Prologue

11 1 0
                                    

Missing the old days (2020) by Redpenicx

Prologue

"Hmmm... How I loved your smell Baby. No wonder why your name is Lemon." Nilagay niya ang ulo niya sa balikat ko then he encircled his arms to my belly. Yes, it's a sweet back hug from my man.

"Ang ganda ng alon sa dagat. Tingnan mo, ang kalmado niya, pero ang sabi ng mga matatanda, may tinatagong sikreto ang tahimik na karagatan." Wika ko saka ko hinawakan ang kaniyang pisngi at humarap sa kaniya.

"Yes, ang kalmado ng dagat pero mas kalmado ako kapag ikaw palagi ang nasa tabi ko." Hindi niy inalis ang titig niya sa mga mata ko at ganun din ako. Sa sobrang amo at ganda ng mga mata niya, kaya ka niyang i-hypnotized.

Hanggang sa unti-unti na niyang nilapit ang kaniyang labi sa akin na agad ko namang tinugunan.

"Mahal na mahal kita Lemon Aleiah Ylonda...." Tinititigan na naman niya ako na parang walang bukas, na para bang hinding hindi na niya ako bibitawan pa. And I loved it.

The way he looked at me. I'm melting.

"Love, kung sakaling magpakasal na tayo? Papayag ka ba?"

"Of course love, ikaw lang ang kauna-unahang lalaking nagpasaya sakin ng ganito. Ang lalaking kailanman 'di ko kakayanin kapag nawala sa'kin." Hinaplos ko ang pisngi niya saka hinalikan ang gilid ng labi niya.

Ngumiti siya at kaagad akong hinalikan sa noo.

Ilang taon na kami ng lalaking mahal ko pero nandoon pa rin ang respeto niya sa akin. Yes, I'm still virgin. Kaya niyang tiisin dahil gusto niya kapag kinasal na lang daw kami.

"Love, pasok na tayo, umuulan na pala." Hinila ko siya para pumasok na kami sa loob ng yatch nila ng pigilan niya ako at hilahin pabalik sa kaniya.

At nagulat na lang ako ng lumuhod siya.

"Saksi ang karagatan sa kung paano kita hinangaan ng husto. Saksi ang bawat alon sa kung paano natin hinarap ang mga problema ng magkasama. Saksi pati mga lamang dagat sa kung paano kita niligawan at pinasagot....."

Yes, naalala ko pa noon, dinala niya ko sa resort nila at doon niya napasagot sa mismong tabing dagat.

"So, Lemon Aleiah Ylonda.... Will you marry me?" At biglang humampas ang malakas na alon dahil para umupo ako yakapin siya.

"Love..." Naluluha ako. Naluluha ako sa hindi maipaliwanag na saya sa puso ko ngayon.

"Yes... Yes Love, oo papakasalan kita!" Kasabay ng pagsuot ng singsing sa aking daliri at ang mga sigawan ng mga kaibigan namin, ay ang pagdating at paghampas ng malakas na alon. Na halos punuin na ng tubig itong yate dahilan para mawala kami sa balanse at mahulog sa dagat.

"Love..."

"Love..."

"Love..."

Missing The Old Days (ON HOLD FOR NOW)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ