003

28 2 0
                                    

Kumakain kami ni Sab when Lyndon came.

"Ahm sir, di ba magsususpend school natin. Lakas ng ulan  oh." tanong ni Sab.

"Alam mo Sab, mas okay na pogi na lang tawag mo sakin kesa sa sir. Di bagay sayo na iginagalang mo ko eh." magsisimula na namang mag asaran tong dalwang to.

"Alam mo sir, mas okay na ilibre mo kami kesa purihin mo sarili mo. Di ba Ali?" napailing na lng ako.

"Teka, may tumatawag sakin, pinapapunta ko sa labas. Alis muna ko." pagpapaalam ni Sab.

We were left alone. Out of nowhere a random question popped up.

"Bakit nga pala education? Mukha namang lahi kayo ng mga doctor."

"Exactly." I plainly answered.

"I am out of choices. They choose a course for me. They choose where house should I live. They choose my future. I even want to be a doctor. That's the greatest dream behind every dream I have inside my heart. I want to be a Developmental Pediatrician." I sadly told him.

"O bakit di mo sabihin sa kanila yung totoong gusto mo?" tanong nya.
"Lyndon, wala na. Andito na ko. Magagalit lang sil pag inopen up ko 'to." sagot ko.

"Malaki ka na, dapat may paninindigan ka na sa sarili mo." parang simple lang sa kanya sabihin ang mga bagay na 'to. Dahilan para mainis ako.

"Di mo kasi naiintindihan dahil hindi ikaw yung may utang na loob sa kanila." matamlay kong sabi.

Hindi na lang sya nagsalita. I do understand him. Being a criminology graduate, dapat may paninindigan talaga sa sarili pero ang hindi ko maintindihan, bakit di nya makuha point ko.

Hindi kami nag usap after nun. Napagpasyahan na naming umalis na. Nag text kasi si Sab na di na sya makaalis sa boarding house.

Papasok na ko sa kotse ni Lyndon  ng biglang may tumawag sakin sa phone.

(Andito na ko sa parking, pinapasundo ka ni mommy)

That's  Kuya. Kinabahan ako bigla dahil baka makita  nya kami. And I'm right. Nakita nya kami. Umalis ako ng di nagpaalam kay Lyndon. Dumerecho ako sa sasakyan ni Kuya.

Pagkapasok ko ay agad nya kong tinanong.

"Pinapasundo ka ni Mommy dahil kkain tayo sa labas. Sino yun? Kilalanin mo muna ng mabuti dahil baka hindi magustuhan ng ate mo yan." Mahigpit ang hawak nya sa manibela.

Sobrang stressful naman ng araw na to, kanina si Lyndon, ngayon naman si Kuya.

"Easy to judge ah. Hindi ko sya boyfriend Kaibigan ko lang sya. Anong meron?" inis kong tanong.

"We will be with our family friend. You know your dean? He's with his wife and son. His son is also a doctor. Maybe mommy wants you to meet him." nag init bigla ang pakiramdam ko.

"Pati ba naman sa lovelife." Nahirapan ako biglang huminga. Sobrang bigat sa pakiramdam.

Mahirap yung sitwasyon ko. Parang kailangan sumunod lang ako sa gusto nila. Yun na nga ang nangyari. Pinakilala ako sa anak ng dean namin. Kahit di nila sabihin directly alam ko na siya ang gusto nila para sakin.

It was summer, nasa bakasyon ako dito sa Pangasinan. Sab told that we already have grades online. Kinakabahan ako. I know I did well pero syempre may mga prof na madamot sa grades.
Mas nakakadagdag ng kaba ang pagbagal ng internet.

There were only 3 subjects posted. I got 4 in Thesis. The rest are 3.5, I need to wait for 3 more subjects. Di ko inexpect na ganito kataas ang magiging grades ko. After 2 hours lumabas na yung results ng lahat ng subjects. I got 2.75 for two subjects at 3 naman sa isa. For me okay na. Basta ginawa ko naman ang best ko.

You: My Last HopeWhere stories live. Discover now