Chapter 5: "Reflet de l'ame"

25 1 0
                                    


*Daiana's POV*


"Rise and Shine my little Princess" - narinig kong ulat ni inang reyna ng pumasok sya sa loob ng silid ko.

Sahalip na sagutin sya at gawin ang kanyang sinabi ay mas lalo kong isinubsob ang mukha ko sa malambot at mabangong unan ko.

Narinig ko ang ilang yabag ng mga paa ni ina, hudyat na sya ay naglalakad papasok sa loob ng aking silid.

Umupo sya sa gilid ng aking kama at hinawi ang mga buhok na nakatakip sa aking mukha.

"akala mo bang maloloko mo ako" - usal nya sabay sundot ng tagiliran ko dahilan para ako'y bumalikwas sa kama at tumalon palayo habang tumatawa.

"ina naman ehhh... Ang sarap sarap pa kayang matulog"-pagmamaktol ko.

"maligo ka na at sumunod sa akin sa templo"-sabi ng inang reyna at tumayo na sa pagkakaupo nya bago naglakad palabas ng aking silid.

Ng maisara na nya ang pinto ay pumasok na ako ng banyo at ginawa na ang morning retual ko.

Ng matapos kong linisin ang katawan ko ay sinoot ko ang sleeveless na kulay ginto at paldang ginto pati ang armbond ko tsaka tinali ang buhok ko na pang ponytail.

Pagkatapos ay lumabas ako ng banyo at lumapit sa malaking salamin at binuksan ang pintong kinabitan niyon. Inabot ko yung sandal na ginto na may telang lino na nagmemestulang tangkay ng sandalyas para hindi maiwan o hindi matanggal sa paa ko.

Isinara ko yung pinto at umopo sa sahig at tinali yung telang lino sa paa ko. Inikot ko yun sa binti ko hanggang sa maka abot iyon sa ibabaw ng tohod ko at tsaka tinali yun para hindi matanggal.

Ng matapos ako sa ginagawa ay humarap ako sa malaking salamin at pinag masdam ang repleksyon ko doon bago nag pasyang lumabas na ng silid.

Paglabas ko ay sinalobong ako ng isang amazonang nakabantay sa pinto ng silid at nilagay sa balikat ko ang kapang puti na gawa sa telang lino.

Napakanipis ng telang ito at sa bawat ihip ng hangin ay tinatangay nito ang manipis at malambot na telang nakapatong sa balikat ko.

Di nagtagal ay napagpasyahan naming maglakad patungo sa templo kung saan naghihintay ang inang reyna.

Sa loob ng ilang minutong paglalakad sa malaki at mahabang pasilyo ay naka labas narin kami sa wakas ng palasyo at nag lakad ulit patungong templo sa may silangang bahagi ng isla.

At ng makarating kami doon ay nadatnan namin ang inang reyna na nakatayo sa gilid ng malaking pinto ng mataas na templo o mas madaling ilarawa sa isang tower pero mas malaki ito kaysa sa totoong tower kasi nga templo ito you know.

"mahal na reyna nandito na po ang mahal na prinsesa" - nakayukong ulat ng kasama kong kawal.

Pumihit pa harap sa amin ang inang reyna at bahagyang ngumiti ng akoy kanyang masilayan.

Ramdam ko ang pagkamangha at pagkagulat sa paraan ng kanyang pagtitig sa akin. Maging ang heneral magayon na nakatayo sa likuran nya ay bakas din ang amusement sa kanyang mga mata at tila di makapaniwalang tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Nakaramdam naman ako ng hiya sa paraan ng kanilang pagtitig at bahagya kong iniyoko ang aking ulo para hindi nila makita ang pamumula ng aking mukha sa labis na kahihiyang naramdaman.

May mali ba sa soot ko?

Tanong ko sa isip at bahagyang tiningnan ang repleka sa makintab na gintong pinto ng templo.

THE GOD KILLER.Where stories live. Discover now