Chapter 19 "Levels"

15 1 0
                                    

%Daiana's POV %

  It was Friday at mag-isa  akong naglalakad papunta sa aming classroom.

Medjo nakakailang nga, kasi yung tingin ng ibang studyante sa ibang section e parang nandidiri.

Diring diri talaga kung makatingin akala mo naman kung sinong kagandahan.

Five days na silang ganyan sa akin kasali na this day, tuwing papasok ako, grabi kung makatingin. Yung feel mo parang may mabigat kang kasalanan sa kanila na hindi mo alam kung ano.

Well wala naman akong pakialam sa kanila binaliwala ko na nga lang yung mga bulong bulongan nila na rinig ko naman.

*sya ba yung bago?*

*oo sya yun, akala ko nga malakas sya*

*yun din ang akala ko pero mahina lang pala hahahah*

*girls andyan na naman yung taga chairong mahina hahaha*

*sya ba yung kasama nila Irish? Akala ko malakas din sya, taga chairo lang pala*

*Andyan na naman yung feeling malakas sasama sama pa sa mga elite's pero ang hihina naman pala hahaha*

Yan yung mga bulong bulongan nila na rinig na rinig ko naman. Well yung iba wala namang paki sa akin.

Well kung nagtataka kayo kung ano yung chairo. Yun lang naman ang pinakamababang section nila dito na nilalait lait nila.

Dahil ang Chairo ang pinaka weird na Level "Raw" diumano, dito raw kasi napupunta ang mga Low Class na mga Elementals. Mga uncontrolled Elementals na may Dangerous type na power. Pero kadalasan ay mga weak type na mga elementals ang nandito ayon sa kanila.

Well totoo naman dahil sa limang araw kong pagpasok sa section na to na wala namang ibang ginagawa kundi ang laging  pagpapakilala sa sarili at pagkatapos magpakilala ay dinadala agad kami sa training room upang tumakbo ng tumakbo paikot ng training room hanggang sa matapos ang oras ng bawat professor's. And take note. Lahat sila ganyan ang pinapagawa sa amin araw araw.

Makakapagpahinga lang kami kapagka nagche-change ng prof para sa next subject na jogging lang naman ulit ang ipapagawa.

Pero hindi pa dyan nagtatapos ang kalbaryo ng buhay namin dahil pagkaalis ng teacher ay may sampong minuto lang kami para maglakad papunta sa classrooms namin dahil bawal paghihintayin yung mga professor's kaya takbohan na naman ulit ang mangyayari dahil medjo may kalayoan din kasi yung classroom namin at training room.

kapagka pinaghintay mo kasi ang mga professor's dito ay damay damay ang lahat sa malupit na parusa. At sa nakikita ko medjo mahihina nga talaga yung mga kasama ko. Hahay

Ako, kaya ko naman; kasi sanay na ako sa ganitong gawain kaso lang naaawa ako sa mga kasama ko kaya kadalasan tinutulongan ko sila, pero sa kabila ng pagtulong ko ay ako naman yung nagdudusa. Push ups lang naman ang kapalit ng pagtulong ko sa iba at 100 push ups agad ang hihilingin sayo ng mga professors kadalasan pa nga ay 500 hahay.

Kapagka may nag improve naman sayo ay tataas ang level mo. Mula sa pagiging chairo ay aakyat ang level mo sa pagiging novice.

Ang Novice naman ay ang mga average type of elementals. Yung mga hindi expert pero hindi rin naman mga kulelats. Nandirito rin sa level na to ang mga elementals na medyo hindi pa na perfect ang kanilang mga magics, spells or etc. Pero magagaling silang lahat at hindi nagpapatalo sa mga taga advance.

Makikilala mong Novice ang isang studyante rito dahil sa kulay bronze ng badges na nasa kanilang dibdib nakalagay at metal naman sa Chairo. Ang badge na ito ay katulad na katulad sa simbolo na nakaukit sa bawat insignia ng mga House's namin.

THE GOD KILLER.Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz