BLACK LIPSTICK 14

14 2 0
                                    


Biglang nagring ang cellphone ni Rhea at kanya itong tinignan.

"Bakit bes, sino nagtext sa'yo?" Tanong nito sa kaibigan.

"Bes, nagtext si mama. Umuwi na daw ako at may importanteng paguusapan." Sagot nito kay Jonalyn.

"Oh, importante pala. Mauna ka na umuwi." Sabi nito.

"Pero paano ka? Baka pagtripan ka na naman nila Shayne?" Pagaalala nito.

"Sus! Ano ka ba? Kaya ko 'to. Saka may naisip na akong paraan para makatakas." Sabi nito na may malawak na ngiti.

"Sige. Sabi mo 'yan ha? S'ya aalis na ako, baka pagalitan pa ako." Paalam nito sa kaibigan.

Sabay na sila lumabas ng room at isinara na ito. Nang nasa hallway na sila ay naghiwalay na sila ng daan.

Si Rhea ay nagtungo na papuntang gate at namataan nyang naroroon si Mang Greg. Pinapasundo pala ito ng kanyang ina.

Si Jonalyn naman ay nagtungo saglit sa cr para magbawas.

Nang makasakay na si Rhea ay napansin niyang naroroon ang mga alipores ni Shayne nakaupo at tila may hinihintay.

Napansin rin nya na pabalik ang iba sa kaniyang dinaanan. Bago tuluyang makaalis ang sinasakyan n'ya ay nakita nito si Shayne na kakarating lang at may dalang tali.

"Aanhin ni Shayne ang taling iyon?" Bulong nito sa sarili.

"Ano po iyon ma'am?" Tanong ng driver na nakasilip sa salamin.

Napalakas pala ang pagbigkas niya.

"Ah, wala po may iniisip lang po. Siguro nabigkas ko." Sagot nito.

Nagpatuloy na sa pagmamaneho si Mang Greg.

Sa kabilang banda. Bago lumabas si Jonalyn ng cubicle ay may narinig itong naguusap papasok pa lamang ng cr.

"Saan ba nagpunta? Akala ko ba ay binantayan mo?" Inis na sabi nito at pumasok na sa cr.

"Basta nakita ko syang pumasok dito sa cr. Siguro ay alam nyang aabangan natin s'ya." Sabi ng isa pa na kausap nito.

Nakikinig lang si Jonalyn ng mabosesan n'ya ang isa si Shayne. 'Di siya mapakali at nagiisip ng paraan para makatakas.

"Anong gagawin ko? Kailangan kong makatakas. Pero paano?" Sa isip lamang n'ya.

Ng kukunin ni Jonalyn ang kanyang cellphone sa bag ay napansin nito ang black lipstick. May sumagi sa isip nito at napangiti.

"Gagamitin ko na lamang ito. Kahit hindi ko alam ang kapalit." Bulong nito sa sarili.

Kanya itong binuksan at ginamit. Muli ay nagbago ang kanyang anyo. Naging makinis, maputi at magandang dalaga na ngayon ang dating kinatatayuan ni Jonalyn.

"Isa-isahin mo lahat ng cubicles. Bilis at ako'y naiinip na." Utos ni shayne sa kasama.

Nabuksan na nito lahat maliban sa isa, sa kadahilanang ito ay nakasaraso. Nasa harap na sila ng pinto ng bigla itong magbukas.

Napaatras ang dalawa dahil isang magandang dalaga ang kanilang nakitang lumabas. Kakaiba rin ang awra nito dahil na rin siguro sa suot nitong pang kulay sa bibig.

"Bakit ba pinipilit nyong buksan ang pinto. Alam n'yo namang nakasara 'di ba?" Maangas nitong sabi.

Tila kinilabutan sila sa tono ng boses nito. Si Shayne naman ay pilit nilakasan ang loob.

"Aba'y malay ko ba na may tao. Saka sino ka ba? Ang yabang mo ah!" Matapang nitong sabi sa kaharap.

Tila nagpantig ang tenga ng magndang babae. Naginit bigla ang pakiramdam nito.

"Paano mo malalamang may tao, eh hindi ka naman kumatok. Saka kung nayayabangan ka sa kilos o pananalita ko wala akong PAKIALAM!" Sabi nito at pasigaw ang huling salitang kanyng sinabi.

Tila natakot ang dalawa sa paghakbang nito patungo sa kanila. May kung anong kabang nararamdaman si Shayne.

Tulad ng naramdaman n'ya noong sila ay nasa mall. Sa harap ng salamin na may matandang nakatitig. Kakaiba ang mga titig ng dalaga, parang hinihigop nito ang iyong lakas.

"Oh, bakit parang naging maamong tupa kayo ngayon? Natatakot ba kayo?" Mapangasar nitong sabi at tinalikuran na ang dalawa.

Bago tuluyang lumabas si Jonalyn ito'y muling nagsalita.

"Oo nga pala. Tinatanong mo kung sino ako? Ako nga pala si Devi. Hahahaha!" Pahabol nito at umalis na habang tumatawa.

Nanindig ang mga balahibo nila sa balat. Ilang sandali ay kusang nagsara ang mga pinto, ngunit wala namang hangin.

Nagkatinginan ang dalawa at nasisisigaw sa takot. Nagkandarapa pa silang lumabas ng cr na iyon. Pagkalabas ay biglaan ding nagsara ng malakas ang pinto ng cr at nag-uunahan silang nagtatakbo dahil sa takot.

BLACK LIPSTICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon