Chapter 1

891 45 4
                                    

Author's Note: Hi guys! I decided to separate the book 2 of sacred school university, and have a new title which is DARK SECRET. Sa book na ito ay maraming mga bagay ang mga mabubunyag na hindi nyo inaasahan. Hope to support this book til'the end. Thank you :>






Zin's PoV

Seven months narin ang nakakalipas simula nung mangyari ang nakakakilabot at nakakatakot na pangyayari sa buong buhay ko, at 1 month narin ang lumipas simula nung sinagot ko si Luke.

Ayun okay naman sya, wala paring pagbabago, mahal parin namin ang isa't isa hahaha.

Since nasa legal age narin ako ay pinayagan na ako ni mommy na tumira sa condo sa Maynila, binilhan nya ko ng sarili kong condo, yun daw yung birthday gift nya saken, so ayun naiwan silang dalawa ni yaya Letty sa Pampanga. Nakalimutan kong sabihin na pagkatapos nung mga nangyari sa SSU ay nagdecide si mom na bumalik na ng Pampanga pagkatapos nyang asikasuhin yung business nya sa Cebu. Tapos nag decide ako na tumira sa Manila dahil dito ako mag aaral ng grade 12, dadalaw-dalawin nalang ako nila mommy at yaya minsan.

Si Jane ay bumalik na muna sa kanyang pamilya doon sa Zamboanga, actually nahirapan pa kaming hanapin yung family nya eh, buti nalang maraming connection si tito Nicko, pupunta din dito si Jane dahil dito rin sa Manila sya mag-aaral at makikitira sya sa akin. Ang yaman pala nila Jane, takte! Wala sa itsura hahahah! Charot. Ganun din si Joshua hinanap namin ang pamilya nya, dito lang naman yon sa Manila, so malapit lang, Si Adrian naman ay nakitira doon kina Nathan, since wala ng pamilya si Adrian dahil inabandona na daw sya, inako na ni Nathan yung responsibility bilang kaybigan, so ayun nasa iisang bubong sila hahaha. Nakatira rin sila sa isang condo dito sa Manila, pero malayo sa condo ko.

Si Luke naman ay nandoon sa kapatid ng daddy nya sa Cebu, grabe, nun ko lang nalaman na ang yaman pala nila, kaya pala puro English tong si Lucas eh haha. Shempre dito rin sa Manila mag-aaral yon, di yon mabubuhay pag di ako nakita eh haha!

Puro iyak yung nakita ko nung isa isa namin silang ihatid sa mga pamilya nila, grabe kasi yung pinagdaanan nila sa school nayon ng ilang taon eh. Kundi dagil sa tulong ni tito Nicko malamang doon kami mamamatay lahat, kaya malaki yung utang na loob naming mga students ng SSU sa kanya eh.

So ayun, 16 days nalang bago magpasukan at wala pa akong mahanap na papasukan na school, ganun din sina Nathan, Adrian, at Joshua, tamad pa kase kaming maghanap hahaha, nagdecide kaming magkakaibigan na pumasok sa iisang school, yung may senior high at college, para masaya.

**
Kausap ko ngayon si Luke through internet, what i mean is ka video call, actually araw araw naman eh. But 1 time a day lang dahil masyado syang busy.

"Musta na yung baby ko?" Sweet nyang tanong. Takte! Nakakasuya naman to sobrang sweet. At the same time nakakakilig din yiiiiiiieeeeehhhh! Lande haha.

"Eto okay naman, ikaw babe musta kana jan?" Tanong ko. Iba rin eh no? Magkaiba yung tawagan namen haha.

"I miss you so much Babe! Hope to see you soon, im sorry kung busy ako lagi. Alam mo naman, sa akin pinapaasikaso nila tito yung company since wala silang tiwala doon sa pinsan ko" paliwanag nya. Yes, may pinsan sya, anak ng kapatid ng daddy nya. Hindi ko pa nakikita yon eh, but base sa mga kinukwento ni Luke sa akin, he's a badboy, walang pake, puro bisyo ang inaatupag haaayst.

"Okay lang yon, i understand naman, don't worry malapit naman na yung pasukan, magkikita na rin tayo" sabi ko. Kaso wala pa akong nahahanap na school huhu.

Dark SecretWhere stories live. Discover now