Chapter 8: Home

5.5K 122 5
                                    

 D e n n i s e

March 4, 1996

In a few weeks, goodbye high school life, hello summer vacation. In a few weeks, we're going to say goodbye to people, who we loved, and hated. Then, in a few months, magiging college students na kami. It's going to be a whole new different world for us. Pero sana, kahit college na kami, friends ko pa rin si Ella, at si Alvy...

It's been weeks since naging official bestfriends kami ng one and only president of the school. Pero ayun, bitter pa rin sa'kin hanggang ngayon. Parang di kasi kami bestfriends or friends man lang kasi di naman kami ganun kaclose. Mas close pa kami ng clasmmate ko na halos twice a week lang pumapasok ng school kasi sakitin. 

Den:  Alvy, what course are you gonna take?

Seryosong seryoso siya sa librong binabasa niya at di man niya lang ako sinasagot. Nanatili lang siyang nakayuko habang nagbabasa ng kung anomang binabasa niya. Nandito kasi kami sa library at kakatapos lang ng klase. Nakakainis nga eh, kahit nga bestfriends na kami, parang wala paring pagbabago. Masungit pa rin siya sa'kin. Maysado siyang seryoso. Come to think of it, hanggang ngayon, hindi  ko pa rin siya nakikitang ngumiti hanggang ngayon. Lagi lang siyang tahimik, kakausapin niya lang ako kung kailangan. Tapos pag magtatanong ako sa kaniya, ang tipid lang ng sagot niya. Kung pwede nga, hanggang yes or no lang ang mga sasabihin niya. 

Den: Uy. Alvy, anong course kukunin mo sabi ko.

Ayun, hindi man niya lang ako pansinin. Eh gusto ko pa namang mag-open ng conversation sa kaniya, curious rin ako kung anong gusto niyang kunin na course. Lately kasi, natatakot ako sa fact na magkakahiwalay na kami. Ewan ko ba kung bakit pero, gusto ko, lagi ko siyang kasama, na kausap siya... Kahit di naman niya ako kinakausap... Tsss...

Den: Alvy!

 

Medyo napasigaw ako. Nakakainis kasi eh, di niya pa rin ako tinitigan oh sinasagot. Nakita ko tuloy na tinignan kami ng masama nung librarian. 

Alvy: Ano?!

Ano ba naman yan, kanina pa ako naguubos ng laway dito kakatanong sa kaniya pero di niya pala ako pinapakinggan.

Den: Sabi ko, anong course kukunin mo?

Alvy: Ano ba kasing paki mo sa course na kukunin ko?!

Nagulat ako sa sinabi niya. Shit lang. Ano bang tingin niya sakin? Ako na nga 'tong parang tangang laging nagpapapansin sa kaniya para kausapin niya ako, pero gan'to rin lang pala ang pagiisip niya. Natural may paki ako! Bestfriend ako diba?!

Den: Shit lang...

Kinuha ko ang bag ko na nakalagay sa table at padabog na naglakad palabas. Walk out kung baga. Nakakainis kasi eh! Naiiyak na ako. Is he taking me for granted? Porket ba ako ang dikit ng dikit sa kaniya ganyan na siya sa'kin? So, all this time, wala siyang paki sakin ganun? Naglalakad na alng ako ng mabilis ng narinig kong tinawag niya ang pangalan ko.

The ER RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon