12

610 24 0
                                    

NAPAILING na lang si Emerben sa sinagot ni Aidan sa kanila nang batiin nila ito pagdating. Nakaani tuloy ito ng pang-aasar mula kay Ramir na hindi na yata nawalan ng kalokohan sa katawan at si OJ na akala nitong matinong kausap. Sa tuwi kasing nakakainom na si OJ at unti-unti ng tinatamaan ay nakakalimutan na nito ang mga katinuan at nawawala na sa sarili.

Magkakaklase sila simula pa ng highschool. Simula noon hanggang ngayon ay magkakadikit pa rin sila. Ang samahan nila ang matatawag niyang pangalawang  pamilya kaya naman wala silang naitatago sa isa’t-isa. But Aidan disappeared right after his brother, Aiden, died. At ngayon ngang lumitaw ito, busy daw ito. At sympre, hindi sila naniniwala.

Muli pa silang nagkatawanan sa huling banat ni OJ.
Napapiling na lang siyang pinutol ang tawanan. “Kidding aside, tagal nga nating hindi nagkita. Nauna kang umuwi sa 'kin dahil kay…Den…pagkatapos ng libing nawala ka ng parang bula.”

Natanggal ang pagkakatingin niya sa binata ng may dumaan na mga kadalagahan sa harap nila. Para kasing napansin niya sa grupo na iyon si Riddle. At ayaw niyang makita roon si Riddle. Hindi dahil pakiramdam niya ay binabantayan siya nito kundi dahil natatakot siyang makita ito n'ong babaeng sinugod nito o kaya naman ay pagkaguluhan ito ng ibang lalaki.
He wouldn’t like it. He wouldn’t want that.

“You definitely need a private room for us, OJ. Baka pagtumagal-tagal, mag-aaway lahat ng babae rito dahil kay Emerben.”

Dahil sa komentong iyon ay napalingon siya sa kaibigan. Alam niyang gumagawa nang paraan si Aid para mawala rito ang atensyon. “Wala namang ganyanan. Masama bang tumingin?” pagsakay niya rito.

“Masama, kung ang tingin mo sa mga babae ay isa silang putahe.”
A knowing smile curved on OJ’s lips bago napailing. Bahagya lang niya itong inungusan upang hindi magsalita pero hindi niya nabalaan si Ramir.

“At saka kailangan mo nang magpakatino, Emer. Mamaya bigla na namang sumulpot ‘yung bride mo.” Malapad ang ngiting saad nito.

Ikakasal ka na?”

Sinasabi na nga ba niya. “Okay, okay, enough about me. Ikaw ang pinag-uusapan dito, Aid. Where did you go after the funeral?”
That shifted the attention from him back to Aid.

“Well, I went back to my business. Baka bigla na lang bumagsak ‘yon. After two weeks, bumalik na 'ko rito.”

“At dalawang buwan na ang nakakaraan simula ng inilibing si Den, asan ka halos ng isa’t kalahating buwan?” isang masamang tingin ang inani ni Ramir kay Aid. “What?” anito.

“Now, that stare is something.” Natatawa niyang saad “Where have you been these past weeks? Hindi ka naman napapadpad dito. Ni hindi nga namin alam na naririto ka pala.”

“Nanay ko ba kayo? Makapag-tanong kayo, ah.” Nailang ng saad ni Aid sa kanila.
“Hindi mo kami nanay, pero mga tsimoso kami kaya spit it out. Babae nga ba ‘yan? Impossibleng business ‘yan. Iniwan mo nga ‘yong isa na hindi mo dati ginagawa kahit na birthday namin. So spit it out.” Pangungulit pa ni OJ dito. Mukhang may tama na sa alak ang kaibigan nilang ito.

Nakita niya ang pagbalatay ng lungkot sa mukha ni Aidan at tama ang hula nilang babae nga ang pinagkaabalahan nito at ang problema nito.

Mahal daw kasi nito ang nobya ng namayapa nitong kapatid at hindi lingid iyon sa kanila. Noon pa man ay may nararamdaman na ito para kay Joey. Itinago lang nito iyon dahil ang kakambal nitong si Aiden ang mahal ni Joey.

Hindi niya maiwasang makisimpatya rito. After all, ganoon din ang ginagawa niya. Ang pagkakaiba lang nila, sinisikil niya ang damdamin niya sa takot na baka iwan din siya ni Riddle sa bandang huli kapag hindi niya naibigay ang pag-ibig na makakapagpanatili rito sa tabi niya.

“Anong balak mong gawin ngayon?” basag ni OJ sa pananahimik nila.

Follow my heart. Napailing na lang siya. Why was he the one who's answering the question? “Oo nga, you have the looks, the brain, and the talents para maakit ang kahit sinong babaeng gusto mo. Like you always do.” Anang na lang niya.

“That’s the problem,” malungkot na saad ni Aid. “I have everything I need to make her fall for me. But what I have makes her remember Aiden. Look at me and look what I can do. Sa unang pagkakataon, pinagsisisihan kong magkaparehas kami ng mukha at kakayahan ni Aiden.”

Mapait siyang ngumiti. Ganoon ba talaga lahat ng inlove? Ang daming kinatatakutan. Iba-iba ang kinatatakutan.

Tulad ng ginawa ni OJ sa kanya, si Aidan naman ang hindi nito tinigilan. “But you love her?”

“I did and always do.”

“Then be with her.”

“I can’t. Because Aiden still has her heart. I saw her earlier, crying in his grave. Missing him like he just went somewhere. Anong laban ko roon?” napaluha na nitong saad na ikinagulat ni Emerben.

Aidan wasn’t afraid to cry for Joey. At umiiyak ito dahil hindi pa rin ito mahal at mukhang hindi kayang mahalin ni Joey. Paano kung mangyari iyon sa kanya? Parang bigla na naman tuloy siyang natakot. Ayaw niyang lumuha at maging mahina ng dahil sa pag-ibig.

“Ganoon na lang ‘yon?” biglang saad ni Ramir. “Hahayaan mo na lang na mawala si Joey sa 'yo kahit na alam mong wala ka ng ka kompetisyon?”

Pero hahayaan nga ba niyang mawala si Riddle sa kanya? Wala naman siyang kakompetnsya sa dalaga. Simula noon hanggang ngayon kaya anong ikinatatakot niya. Hindi siya iiwan ng dalaga. Iyon lang dapat ang isipin niya ngayon.

Mahabang katahimikan ang dumaan sa kanila ng sabihin ni Aidan na desidido na itong lumayo kay Joey. Pare-parehas na nag-iisip ng kung ano-ano. Babae? Hindi niya alam pero siya, desidido siyang ituloy ang kasal nila ni Riddle at kung iiwan siya nito, he’ll be damned if that happens.

“Let’s toast, to those women who make us insane!” anang niya pagkataas niya ng baso.

“Kayong dalawa lang.” bigla ay iwas ni OJ sa kanila. Napaigik lang ito ng sikuhin niya ito “Oo na, oo na.”

“Cheers!” sabay-sabay na saad nila.

Cheers sa pagkawala ng singlehood ko at paghahanda sa pagkabaliw ko!

[Completed] Scared To DeathWhere stories live. Discover now