Chapter 7

2.8K 94 4
                                    

"Yaya, please tulungan mo po akong makalabas dito sa bahay. Nagmamakaawa po ako."

Iyak kung bulalas kay Yaya loring habang nakaluhod sa harapan niya. I know mali ako dahil hinayaan ko ang sarili ko na angkinin ng isang lalake na hindi ko kilala at ni kahit pangalan nito ay hindi ko inalam.

Napabuntong hininga naman ang Yaya niya at parang iiyak narin ito.

"Gustohin ko man Bebe, pero hindi pwede. Pasensya kana ha at sana maintindihan mo ang nararamdaman ng iyong ama, bata kapa marami kapang makilala na higit na may kakayahang buhayin ka at ang magiging anak ninyo. Nasaktan ang ama mo Bebe." Saad nito sa kanya habang hinahawakan ang kanyang dalawang pisngi.

Alam niya iyon, mataas ang expectation ng kanyang Daddy. Kahit siya ayaw rin niya sa nangyari. Bakit ba sa akin pa nangyari ito, marami naman diyan na naka one night stand pero hindi nabuntis. Bakit ako pa? Bakit?

"Naintindihan ko po si Daddy yaya, pero sana hindi na siya nagalit sa mga kaibigan ko. Kahit sila walang alam sa nangyari sa akin." Hagulgol kong saad.

"Darating ang araw bebe na matatanggap rin ng ama mo ang bata na nasa sinapupunan mo. Pero sa ngayon sundin mo muna siya, mahirap sa isang magulang na tanggapin na ang kanyang anak ay nabuntis habang nag aaral pa ito. " Sabi sabay yakap sa akin ni Yaya loring.

How stupid I am dahil ni itsura ng lalaking nakabuntis sa akin ay hindi ko nakita. Ano nalang isasagot ko sa magiging anak ko kapag nagsimula na itong mag tanong tungkol sa kanyang ama. Paano na ang pag aaral ko, ang pagiging doctor ko paano na?

"Yaya, I'm not ready for this. Bata pa ako yaya.. hindi ko alam kung paano maging isang ina." Sambit ko dito.

"Shhh... tahan na. Matutunan mo rin iyon kapag niluwal muna ang iyong anak."

"Pero yaya, ano nalang ang sasabihin ng mga tao-- ng mga kaibigan ni Daddy. Yaya I'm not ready." pagsusumamo ko.

"Tanggapin mo ang anak mo bebe, regalo iyan mula sa diyos." Yaya loring.

Iniling ko ang ulo ko bilang sagot. I love kids pero hindi ko pa gusto magkaanak ngayon. Wala ito sa plano ko.

"I can't yaya."

"At ano ang gusto mo Blaire? Ang ipalaglag ang anak mo? Iyon ba ang gusto mo!?" Sagot galing sa nakabukas na pinto ng kanyang kwarto. Her Daddy..

"Daddy--"

Isang malakas na sampal ang inabot niya mula sa ama. For the second time around nakatanggap siya ng sampal galing sa ama niya. Kahit kailan hindi siya sinaktan ng kanyang ama-- ngayong lang.

"Ano!? Magpapabuntis ka at ngayon gustong ipalaglag ang anak mo. Hindi kita pinalaki na mamatay tao Blaire." Asik ng kanyang ama.

Takot ang rumistro sa mukha ni Blaire.

"D-dad."

"Saan ako nagkulang Blaire? Diba sinabi ko na sayo na tapusin mo muna ang pag aaral mo bago mag boyfriend. At sana sinabi mo sa lalaking iyon na mag suot ng proteksyon." Bulayan ng kanyang ama.

Impit na umiyak si Blaire dahil sa sinabi ng kanyang ama. Hindi ka nagkulang Daddy, you're the best dad. Ako iyong hindi nag ingat. I'm sorry Daddy.. sana mapatawad mo ako.

"Don't you ever dare abort your baby dahil kapag ginawa mo iyon. Itatakwil kita bilang anak ko. naririnig mo ba ako Blaire?" Mariing giit ng kanyang ama bago umalis sa kanyang kwarto.

Napasalampak ako sa sahig at pinakawalan ang kanina pang iyak. Daddy I'm so sorry, sorry cause I failed you. Sorry cause I tried to abort my baby. Sorry dahil hindi ko na alam ang gagawin.

I'm sorry baby, dahil gusto kitang mawala. Please don't hate your mama, I'm just not ready...not yet.

Oh God.

Hindi pa ako ready maging isang ina. Gisingin mo ako sa sa bangungot na ito.

He's DUKE (Completed)Where stories live. Discover now