Kabanata 3

10 1 0
                                    

Itinakdang Tagapagligtas

Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi ni Azores. Anong kinalaman ng simpleng libro dito? Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niyang ipahiwatig.

“Maiintindihan mo din ang lahat, Nastalia. Sa tamang panahon.”

“Kailan ba ang tamang panahon na iyong sinasabi, Azores!?” hindi ko maiwasan taasan ang aking boses dahil hindi ko talaga naiintindihan, pinipilit kung intindihin ngunit hindi ko talaga maintindihan. Tamang panahon? Kailan ba ang tamang panahon para sa kaniya! Natahimik naman siya. “Misyon? Anong kinalaman ng misyon na yan kung bakit ako nandidito, Azores? At bakit kailangang ako?”

“Hindi mo ba naiintindihan, Nastalia!?” tumataas na 'din ang tono ng kaniyang boses. “Dahil ikaw ang itinakda! Itinakdang tagapagligtas ng Philadelphia!” dagdag niya pa. Napatungo naman ako at hinayaang tumulo ang aking mga luha.

“Patawad. Ngunit kahit anong gawin mo o ng kahit na sino hindi mababago ang nakasaad sa propesiya. Ito'y itinakda na at kahit anong mangyari ay hindi na ito mababago pa.” napabuntong hininga naman siya. “At kahit sino ay hindi alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap o ang nilalaman nito kaya wala na tayong magagawa kung hindi ang gawin ang lahat. Magtulungan at magkaisa tayo para matalo ang Aragon.” sinserong saad niya.

“Hindi ko kaya.” mahinang saad ko at napayuko. Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay.

"Kaya mo! Nastalia. Wag ming sabihin iyan! Hindi ikaw ang tagapagligtas kung wala kang kakayahan. Andito ako, kami para tulungan ka! Kaya ka napunta dito para mag-aral at tutunan ang dapat mong matutunan upang malaman mo ang iyong mga kakayahan at upang mapabagsak ang kampon ng kasamaan, ang Aragon." titig na titig siya sa aking mga mata habang sinasabi niya ang mga iyon."Kakaiba ka, Nastalia kaya alam kong madaming mahika ang nakatago sa iyong pagkatao at tutulungan ka naming mailabas ito." nakangiti niyang sabi kaya napangiti din ako.

"Ngun-."

"Wala ng ngunit ngunit pa Nastalia." saad niya. "Gusto kong malaman ang sagot mo Nastalia. Iligtas ang iyong mundo o bumalik sa mundo ng mga tao? Irerespeto ko ang iyong pipiliin hija."

Napabuntong hininga naman ako at sinabi ang mga katagang walang kasiguraduhan. "Hindi ko ipinapangako, Azores ngunit gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para gampanan ito. Itinuro sa akin ni mamu na maging matapang at harapin ang mga bagay na kailangan kong gampanan para sa ikabubuti ng lahat at isantabi ang aking takot para magawa ko ito. Itinuro din ni mamu na wag akong susuko sa isang laban na walang kasiguraduhan kung matatalo o mananalo ako. Basta ginawa ko ang makakaya ko hanggang dulo, sabi pa nga ni mamu...

'kung kaya pang lumaban- laban lang hanggang dulo. Manalo man o matalo'

at...

'sa isang laban kailangan mong sumugal, sumugal ka kahit hindi mo alam kung mananalo ka, kung matalo ka man ayos lang dahil ginawa mo naman ang lahat. Sa salitang 'Sumugal' dun pa lang panalong panalo ka na'.

Napangiti naman ako ng maalala ko iyon. "At ayaw kong masayang ang sakripisyo, pagaalaga at pagmamahal sa akin ni mamu ng dahil lang dito. Kung pwede namang subukan diba? Sabi nga niya wag kong takasan ang mga dapat kong gampanan kaya bakit hindi?" mahabang lintaya ko sabay tingin sa kaniyang kulay berdeng mga mata.

"Tinatanggap ko Azores. Kakayanin ko. Kakayanin ko para kay Mamu at para sa Philadelphia." Napangiti naman siya.

"Hindi talaga ako nagkamali sa kakayahan ni Castille, napakabuti mong bata at napakatapang. Hindi ako nagtataka na ikaw ang itinakda." naluluhang saad niya. "Napakasarap sigurong magkaroon ng isang anak katulad mo, Nastalia. Sigurado akong ipagmamalaki ka ng iyong mga magulang." lumuluhang saad niya. "Ang saya siguro namin ni Castille kung ikaw ang naging anak namin." bulong niya pa ngunit narinig ko.

Ensorcell Lie Academy [ON-GOING] Where stories live. Discover now