Chapter Six

653 44 12
                                    

Another year has passed but nothing seems new to my relationship with Deckard. Patuloy pa din siya sa pagsusungit sakin, at ako naman, patuloy pa din sa paghabol.

Nasa huling taon na ako sa elementarya at isang buwan na lang ay ga-graduate na din ako. Excited ako dahil sa wakas ay magiging ganap na akong Highschool student. It's as if I'm getting a few closer to Decks.

Mas nagiging busy ako ngayon sa school dahil sa mga requirements namin para makapasa at makapag-martsa. Kaliwa't kanan ang mga submission ng projects kasabay ang pag-rereview para sa nalalapit na final exams, dahilan upang hindi na ako masyadong nakaka-tawid sa kabilang bahay.

Madalas ay mula sa bintana ko na lang natatanaw si Deckard. Di kasi kami nagpapang-abot na. Kung dati ay sumasabay ako sa kanya papasok o pauwi, ngayon ay kay Lolo Desmond na dahil mas late na ang tapos ng mga klase niya at madalas ay sobrang aga naman pumapasok.

Kapag naman weekends ay madalas wala siya sa bahay nila, at kapag naroon naman ay ako ang may pinagkaka-abalahan. That's why I missed him so badly. Kahit ang pagsusungit niya ay na-mimiss ko na din dahil hindi na kami nakakapag-usap pa.

He's too busy to even notice me in school. Isa pa, sa kabilang panig ng campus ang College department at kakailanganin pang dumaan sa Highschool department para lamang makapunta ako roon. Baka mapagalitan pa ako ni Kuya Linc kapag nakita ako dahil nasa Third Year High na yun.

We also started practicing for graduation so our everyday schedule was very hectic. Sabay-sabay na kasi ang mga pinapagawa, halos hindi na kami makahinga sa dami.

"Are you done reading that?" Si Max na nakaduro pa sa librong hawak ko.

"Yeah." I lied.

Sa totoo lang, kanina ko pa paulit-ulit binabasa ang pahina na nasa harapan ko pero wala akong maintindihan. Hindi pumapasok sa isip ko dahil iba ang tumatakbo roon. Si Decks.

Paano ako makakapag-concentrate kung nakikita ko siya sa kabilang table at may mga katabing babae?

We are inside the campus library and we both have a different crowd. Ngayon ko lang ulit siya nakita rito dahil hindi nga nagtutugma ang oras namin. Madalas kundi ako ang nauunang umaalis sa isang lugar ay ako naman ang kapapasok lamang at siya, paalis na.

I really wanted to approach him. Gusto ko siyang tabihan at magpaturo sa ni-re-research ko pero nagdadalawang isip ako dahil sa mga kasama niya, lalong-lalo na kay Clarissa.

Madalas na silang magkasama at alam ko na minsan ay sinasadya ng babaeng yan ang asarin ako. Pinapakita talaga niya na sobrang close na sila na wala akong magagawa para buwagin iyon.

I really hate her. As a matter of fact, I want to drag her out of here or out of his life. I would want for her to stop messing anything between me and Decks. She's the third party. Siya naman kasi talaga ang panira sa love story namin eh. Sa love story na binubuo ko.

"So wala kang nakitang pwede nating magamit sa librong to?" Si Max ulit na hawak na ang librong gamit ko lang kanina.

Kailangan kasi namin magresearch para sa project namin sa Science. Si Max ang naging kagrupo ko dahil nahiwalay ako kina Maple at Yara.

"Nothing useful. I suggest we should look for another book." At saka ako tumayo upang maghanap ng panibagong libro.

Sinadya ko na dumaan sa harap nilang dalawa ni Clarissa para mapansin niya ako. I met their gaze but he, on the other hand, looked away first. Ni hindi man lang siya nag-aksaya ng oras para batiin ako. He acted like I wasn't that important and he did nothing, not even a single hello or a simple nod for instance. He just totally ignored my presence.

This Time, it's ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon