1

26 2 0
                                    


Hermione Villanueva's POV.

"Hoy bakla?! Antagal niyo naman. Asan na ba kayo? Kanina pa ko nag iintay." Sabe ni Coleen sa phone. Susunduin kase namen sya ni JM sa airport. Galing siyang canada at after ilang years uuwi na rin siya.

"Saglit lang naman diba? Lagi na lang nagmamadali kala mo naman talaga.." Biro ko sa kanya. Natawa naman si JM. Pinatay na rin namin yung call kase andito na kame.  Bumaba na kami ng kotse at hinanap si Coleen. Bigla namang may bumatok galing sa likod ko.

"Omg teh kamusta ka na? HAHAHAHAHA"
Sabe ni Coleen. Ansaket non ha hayop to.

"Maka batok naman!" Sinabunutan ko siya. Ganto naman na talaga kami since high school eh. HAHAHAHA.

"Ayan sige magharutan pa kayo dito!" Sinabunutan naman kaming dalawa ni JM.
Tinginan tuloy yung nga tao sa paligid namin.

"Siraulo, nakakahiya kayo HAHAHAHA. Tara na nga ano inaantay na nila tayo." Sabe ko sa kanila. Tumawa naman yung dalawa at saka pumasok sa kotse.

"Puchang traffic yan oh." Sabe ni JM. Siya kase nagddrive habang kame ni Coleen nagdadaldalan.

"Ano teh ang ingay nyo ha.." Sabe ni JM ng nakasimangot. Kanina pa kase kami sa traffic. Sino ba namang di maiinis pag umagang umaga traffic agad? HAHAHAHA.

"Sino bang susunod na susunduin? Tsaka saan ba tayo kakain?" Tanong ni Coleen.
Hala sino nga ba? Di ko ren alam. 'To kasing mga kaibigan ko di ko alam kung nasaang lupalop na ng mundo. Nagchat ako sa gc.

To: Mga kopkop ng taon:// since '18

Hermayuni: so ano balak nyo sino ba susunod na susunduin ha?

Pranses: Teka lang beh ano nag aayos pa nga eh.

Coleng: Antatagal ha

Andeng: nagmamadali amputa ikaw kaya mag ayos porket fresh from canada ka ha
                                                                         😂5
Coleng: Ulul taenamo dalian nyo na

Andeng: charot beh namiss lang kita hihi
                                                                         ❤1
Julyana: Hoy gaizz saglet lang haa

Hermayuni: gora lang mga sis traffic naman eh

Julyana: Nasan pala si JM bat di nagchachat?

Coleng: Siya nagddrive eh. Odiba instant driver
         😂3
Andeng: shala ha driver na pala ngayon
                                                                    😂4
Pranses: Tarantado HAHAHAHAHAHAHA

Hermayuni: hoy malapit na kami kila @Juliana Buenavista mag ready na rin kayo dadaanan namen kayo @Andrea Lopez
@Alissa Muñoz

          Seen by Alissa Muñoz, Andrea Lopez
and 3 others

Tinago ko na yung phone ko sa bag. Pumikit ako saglit. Grabe pagkatapos ng ilang taon ng magkakahiwalay kami magkakaibigan, magkikita kita na ulet kame.

Simula nung makapagtapos kame ng high school, hindi na kami gaanong nagkikita. Naging busy na kami. Karamihan pa naman sa amin Med ang kinuhang course. Grabe pa naman ang stress at hassle sa course na yun.

Kaya hindi rin kami gaanong nakakagala. Pero ngayong bakasyon, nakapaglaan na rin kami ng oras para sa isa't isa. Lahat kami andito sa pilipinas.

Si Coleen lang ang nalipat sa ibang bansa dahil nandoon na ang mga magulang niya. Kaya inantay talaga namin na makapagtapos muna siya ng pag aaral doon bago kami magkita kita.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Apr 17, 2020 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Memories In Time Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang