Chapter 11

118 53 20
                                    

Serenity's Point of View

"Si Maxine po?" tanong ko agad sa may tao sa counter nang makalapit ako rito.

"Ah, wait lang po Miss Serenity." Ngiting-ngiti naman siyang umalis at pumasok sa kitchen.

Habang hinihintay lumabas si Maxine ay naglibot-libot muna ako ng tingin sa paligid ng restaurant. Bigla na lang akong nakaramdam ng hiya nang mapansin kong nakatingin sa akin ang halos lahat ng customer na kumakain dito.

Napa-nguso na lang akong umiwas ng tingin sa kanila bago yumuko. Kinapa ko pa ang mukha ko sa pag-iisip na baka may dumi ako or something dito, pero wala naman. Ano naman kayang problema nila sa akin?

"Hey, Lady Serenity."

Napaangat ako ng ulo nang marinig ang boses ni Stephan. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang boquet ng bulaklak na inaabot niya sa akin.

"P-Para saan 'yan?" nahihiya ko namang tanong.

"Kunin mo na, Ren." Nabaling ang tingin ko kay Maxine na siya namang nasa may bandang likuran ni Stephan at ngiting-ngiti pa.

Napalingon ako nang marinig ang mga pinaghalo-halong mahihinang tawa ng mga customer. Hindi ko na maiwasang mapakunot-noo dahil sa pagtataka. Ano bang nangyayari rito? Muli akong bumaling kay Stephan na siya namang abot-tenga rin ang ngiti.

"Para sa'yo 'to," sambit pa niya at muling inilapit sa akin ang mga bulaklak. "Tanggapin mo naman oh."

Hindi ko naman maigalaw ang mga kamay ko dahil sa kaba at hiya. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ang boquet na binibigay niya. Maraming tao ang nakatingin sa amin at lalabas akong masama kung hindi ko ito tatanggapin. At isa pa, mapapahiya rin ang chef nila.

"S-salamat," sabi ko na lang at dahan-dahang inangat ang mga kamay ko.

"Yie!" asar pa nila Maxine na sa tingin ko ay promotor ng kalokohan na ito.

Nang mahawakan ko ang boquet ng bulaklak ay bigla na lamang kumaripas ng takbo si Maxine papunta sa may pinto ng restaurant.

"Max!" tawag ko sa kanya, pero hindi naman siya lumingon at tuluyan nang nakalabas.

Ano kaya ang problema niya? Nagseselos ba siya? Pero impusible. Kanina lang ay siya pa ang nangunguna sa pang-aasar sa'min ni Stephan.

Hindi ko malalaman ang dahilan kung hindi ko siya susundan.

Nagsimula na sana akong humakbang nang bigla akong pigilan ni Stephan kaya kunot-noo ko siyang hinarap. "Huwag mo na siyang alalahanin, Ren."

"Pero—"

"Okay lang siya."

"Paano mo nasabi?"

Mas lalo akong naguluhan nang bigla na lamang siyang ngumiti—isang ngiti na parang nagsasabing basta. Hindi tulad ng madalas niyang ngiti na sobrang saya.

"May itatanong sana ako sa'yo," sambit niya na ikinakaba ko naman. Parang hindi maganda ang kutob ko rito.

"A-Ano 'yon?"

"Can I date you?"

Hindi agad ako nakakibo sa tinanong niya. Para bang huminto ang oras at hindi rin ako makahinga.

Seryoso ba talaga ang lalaking ito sa akin? Hindi kasi talaga ako naniniwala sa kanya. Pakiramdam ko, pinagti-trip-an niya lang ako. Kung totoo man siya sa mga sinasabi niya, kinakabahan pa rin ako. Kinakabahan ako na baka ma-disappoint lang siya sa akin. Paano kung um-oo ako at tuluyan akong mahulog sa kanya, tapos bigla na lang, mare-realize niyang hindi naman ako worth it mahalin? Natatakot ako. Ayaw kong magmahal at masaktan.

Best Part Of My LifeWhere stories live. Discover now