang na namimiss na rin niya ang mommy niya.






"Hon, Rayven.. tara, kakain na tayo." banggit ni Rhian dahilan para tumayo na kami at pumunta sana sa kaniya...









Pero nakarinig kami ng ingay sa labas. Nagulat kami nung may mga lalaking pumasok dito sa bahay.











"Sino kayo??" tanong ko at binalot ng matinding kaba ang buong pagkatao ko dahil naglabas sila ng baril.











"Sumama kayo samin kung ayaw niyong patayin namin kayo isa-isa ngayon din!" utos niya at nagpaputok ng baril dahilan para sumigaw sila Rhian at Rayven.











Kinuha nila kami at tinakpan ang mga mata namin.






"Anong kailangan niyo samin??" marahas kong tanong nung ipasok nila kami sa isang van.










"Palalabasin namin ang anak mo sa pinagtataguan niya." banggit niya at tumawa ng malakas.








Nakakapangilabot ang tawa niya. Para kong may katabing demonyo. Higit na tumindi ang takot ko para sa anak ko dahil sa kaniya. Sila ang may gustong kumuha sa kaniya.











"Sino ang nag-utos sa inyo?!! Sino ang gustong kumidnap sa anak ko?!!" sigaw ko sa kaniya kahit hindi ko siya makita.











"Malalaman mo rin mamaya!" banggit niya at hinampas ako ng matigas na bagay sa batok ko dahilan para bumigat ang talukap ng mata ko.











"Red!" dinig kong sigaw ni Rhian bago ako nawalan ng ulirat.





-------------------------------------

Lost In Your EyesWhere stories live. Discover now