THE UNTOLD STORY OF A CRAZY WOMAN

27 2 0
                                    

"May baliw oh!" sigaw ng mga estudyante sabay tawa, pauwi na kasi kami ni Lola galing sa palengke.

Tinignan ko ang babaeng pinagtatawanan nila. Nanlumo ako nang makita ko ang babae.

Magulo ang buhok nito, madaming stick na nakatusok sa kaniyang buhok, upang di lumadlad ang kaniyang mahabang buhok, puno ng grasa ang kaniyang maganda at mahabang bistida.

Ang kaniyang mukha ay di na masyadong makilala dahil sa grasa at ilan pang dumi na nakadikit pero batid kong maganda siya.

"Hoy, Julius. Asawa mo," sabi ng isang babaeng estudyante sabay tawa nito ng malakas.

Hindi ko alam pero kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Naiinis ako sa mga sinasabi nila.

Hindi sila marunong rumespeto.

"Hi po, Ateng baliw," sabi naman ng isang lalaking kung sa tingin ko ay nasa edad kinse pataas.

"Hoy, Leo, mamaya habulin tayo niyan," sabat naman ng kasama niya.

"Hindi 'yan. Saka walang alam 'yan, baliw nga diba?"

At nasigmula ulit silang matawanan.

"Hoy, h'wag kayong gan'yan. Sabi nila, matalino raw 'yan dati."

"We?"

"Oo."

"Kahit na, baliw pa rin siya. Haha, kawawa ka naman, Ateng baliw."

Kumulo ang dugo ko nang marinig ko ang mga sinasabi nila.

"Kayong mga estudyante kayo, wala kayong magawa sa buhay. Pati yung tao na nanahimik eh, ginugulo niyo," biglang sigaw ng Lola ko.

Dahil sa takot ay nagsitakbo ang mga ito.

Tinignan ko ulit ang babaeng sinasabihan nila ng baliw, di ko napansin na may hawak pala itong mga libro at kung ano-ano pa.

"Halika na, Ela." rinig kong sabi ni Lola.

"Lola, bakit po may hawak siyang libro at mga kung ano-ano pa?"

"Gusto mo bang malaman ang storya niya?"

"Opo."

"Si Mikaela ay isang maganda at matalinong babae, galing siya sa isang mayaman na pamilya.

"Tapos po?"

"May nobyo dati si Mikaela na mahal na mahal niya, subalit hindi niya akalain na gagamitin lang siya nito."

"Ha? Paano?"

"Dahil nga ay matalino si Mikaela ay ginamit lang siya ni Nathaniel upang maging una ito sa klase. Graduating na si Mikaela no'n, hindi niya akalain na gagamitin lang siya ng nobyo niya, pagkatapos no'n ay iniwan siya nito. Hindi na si Mikaela ang tumatakbong Valedictorian, ang dating nobyo niya.

Nagulat ako sa sinabi ni lola, at bilang nagsitaasan ang balahibo ko bagama't kapangalan nito ang lalaking napupusuan ko.

"Nadepress si Mikaela, at nung araw ng graduation nila ay hindi siya pumunta."

"Bakit? sayang naman, la."

"Napag-alaman kasi ng pamilya nito na buntis siya, nabuntis siya ni Nathaniel, dahil do'n ay itinakwil siya ng kaniyang pamilya dahil isa itong kahihiyan sa buong angkan nila.

Naluluha ako sa kwento ni Lola, hindi ko akalain na gano'n ang sinapit ni Mikaela.

"At 'yon, nang maipangak niya ang anak niya, iniwan niya sa isang basket, ta's nalaman ko na lang na tuluyan na siyang nabaliw."

"Nasaan na po yung anak niya? 'yong nobyo niya po dati?"

"Gusto mo talagang malaman?"

"Opo"

"Kaya kita pinangalanan na Ela dahil ikaw ang anak niya, ikaw 'yong apulot ko sa basket at ang lalaking napupusuan mo ay ang dating nobyo ng ina mo."

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now