Chapter 2

5 1 0
                                    

Chapter 2

LALONG lumalakas ng ulan dahil sa mga sinabi niya. Pati ang alon na halos makisabay sa pagtibok ng puso ko dahil sa mga sinabi niya.

"Your smell.. Your smell is like a Lemon, Love..."

Wika niya. Di ko alam kung umiiyak din ba siya katulad ko.

"Si-Sino ka ba?" I ask. But instead of answering me. He wipes my tears using his hand.

"Nung unang beses kitang nakita, halos di na ako makatulog. Yung sapatos, hindi ko pa siya nililinis, gusto ko ikaw maglinis. Aalis na dapat kami ngayon, pupunta na dapat kami ng Maynila kaso pumunta muna ako dito...."

Bakit di ko siya maintindihan? Pero may lugar sa puso't isip ko na sinasabing 'hayaan ko lang siya.'

"Alam mo bang kanina pa kita pinagmamasdan?"

"Si-Sino ka ba? Hi-hindi mo pa sinasagot ang tanong ko...." Nanginginig na ako sa sobrang lamig. Pero imbis na sagutin niya ako.

"Ihahatid na kita sa apartment niyo, baka magkasakit ka pa." Agad niya akong binuhat, habang ako nakatitig lamang sa kaniya. Nakapalibot ang mga braso ko sa leeg niya habang siya naman ay nakatingin lamang sa dinadaanan namin.

Namumula na mga mata niya pero di hadlang iyon para di mo makita ang ganda ng mga mata niya. Siya lang yata ang lalaking nakitaan ko na kulay brown ang mga mata. Brown na brown na kulang na lang ay maging pula ito. Pero ang mas nagustuhan ko sa mga mata niya, the way his eyes stared at me, it is expressive. Very expressive. Pero sa mga mata niya na iyon, may nakatagong lungkot.

I admit it, he's too perfect for the ordinary man. His wavy hair, hindi siya ganoon kaputi because he's slightly moreno.

"ALEIAH..." Alli and Kimmy said in unison.

Nandito na pala kami sa may resort mismo.

"Si-Sir Ako na po." Kukunin na sana ako ni Alli sa kaniya ng humakbang paatras si Axis.

"No. I don't trust you Boy." Cold na sabi niya.

"But Sir–" aangal pa sana ako at sasabihin na magpagkakatiwalaan si Alli.

"Ibaba mo na po ako Sir, kaya kong maglakad. Basa lang ako pero hindi ako pilay." Tama naman sinabi ko diba? Pero kung tingnan niya parang ang laki ng kasalanan ko sa kaniya.

"Shut up. "

"Give me 2 towel. Wag kayong tutuod-tuod lamang diyan." Utos niya. Kaagad na nahawi ang mga staffs at kumilos.

"Alexis?" Lumingon ako nakita ko ang isang lalaki na medyo kahawig niya, parang nasa edad 17 o 18 na yata ito. May pagkachinito lamang ito ng bahagya pero 'di maipagkakaila na magkapatid sila. Yung kulay lamang ay medyo mas maputi itong kapatid niya kaysa kay Axis.

"Kuya? I thought she's–"

"Alexis." Babala niya sa kapatid niya.

"So-Sorry Kuya."

"Just go to her apartment, move her things at my condo, faster Alexis." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"ANO BA YANG SINASABI MO SIR–"

"Don't be too formal Aleiah.. You can call me Axis just like the first time we met."  The first time we met? Nung nakaraan lang iyon pero hindi ko pa siya kilala noon at Sir pa ang tawag ko sa kaniya.

"I DON'T EVEN GET YOU SI–AXIS! LET ME GO PLEASE!" Pinaghahampas ko na siya sa kaniyang dibdib pero nakangisi pa siya sa ginagawa ko.

"Clown ka ba ha?" Usal ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Missing The Old Days (ON HOLD FOR NOW)Where stories live. Discover now