Chapter Nine

639 48 20
                                    

Sa bilis ng panahon ay ganoon din kabilis ang paglayo namin sa isa't isa. He graduated from College with the highest honor. Summa Cumlaude. I am so happy for him and I wanted to be part of his biggest achievement, but we aren't that close anymore.

Kung sabagay, kailan nga ba kami naging close talaga?

Hindi naman kami magkakausap kung hindi namin sila naging kapitbahay. At mas lalong hindi kami magkakakilala kung hindi rin magkaibigan ang mga lolo namin. Kaya hindi kami talaga close sa isa't isa, period!

He still stayed at SIU because his taking his MBA. Kahit hindi kami nagpapansinan masyado, ayos na sa akin yun. Ang mahalaga, nakikita ko pa rin siya. Pero natatakot na ako ngayong nasa huling taon na siya ng kanyang Master's degree. Ibig sabihin, sa susunod na taon ay aalis na siya at sa Maynila na magtatrabaho.

Ngayon pa lang ay masakit na sa puso, papaano pa kaya kapag dumating na ang araw na iyon?

Halos hindi na raw maipinta ang mukha ko dahil kalahating araw akong nakasimangot. Iyon ang puna sakin ng mga kaibigan ko. Papaano ba naman kasi, ang aga-aga nakita ko kaagad na may kasamang babae si Decks. Palagi naman puro babae ang kasama niya, mga kaklase o di kaya mga lower batch naman.

"Tara na kain na tayo! Nagugutom na talaga ako." Aya ni Yara.

Patamad akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Kami na nga lang ata ang naiwan sa loob ng classroom dahil lahat ay nagmamadali nang nagpunta sa school cafeteria.

"Hilahin mo na si Nikki para bumilis tayo." Si Maple na hinihila na ang isa kong kamay.

Naramdaman ko na lang na pumwesto sa likuran ko si Yara at saka ako tinutulak habang bumibilis na ang lakad niya.

"Stop it!" Saway ko. "Sige na lalakad na ako nang maayos."

Nagmumukha kasi kaming tanga sa ginagawa niyang pagtulak sakin. Inayos ko na muna ang uniform kong nagulo at saka naglakad na.

"Bilisan na kasi natin at baka maubusan na tayo ng mabibiling pagkain!" Si Yara na pinandidilatan na ako ng mga mata. "Alam niyo naman na bawal akong magutom diba?! Magwawala ako pag nagugutom." Panakot pa ng bruha sa amin.

I knew my besties and Yara loves food. Hindi siya tabain pero ang lakas niyang kumain. As in lamon talaga. Madalas ay siya ang taga ubos ng pagkain namin ni Maple. Kaya nga minsan ay kami lang dalawa ni Maple ang nagshe-share sa food kasi sa kanya kulang pa ang isang serving. Ganoon siya katakaw.

Yara is the boyish one among us three. Medyo magaslaw kung kumilos na parang lalaki kaya madalas napagbibintangang lesbian. Si Maple naman kasi mahinhin at medyo tahimik. At siyempre ako ang pinaka-maarte at maingay naman. I say what's on my mind and I speak out what my heart feels. Ganoon ako eh, no room for pretenses.

Contradicting man ang mga ugali naming tatlo ay swak sa banga ang pagka-kaibigan namin. We push each other to become better.

"Hala, wala nang table na available." Sabi ni Maple na namomroblema na.

"Maya na tayo maghanap, bili na muna tayo." Sabay hila na ni Yara sa amin sa pila.

I decided to choose lasagna dahil favorite ko yun. It's one of my comfort food at kapag wala ako sa mood o naiinis ako, gusto ko kumain ng mga paborito ko para mabawasan naman kahit papaano ang inis ko sa dibdib.

"Tamang-tama ayun si Deckard o! Doon na tayo tumabi.!" Bulalas ni Yara kaya naman napahinto ako sa paglalakad habang buhat ang tray ng pagkain.

Mabilis natagpuan ng mga mata ko dahil bukod sa malaking bulto ang binata ay parang may magnet ito sa katawan kaya mabilis kong nahahanap.

This Time, it's ForeverWhere stories live. Discover now