Yup #22

418 20 5
                                    

Yup #22
Death

Hindi ko na nagawa pang magdalamhati nang makarinig na naman ako ng paglipat ng pahina na sinundan ng malakas na paglagitik.

Namamanhid na ang buong katawan ko at pagod na pagod na ako. Hinayaan ko na lang ang katawan kong magpa-agos sa kung ano man ang eksena ko ngayon.

I am still in my night clothes when I went to school and attacked Esmeray in our classroom. Everyone became so shocked.

Hinila ko ang buhok niya at nilampaso siya sa sahig.

"FUCKING BITCH! KILLER! I KNOW YOUR FAMILY IS THE ONE BEHIND MY BROTHER'S DEATH! YOU KILLER!" I accused her without much basis. I just assumed that she did that. Kung hindi pa ako aware ngayon ay siguradong mapapatay ko siya. Pero hindi. Eksena lang 'to. Hindi pa sigurado kung ang pamilya niya nga ang may kagagawan.

At kung pamilya niya nga ang may kagagawan, again, it's still not their fucking fault. It was the author's cruel plan.

"N-No! N-No! Please, let m-me go!" pagmamakaawa niya ngunit hindi ko pa siya tinatantanan. Sinubukan siyang tulungan ni Cressida ngunit sinipa ko lamang ito.

Nakaramdam ako ng malakas na kamay na pinipigilan ako ngunit dahil na rin siguro sa galit at paghihinagpis ko sa eksena, nabalibag ko ang kung sino mang umaaawat sa akin.

"Calm down, Hecate!" sigaw ni Helga na natataranta na. She knows me well. Hindi ako basta napapahinto sa pamimisikal everytime I'm mad.

"I know you're in pain b-but, I didn't do it! Lalo na ang pamilya ko! Hindi kami krimina-"

"Ah talaga! Sige magmalinis ka! Darating ang araw na sisiwalat lahat ng baho mo, Kelsey!" sigaw ko at malakas siya tinulak. Tumama ang kaniyang katawan sa pader sa baba ng white board. Napaungol siya sa sakit at nakita kong lumuluha na siya.

Nasasaktan na rin ako dahil wala akong magawa. Umuulit na naman ang sakit na naramdaman ko noon nang mamatay si Kuya. Nawawala na ako sa ulirat at hindi ko malaman kung sino ang paghihigantihan.

"Ang kapal ng mukha mong saktan ang Empress ng school! Makakarating 'to sa-"

"Tangina, tara! Samahan pa kita! Punyeta! Para kang aso!" sigaw ko habang nanlilisik ang mga mata kay Cressida.

Nang mamataan kong nakangisi si Aella sa isang tabi ay agad ko siyang nilapitan at hinampas ng makapal na libro ang mukha niya. Nagsi-singhapan ang mga kaklase namin ngunit wala silang magawa kung hindi ang hayaan ako sa kung ano ang gusto kong gawin.

My body is fucking controlled. At natatakot ako na baka sa oras na palayain muli ako ng sensasyong nagpapagalaw sa akin ngayon ay baka kung ano ang magawa ko.

"MGA MAMAMATAY TAO! SA ORAS NA MALAMAN KONG ISA SA INYO ANG GUMAWA NOON, LALO KA NA, KELSEY, AKO ANG PAPATAY SAYO AT KAHIT IMPYERNO AY ISUSUKA KA!" sigaw ko.

"Hecate, kumalma ka!" pananaway ni Leocadia na sinubukang hawakan ako ngunit hinawi ko lang ang kamay niya.

Nanghihina akong lumabas sa classroom at dire-diretsong naglakad kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante ngunit hindi ko na lang pinansin pa.

Nakasalubong ko pa ang mga lecturers at mukhang gusto pa akong kausapin. Ngunit nang mapansin ang galit sa mukha ko ay hinatiran na lang nila ako ng malungkot na tingin.

Nakalayo na ako nang maramdaman kong pinakawalan na ako ng sensasyong kumokontrol sa akin. Napaupo ako sa daanan, hindi alintana ang mga matang kyuryoso at naawang nakatingin sa akin.

Yup, I am the Villain (COMPLETED)Where stories live. Discover now