Chapter 7

25 3 0
                                    

Ramdam ko na rin ang pagod sa aking katawan dahil ilang oras na rin akong naglilinis dito. Mabuti na lamang ay malapit ko na itong matapos, onting walis at punas na lamang ang kakailanganing gawin.

Ilang oras na rin ang nakakalipas mula nung napag-usapan namin ni Sir Tyler ang tungkol sa babaeng minamahal niya.

Hindi ko akalain na sa kabila ng kaniyang mala-perpektong kaanyuan ay hindi niya nagawang paibigin ang kaniyang matalik na kaibigan.

Kung titingnan mo ay tila nasa kaniya na ang lahat. Sagana ang kaniyang pamumuhay, talaga nga namang magiging stable ka sa piling niya, iyong itsura niyang sinasamba ng karamihan, at may natatago rin naman siyang kabaitan.

Hindi kataka-takang habulin siya ng babae ngunit tila nagkamali ng pagkakapana si kupido at hindi magawang ibalik ng kaniyang kaibigan ang pagmamahal na ibinibigay niya sa kaniya.

Napailing na lamang ako sa aking  naisip. Tunay ngang napakalalim ng mundo ng pag-ibig. There are times that things don't go on your way, it seems like it's against on your preferences but time will come and it will be on your favor.

Someday you'll see that everything behind your mask that was used to be painted in black suddenly will be painted with different colors and they will be completely in harmony.

"You are so damn slow!"

Gulat akong napatingin sa amo ko na kakabalik pa lamang dito sa kaniyang kwarto.

At ano raw? Ako mabagal!? Eh siya kaya maglinis dito na ewan ko ba kung binagyo o ano e!

Tsaka pansin ko lang ha? Minsan na nga lang niya ako kausapin tapos puro panlalait lang naman ang naririnig ko psh.

Hindi ko na lamang siya sinagot sa kaniyang naging bungad. Ang lupet naman kasi ng bungad niya pagkakapasok. Wala man lang "You can rest and just continue it tomorrow" o kaya naman "Go on Blaire, eat first and continue it later"

Hay nako Blaire, huwag ka nang umasa. Isang Tyler Del Vuega 'yan uy, hindi mo mapapaganyan iyan.

"Tss. Make it fast. I don't want to see your face anymore"

Malamig na dugtong niya sa kaniyang sinabi. Kita mo itong lalaking 'to! Eh kung hampasin ko kaya siya ng matauhan. Aba, kung hindi siya nagkalat eh sa malamang wala ako rito sa kwarto niya at naglilinis! Hays

"Edi pumikit ka!"

Agad ko namang tinampal yung bibig ko. Kainis sa isip ko lang dapat iyon eh. Ikaw na bibig ka, pahamak ka kahit kailan! Aish

"WHAT?"

Malakas ang tinig na pagkakatanong niya. Patay ka talagang bata ka!

"Ha? Ma-may sinasabi ba a-ako?"

Nauutal na tanong ko. Ano bang gagawin ko huhu. Mayayari talaga ako nito nang wala sa oras eh. Kainis kasi eh bakit nakagawian ko nang sabihin yung mga bagay na dapat sa isip lamang.

"I heard you but I didn't understand."

Malamig ang pagkakasabi niya. Sa pagkakataong ito ay unti-unti na siyang lunalapit sa akin. Huhu mama yari na talaga ako nito, wala na akong kawala.

Nagulat na lamang ako ng unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa akin nang makalapit siya sa puwesto ko. Inilapit niya sa aking tainga ang kaniyang bibig.

"Are you talking back at me?"

Halos kilabutan ako sa ginawa niyang pagbulong sa aking tainga. Pakiramdam ko ay nanigas na ako rito sa puwesto ko. Ramdam ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNWANTEDWhere stories live. Discover now