Episode 5

13.8K 647 481
                                    

#BTSEp5

"Bakit ang bait mo sa 'kin ngayong araw, mamamatay na ba ako bukas?" I asked Liv. Nakaupo ako sa kitchen island. Pinapanood siyang magluto ng napakahirap lutin na pancit canton chili flavor sa tabi ko.

Hindi niya ako sinagot. Parang hangin lang talaga iyong kinakausap ko!

"Huy," hinigit ko iyong dulo ng manggas niya. He only gave me a cold glance, "nakikinig ka ba sa akin? Ang tanong ko, bakit ang bait mo yata sa akin bigla? May papatay ba sa akin bukas?"

"Don't overthink." he mumbled, nakafocus pa rin iyong tingin niya sa niluluto niya. Akala mo naman napakahirap ng ginagawa niya, eh pinapakuluan lang naman iyon! "I am doing this for good will. Gusto ko kasing pinapakain ang mga pulubi sa labas."

Halos matumba talaga ako mula sa kinauupuan ko!

Ako? Mukhang pulubi? Naka-drugs ba siya?!

"Hindi ka ba talaga nagagandahan sa 'kin?" Ang tapang ko talaga ngayong araw.

Pero katulad kanina, para akong nakipag-usap sa hangin. Hindi niya ako pinansin noong pinatay niya ang electric stove. Ang bastos talaga ng lalaking 'to!

I am murmuring something when I decided to finally sit doon sa lamesa. Nilalagay na niya kasi iyong powder at seasoning sa pancit canton. At one moment, bigla akong natakam sa pagkain noon.

"Matagal pa ba 'yan?" I demand. Bigla kasi talaga akong natakam.

Pero wala talaga akong nakuhang sagot sa kanya ni isa. Kung hindi lang talaga ako sanay sa lalaking ito, kanina pa ako nag-walk out.

He slide the plate infront of me when he came near me. Umupo siya sa harap ko. Matapos ay kinuha niya iyong cell phone niya.

"Ako lang ang kakain?" I quizzically stared at him. Iyong plato ko lang kasi ang dala niya noong lumapit siya sa akin.

Umiling lang siya. Hindi inaalis ang tingin cell phone. Ako naman ay napapangiwing idinako ang tingin sa plato ko.

"Mukha ba akong bibitayin?"

His eyes went on my direction.

"Alam mo, kaunti na lang, iisipin ko na talagang may papatay sa akin bukas. Kasi ano ito?" I threw my hand on the plate, "last meal of my life pala ito? Preso pala ako? Death sentence ka ghorl?"

Kasi naman! Mahigit limang pack yata ng pancit canton iyong niluto niya! Dalawang pack nga lang, hindi ko na maubos, ito pa kayang lima? Ano 'to? Papatayin niya ako sa kabusugan?!

Sumilay na naman iyong ngiti sa natural na mapulang labi niya. "Just eat. Ang dami mong sinasabi."

"Wow? Kumpara mo naman sa 'yo na parang ang mahal mahal ng salita. Naku pasalamat ka lang talaga kasi ano--" I roll my eyes at him. Sumubo na lang ako, baka kung ano pa ang masabi ko.

"Ano?" He asked noong hindi na ako nagsalita pa.

Katulad ng lagi niyang ginagawa sa akin, hindi ko siya sinagot. Parang hanging iyong kinausap niya! Hah! I am mentally smirking while he is staring at me with his poker face.

Behind The Spotlight (Published Under Immac PPH)Where stories live. Discover now