Chapter 26

447 27 18
                                    


RITA'S POV





Napatingin at napalayo ako kay Ken mula sa sinabi ni tita.







Anong ibig niyang sabihin?? Anong kailangang sabihin sakin ni Ken.










Kita ko ang takot sa mukha niya kaya mas na-curious ako sa sasabihin ni tita.












"Anong ibig mong sabihin tita?" tanong ko at tinignan siya.










"7 years ago... ipinakidnap kita para magbayad sa pagpatay mo sa anak ko.. Pinlano kong ipagahasa ka para maging malagim ang karanasan mo sa lugar na to.. Inutusan ko sila Marco na kunin ang anak ng lalaking yun" banggit niya at tinuro ang daddy ni Ken. "At paulit-ulit kang galawin hanggang sa hindi na kayanin ng utak mo.." matalim ang tinging sambit niya sakin. "Gusto kong mabaliw ka nun! Gusto kong maramdaman mo yung pasakit na dinala mo sakin!!" sigaw niya. "Alam mo bang sobrang saya ko habang nakikita kitang natatakot noon? Habang pinagmamasdan kitang takot na takot sa ibang tao! Hahahahaha." kwento niya. "Inaasahan ko nang magbubuntis ka at alam kong hindi mo matatanggap ang batang yun kaya siya ang naging kapalit ng kapatid mo! Pero nung bumalik ka.. inagaw mo sakin ang anak ko!!"














"Anak ko si Rayven tita! Galing siya sakin!! Hindi mo siya anak!" sigaw ko rin.












Nababaliw na talaga siya para isiping anak niya ang anak ko!!











"Anak ko siya, Rita!! Ako ang nag-alaga sa kaniya mula pagkabata niya!! Ako ang tinuring niyang ina mula nang magkaron siya ng isip!! Ako yung Mama niya, Rita!! Ako lang!!! Hanggang sa umepal ka na naman!! Mula nung magkaayos kayo, inagaw mo na ang buong atensyon ng anak ko!! Pareho kayo ni ate!! Mga mang-aagaw kayo!!" sigaw niya.









Kitang-kita ko ang matinding galit niya sakin. Hindi ko mapigil ang mga luha ko dahil parang biglang hindi ko na siya nakikilala. Yung tita na nag-aruga sakin noon ay para nang demonyong suklam na suklam sakin ngayon.. Anong nangyari sa kaniya?? Anong nangyari dun sa tita ko na mabait at maalaga??










Ako nga ba talaga ang may kasalanan? Ako ba dapat ang sisihin sa nangyari sa kaniya??












Parang nanlalambot ang tuhod ko dahil sa mga nalalaman at nasasaksihan ko. Hindi ko inaasahang sa lahat ng tao sa paligid ko, siya pa ang gagawa sakin nito..












"Aww... kawawa ka naman. Kawawa naman ang baby namin," banggit niya at biglang tumawa ng malakas.











"Nagtiwala ako sayo tita.. Minahal kita na para kong tunay na ina.. Paano mo to nagawa sakin??" nanghihina ko nang tanong.











"May isa pa kong mas masakit na sasabihin sayo iha, hahaha. Hindi ko pa nababanggit yung tungkol diyan sa tao sa tabi mo." banggit niya dahilan para mapatingin ako kay Ken na hindi na makatingin sakin.











"Anong ibig niyang sabihin Ken?" mahina kong tanong.










"Rita.." banggit niya at tinignan ako. "Ta, may aaminin ako sa-"











Natigil siya nung may umilaw sa screen na nasa likod Marco. Hawak-hawak niya pa rin ang anak ko habang nakatakip ang kamay niya sa bibig nung bata na umiiyak pa rin hanggang ngayon.






Lost In Your EyesWhere stories live. Discover now