Chapter 2

388 36 7
                                    

Zaine's PoV

Pagkatapos naming mag exam ay hinatid ako nila Nathan sa Condo ko, sila nalang daw ang magsasabi kina Joshua at Jane about sa school and sa entrance exam, at ako naman ang magsasabi kay Luke.

Sabi ng babae na in charge doon sa registrar office ay mag tetext nalang daw sila sa amin about doon sa result ng exam.

"Mauuna na kami Zin, may lakad pa kami ni Adrian eh" paalam ni Nathan.

"Saan na naman kayo pupunta??" Tanong ko. Wala kasi akong tiwala sa Nathan nato eh.

"Saan pa? Edi maghahanap ng chicks! Diba bro?" Sagot nya tsaka sila tumawang dalawa. Haaaaayst bad influence talaga tong lalaking to eh, buti nalang at hindi ako nahawa.

"Sige na sige na, ingat kayo ah, hoy Nathaniel! Wag mong dinadamay sa kalokohan yang si Adrian, imbis na matino sya, hahawaan mo pa sa kalandian mo!" Sermon ko bago sila umalis.

"Opo ma'am Zin" sagot nya ng naka ngisi, tsaka na sila nag umpisang maglakad.

Pagpasok ko sa condo ay agad agad kong tinawagan si Luke.

Nakakailang ring na pero hindi nya parin sinasagot.

Haaaaaayst. Napakabusy naman ng boyfriend ko.

Napagdesisyunan ko muna na umidlip ng konti dahil inaantok ako.








Bzzzzzzzzzzzzzz

Bzzzzzzzzzzzzzz

Bzzzzzzzzzzzzzz

Nagising ako dahil naramdaman kong nag v-vibrate yung cellphone ko.

Hindi ko na tinignan kung sino yung tumatawag, basta ko nalang itong sinagot.

"Hmmm?" Sagot ko habang nakapikit dahil masakit yung mata ko.

"Babe?" Sabi ng sa kabilang linya.

Bigla kong minulat ang mga mata ko ng marinig ang boses nya.

"Babe?" Sagot ko.

"What are you doing? Kanina pa kita tinatawagan but you're not answering the phone" sabi ni Luke.

"Nakatulog kasi ako, tinatawagan kita kanina pero di mo sinasagot, napaka busy mo naman ata masyado babe?" Sabi ko.

"I'm so sorry babe, but guest what?" May saya sa tono ng pananalita nyang sabi.

"What?" Takang tanong ko.

"Bibisitahin kita jan after 3 days, i miss you so much" sabik nyang sabi.

"Really?? Finally, i can see and hug you after a long time" sabi ko

For a long time? O.A ka Zin, ilang buwan lang naman yon hahah, but it feels like how many years for me.

"Yes babe. Just wait a little. By the way, have you already eat dinner?" Tanong nya.

Dinner? Eh anong oras na ba?

Tinignan ko yung cellphone ko. Wtf! 7pm na?

Narinig kong kumulo yung tiyan ko.

"Ahmm. Babe? Ibababa ko na to no? Mamaya nalang. Iloveyou" sabi ko. Hindi ko na sya hinintay magsalita at binaba ko na yung phone.

Takte! Napasarap naman ata yung tulog ko grabe ka Zin ah.


Lumabas ako ng condo at pumunta sa malapit na grocery store.

Bumili ako ng kung anong pweding makain, hirap talaga pag mag isa ka lang, yung tipong ikaw lahat gagawa para sa sarili mo. Namiss ko tuloy sina mama at yaya huhu.

Nung makuha ko yung mga pagkaing gusto ko ay pumunta nako sa counter at nagbyad. Grabeeee gutom nakoooo.

Nagmamadali akong lumabas ng pintuan. Palabas na sana ako ng bigla kong mabangga ang isang lalaki.

Natapon lahat ng mga bitbit ko dahil medyo malakas yung pagkakabangga ko. Buti nalang at hindi ako natumba haaaayst.

Hindi nako nag abalang tignan kung sino man yon dahil nagmamadali ako at agad kong pinulot isa isa ang mga pinamili ko, tinulungan naman akong mamulot nung lalaki.

"Sorry miss, di ko sinsadya" paghingi nya ng paumanhin.

"Okay lang yon, di rin kase ako tumitingin sa nilalakaran ko." Sabi ko.

Nang mailagay ko na ulit sa plastic ang lahat ay saka ako tumayo,

"Okay ka lang miss? Sorry talaga" paghingi nya ulit ng paumanhin.

Napatingin ako sa kanya.

Matangkad sya sakin, maputi, black ang buhok, at higit sa lahat gwapo.

"Okay lang ako." Sabi ko tsaka ako nagmamadaling umalis.

Naglakad nako pabalik sa condo. Waaaah! Gutom na gutom nako huhu.

Pagdating sa condo ay agad kong ibinaba ang mga pinamili ko. Wait, parang may kulang. Kinapa kapa ko yung bulsa ko,

"F*ck! Yung wallet ko nawawala!"

Tinigna at kinalkal ko lahat ng mga pinamili ko, pero wala akong nakitang wallet. Gaaaaawd! Pano na nyan?

Maya-maya ay may biglang nagdoorbell.

In-open ko yung screen malapit sa pinto para malaman kung sino yung tao sa labas, pagkatingin ko laking gulat ko nang makita si handsome guy.

"What are you doing here?" I asked him.

Pinakita nya lang sa screen yung, yung wallet ko! Pano napunta sa kanya?

Dali dali kong binuksan yung pinto.

Iniabot nya yung wallet at hinablot ko ito ng mabilis

"Thanks god" nasabi ko nalang.

"Hmmm. Wala man lang bang Thank you?" Biglang sabat ni guy.

"Thank youuuuuu, san mo pala nakita to?" Sabi ko

"Dun din kung saan moko nabangga, nagmamadali ka kasing umalis kanina kaya siguro hindi mo na napansin na naiwan mo yung wallet mo, thanks to me" sabi nya sabay kindat. Tsk!

"Pano mo nalaman yung condo ko?" Tanong ko ulit.

"Simple lang, sinundan kita, ang bilis mo ngang maglakad eh, hiningal tuloy ako" tsaka sya yumuko na parang hinihingal.

"Thanks you ulet, buti nalang ikaw yung nakakita at binalik mo, thank you talaga" tsaka ako nag smile.

"By the way, im Kaizer Santos, Kai for short" pagpapakilala nya sabay abot ng kamay para makipag shake hands.

Author's Note: New character appeared, ano kayang role ni Kai sa buhay ni Zin hmmmm. Don't forget to vote and comment.

Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon