A KISS TO REMEMBER

287 21 5
                                    

Abala ako sa pagre-review dahil may quiz kami ngayon sa Statistics.

"Zia," tawag sa 'kin ng classmate ko.

Nilingon ko siya. "oh?"

Ngumiti ito sa akin. "Pahiram naman ng Stats. notebook mo, re-review rin ako." sabay tawa ng mahina.

Ah baliw ba siya? Naghirap akong magsulat ta's gano'n lang?

"Sorry, pero 'di pwede, nagre-review rin kasi ako," sagot ko.

"Ah damot mo naman haha. Para 'yan lang ayaw mo pang ipahiram, kaya ayaw sa'yo ni Jelo eh." pag-paparinig niya saakin.

Nyenyenye, kahit ano pang sabihin mong babaita ka. Wala akong pake.

"Ah haha, uso kasing magsulat. H'wag puro liptinto dito, liptint doon."

Tinignan ko siya, pulang-pula na siya sa sobrang inis.

"Aba! Sumasagot kana sa akin ngayon ha! Parang kayang-kaya mo na ako," sigaw niya na nakakuha ng atensyon ng lahat.

Ngumisi ako. "Oo, kayang-kaya kitang talunin sa academics, h'wag kasi puro ganda ang ginagawa. Uso kasing magsulat, Margarette."

Lumapit ito sa akin at ambang sasabunutan sana ako nang...

"Subukan mo, Margarette. Ako ang makakalaban mo." napatingin ako sa gawi ko. S-Si Jelo.

"Ah hindi ah, may tatanggalin lang akong dumi sa buhok niya."

Sus, palusot. Gusto niya kasi si Jelo, pareho naming gusto si Jelo. Bait-baitan pa, Margarette.

Hinawi nito ang buhok niya sa kaniyang tainga at kinuha ang liptint niya. Binuksan niya ito at naglagay ng tinta sa kaniyang labi.

Haha see? Puro ayos lang alam niya.

"Sorry na Jelo ko." lumapit siya kay Jelo at ambang yayakapin sana nito nang...

"Subukan mo akong yakapin. Ako mismo ang magpapa-alis sa 'yo rito sa section na 'to!" may galit na sigaw ni Jelo.

"Haha ano? Ipangtatanggol mo si Zia? Ang pangit pangit niya, Jelo! Tignan mo nga? Ayaw pa akong pahiramin. Napaka-damot," hasik ni Margarette.

Tinignan ako ni Jelo mula ibaba hanggang pataas.

Nagtama ang mga mata namin.

Shockss! Kinikilig akoooo!

Lumapit ito sa akin at bigla na lamang akong hinalikan sa labi.

Lahat ng mga kaklase ko ay naiwang nakanganga, pati ako.

"She's beautiful. Mas maganda siya kaysa sa'yo. I like her, ikaw yung hinding-hindi ko magugustuhan. Ugali mo pa lang ay hindi na pasok sa akin. H'wag mo na siyang a-awayin pa, sinasabi ko na sa 'yo, Margarette. Ako ang makakalaban mo!" sigaw ni Jelo at hinila ako palabas.

Hawak-hawak ko ang labi ko. Hindi ako makapaniwala.

"Ba't tayo narito?" sabi ko dahil dinala niya ako sa open field dito sa school namin.

"You're my Girlfriend now, whether you like it or not," sabi niya at hinalikan ako ulit sa labi.

My gossshhh guyss! Jowaaa ko na si Crush!

------

You can add me in my fb account.

- Yakiro Writes

Here's the link:
https://www.facebook.com/william.fore.92

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now