BLACK LIPSTICK 8

12 3 0
                                    

SHAYNE POV

"Argh, nakakainis talaga ang babaeng pangit na 'yun. Ang pangit na nga, napakatanga pa." Galit nitong sambit habang nasa loob ng cubicle.

Nasa comfort room ito at nagpapalit ng bestida, kasama ang kaibigan niyang si bernadette. Nang nakapagpalit na s'ya lumabas ito suot ang kulay lila na bestida. Humarap ito sa salamin.

"Nice! thank you Bernadette at pinahiram mo ako nitong dress." Nakangiti nitong sabi..

"Hay naku shayne, pasalamat ka at nabalitaan kong ikaw iyong nakipagaway. Kung hindi nasipa ka na palabas ng mall." Pang-aasar nito sa kaibigan.

"Kasalanan ito ng ugly duck na iyon." Inis nitong sabi.

Habang nag-aayos sila sa harap ng salamin may napansin si Shayne. Sa dulo kasi ng cubicle may napansin s'ya na nakasilip sa pintuan nito at tila ba nakatitig ito sa kanila.

Humarap ito at nakita nitong nakasara naman ang pinto. Nagtataka naman si Bernadette sa kaibigan.

"Shayne bakit, anong problema?" Tanong nito sa kaibigan.

"Shhh, dyan ka lang may titignan lang ako." Sagot nito.

Dahan-dahan itong nagtungo at biglaan nyang binuksan ang pinto, ngunit wala syang nakita na kahit ano man. Humarap s'ya sa kaibigan na may pagtataka.

"Para kasing may matandang babae akong nakita sa pinto." Sabi nito.

Sinilip naman muli ito sa pinto. Natatakot na si Bernadette sa kinikilos ng kaibigan. Lahat kasi ng pinto ay binubuksan nito at may hinahanap.

"Shayne, wag mo naman ako tinatakot. Tayo lang ang nandito sa loob, wala naman pumasok kanina nu'ng nagpapalit ka." Kinakabahan nitong sabi.

"Sigurado ako! Nakita ko s'ya nakasilip habang nagsasalamin tayo." Naguguluhan nitong sagot.

"Tinatakot mo naman ako Shayne eh."natatakot nitong sabi.

Habang naguusap ang dalawa biglang nagring ang cp ni Bernadette at napasigaw ang dalawa dahil sa gulat.

"Ahhh, ano ba yan Bernadette! Nakakagulat naman yang cp mo. Sino ba 'yan?tanong nito habang hawak ang dibdib nito.

"Si Jake nagtext, magkita raw kami. May sasabihin daw s'ya."sabi nito sa kaibigan.

"Oh, sige na puntahan mo na at baka importante. Tara na nga sa labas." Aya nito sa kaibigan.

Palabas pa lamang  ang dalawa ng biglang magsara ang mga pinto sa cubicle. Agad namang nagtakbuhan ang dalawa palabas.


BLACK LIPSTICKWo Geschichten leben. Entdecke jetzt