9

148 100 35
                                    






"I'm freakin' nervous." I told Tristan beside me, I can even feel my hands shaking.


He held it before speaking, "You know you did great right? So just stay calm..." he reminded me before smiling.


I felt something inside my stomach when he did that, hindi ko alam pero lalong lang lumakas ang tibok ng puso ko at alam kong hindi iyon dahil sa kaba. Umiling na lang ako at ipinagsawalang bahala ito.


Nandito uli kami para sa awarding. Halos dalawang araw na rin ang nakalipas mag mula no'ng presscon at hindi ako mapakali kakaisip dahil nangangamba ako na baka talo na naman ako ngayon pero still, naniniwala ako sa sarili ko.


Ibinalik ko ang atensyon ko sa stage nang makita ko ang emcee na hawak ang results ng mga nanalo, nang magsimula na ang awarding ay puro cheer ng mga school ang maririnig sa tuwing may nananalo sa kanila. Natapos na din tawagin ang lahat ng nanalo sa category ni Tristan pero sa kasamaang palad, hindi siya kasama sa pagkakataong 'to. I can see the disappointment on his face so I patted his back to comfort and tell him that it's okay.


He uttered a sigh, "Yup I'm fine, may collab pa naman," Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at ibinalik ang tuon sa stage. Huminga ako ng malalim nang marinig kong tinawag ang category ko.


please please please.


"Azalea Laureen Garcia from Falcon University, second place!" Napatalon ako sa tuwa nang marinig iyon. Nakita kong tumayo ang SPA ko at nakangiting inalalayan ako paakyat ng stage.


I can't believe this, makakapag regionals na ako!


"Congratulations," bati sa akin ng isang judge bago iniabot sa akin ang certificate at sinuotan ako ng medal. Masaya akong nakangiti habang nakatingin sa camera ni Chena at kinunan kami ng litrato.


Pagkaayat ko sa paltform na may nakasulat na 2nd, feeling ko mapupunit na yung labi ko kakangiti sa sobrang tuwa. Napabaling ang tingin ko kay Tristan na nakatingin sa akin.


Pagkababa ko pa lang ng stage ay sinalubong agad ako ni Rosalyn ng mahigpit na yakap, "I'm so proud of you!" she even wiped her fake tears but I just laughed at her.


"Told ya," Nakangiting wika sa akin ni Tristan.


"Oh, natupad ko na yung pangako ko na mag reregionals tayo, ikaw na lang kulang," he chuckled before looking back at the stage.


Matapos tawagin ang lahat ng individual category ay sumunod naman agad ang group. Kita kong kabado si Tristan maging ang mga kasama niya, "And the first place for the Collaborative and Desktop Design is..." saglit na huminto ang emcee at saka sumilip sa card na hawak niya.


"FALCON UNIVERSITY!"


Nagtalunan naman agad sila Jem, Chena, Chester at ang iba pa nilang kasama na magkakayakap habang malapad lang na nakangiti si Tristan sa kanila. Patakbo pa silang pumunta sa stage sa sobrang tuwa.


After ng awarding ay dumiretso agad kami sa McDonalds para kumain na sinagot naman ng dalawang SPA.


"I'm glad, makakasama kita mag regionals, 'di nga lang tayo magkasama sa laban." aniya habang kinakain ang sundae na inorder niya.


"Huh? So what kung hindi tayo magkasama sa laban?" nakakunot noo kong tanong. He shrugged and ignored my question. Magkaiba kasi ang araw ng laban para sa individual at group category maging ang venue nito.


"Pero magkasama naman tayo sa training." tinaas baba niya pa ang kilay niya habang nakangiti ng nakakaloko.


"Speaking of training. Starting from next week, we'll have a training with secondary editors guild of Quezon City, meaning lahat ng regional qualifiers ay makakasama niyo."

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now