Kabanata 1

7 1 0
                                    

Pagbabalik

Nastalia's POV

Naglalakad ako, hindi ko alam kung saan ako patungo, madaming puno sa paligid at may ilog sa malapit. Hinahanap ko si Mamu ngunit hindi ko siya makita. Nasan ka na ba Mamu?

Napangiti ako ng may nakita akong isang paru-paro, sinundan ko ito hanggang sa napadpad ako sa bayan, nakakamangha ang linis ng paligid; ang ganda ng mga puno! Hinding-hindi ako magsasawang titigan ang kulay berde nitong mga dahon at ang matatayog nitong katawan.

Sa hindi kalayuan nasilayan ko na ang aking mamu.

“Mamu!” sigaw ko upang mapansin niya ako, ngunit hindi man lang niya ako nilingon. “Mamu!” lumapit ako sa kaniya at nagulat ako ng makita ko ang aking sarili sa tabi niya na umiiyak.

Anong nangyayari?

“Tandaan mo ang lahat ng itinuro ko sa’yo, Nastalia” saad ni mamu ng umiiyak.

“Ayaw ko,” malamig na sabi ko.

“Nastalia!” tawag ni Mamu. “’Wag mo nang pahirapan ang Mamu, sige na."

“Sarili ko ito, ako. Kaya sino kayo upang diktahan ang mga gagawin ko?” malamig na saad ko.

Ano ba talagang nangyayari?

“Castille,” wika ng lalaki. Agad na tumango si Mamu at may kinuha sa kaniyang bulsa. Hindi ko mawari kung ano ito—isang maliit na metal?

“Ngayon na,” pagkasabi ng hudyat, agad na itinarak ni Mamu sa leeg ko ang metal na ‘yon ngunit bago pa ako tuluyang mailayo sa kaniya ay may sinabi siya at kasabay nito 'ay ang aking paggising.

“Pasensiya na, anak, ngunit para rin naman ito sa’yo. Hindi man ito ang mundong itinadhana para sa’yo, sisiguraduhin kong sa mundong masasaksihan mo sa pagmulat ng iyong magagandang mga mata, nandun ako.”

“MAMU!” sigaw ko kasabay ng aking pagbangon. Napahawak ako sa aking dibdib dahil hindi ako makahinga, pakiramdam ko uhaw na uhaw ako. Nang makahinga na ako ng ayos itinakip ko sa aking mukha ang aking kamay at napansing kong lumuluha pala ako. Parang totoo ang lahat ng aking napanaginipan.

Anong ibig sabihin ng aking panaginip?

Pinagmasdan ko kung nasaan ako, nagulat ako ng makita kong hindi ito ang aking kuwarto. Malaki ang silid na ito kumpara sa silid ko. Nasan ako?

“Ma-” tatawagin ko pa lang sana si Mamu ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang lalaki. Siya yung lalaki sa panaginip ko. “Sino ka? Asan ang Mamu ko?” tanong ko.

Ngumiti ito sa akin. “Buti naman at gising kana, Nastalia.” saad niya at lumapit siya saakin, napaatras naman ako.

“Sino ka? Anong gagawin mo? Asan ako?” sunod sunod kong tanong sa kaniya.

“Wag kang kabahan Nastalia, hindi kita sasaktan.” nakangiti niyang sabi.

“Huling tanong. Sino ka? Asan ako? Bakit ako nandito?”

Napailing naman siya at lumapit sa bintana. “Hindi na ako nagulat na lumaki kang matapang, Nastalia. At alam ko din na isa kang mabuting bata, napakaayos ng pagpapalaki sa iyo ni Castille at higit sa lahat napakaganda mong dalaga para kang isang diwata.” Mahaba niyang saad ngunit tinignan ko lang siya ng blanko kaya napabuntong hininga ulit siya.

“Ako si Azores, Andito ka sa Philadelphia; mundo ng mga maharlika at mundo ng mahika.” paliwanag niya. Tiningnan niya ako at tumingin ulit sa labas ng bintana. “Ang mundo nila Castille ay ang mundo ng mga tao, at malayo ang mundo natin sa mundo nila.”

Ensorcell Lie Academy [ON-GOING] Where stories live. Discover now