Serenity's Point of View
"Naalala mo pa ba 'yong first date natin?" nakangiting tanong ni Stephan.
Patuloy lang kami sa paglalakad dito sa park kung saan madalas nangyayari ang date namin, pati na rin ang kauna-unahan naming date.
"Oo naman. Paano ko makakalimutan 'yon, e umulan no'ng araw na 'yon," natatawa kong sagot.
"Masaya ako kasi umulan no'n. Kasi nagkasakit ka kinabukasan, tapos inalagaan kita, tapos na-inlove ka sa akin--"
"Ano?" natatawa kong tanong.
"Bakit? Hindi ba totoo?" natatawa rin niyang tanong. "Hinawakan mo pa nga 'yong kamay ko kasi--"
"Coffee-guy, pinagpipilitan mo pa rin 'yan? Kung alam ko lang, ikaw talaga ang humawak sa kamay ko habang tulog ako." Nginitian ko naman siya ng nakakaloko.
Natawa siya at napailing na lang. "Nevermind, my lady. I don't want to argue with you about this. Se 'agapo."
Napangiti naman ako. "I love you--"
"Stephan?"
Sabay kaming napalingon ni Stephan sa babaeng tumawag sa kanya. Nakita kong malapad ang ngiti no'ng babae na sa unang tingin pa lang ay halatang isa siyang foreigner.
"It's really you, Stephan!" sambit pa niya.
Nagulat ako nang bigla niyang yakapin si Stephan. Hindi ko mapigilang mapataas ang isang kilay habang pinapanood silang dalawa. Sino ba ang babaeng ito?
"Hey, hey, hey, Fritzy." Inalis ni Stephan ang mga braso ng babae na nakapulupot sa kanya saka umatras.
"What's wrong?" tanong no'ng babae habang ngiting-ngiti pa rin, pero halatang nagulat sa inasal ni Stephan. "Didn't you miss me?"
Mas tumaas naman ang kilay ko sa tinanong niya. Nakakatunog na ako kung sino ang babaeng ito.
"Should I answer that?" Napakamot-ulo pa si Stephan.
Natawa ang babae. "Is that how you treat your best ex-girlfriend?"
I knew it.
Sa ganitong sitwasyon, wala talaga akong ideya kung ano ang dapat kong gawin. Maski makapagsalita, hindi ko magawa. Dapat ba akong mahiya o ang babaeng ito ang dapat mahiya?
Tama bang ma-intimidate ako ngayong katapat ko lang ang babaeng ex-girlfriend daw ng boyfriend ko?
"Uhm, Fritzy..," sambit ni Stephan saka pinulupot ang kamay sa bewang ko. "This is Serenity, my lady."
Hindi ko naman maiwasang mapangiti.
"Lady?" wika ng babae na kung tawagin ni Stephan ay 'Fritzy'.
"My girlfriend, as you can see," paglilinaw ni Stephan.
Bakas sa mukha no'ng Fritzy ang pagkagulat na tila ba biglang nakaramdam ng hiya saka humakbang paatras.
"I am so sorry." Natawa pa iyong Fritzy habang nakatakip ng kamay ang bibig. "I didn't know you have a girl right now. I'm really sorry-"
"Well, she's not just a girl, Fritzy. She's the lady I will marry."
Mas napangiti naman ako sa sinabing iyon ni Stephan.
"Oh," sambit ng babae saka ibinaba ang kamay. "So you're serious, huh?"
Ngumiti si Stephan. "I definitely am."
"I didn't expect you'll be."
"Neither do I."

YOU ARE READING
Best Part Of My Life
General Fiction[Completed] Serenity Garcia is following the path of her famous Fashion Designer Mom. She is doing everything to be recognized in her job as a designer in order to prove herself to her mother. While focusing on her dream, a Filipino-Britain-Greek Ch...