II

27 5 0
                                    

This day was the same day when Cristhel got drunk.

---
-----------
Nicole's P. O. V.
-----------

"Papa, alis na po ako. Baka malate pa po ako eh. Yung pagkain mo po nakahanda na po. Kainin mo na po bago lumamig." Sabi ko sa tatay ko na kakapasok lang sa bahay galing sa munting palayan namin.

"Oh sige. Magingat ka ha. At wag kang makipagusap sa di mo kilala maliban sa mga customer niyo."

"Opo, pa. Mauna na po ako." Sabi ko sabay mano kay papa bago umalis. Naglakad ako papuntang kanto at sinakyan ang bus na naghihintay doon. Nasa probinsya kami dito sa America at medyo mapayapa naman. Sinlide ko ang aking card sa scanner bago kumuha ng upuan sa dulo ng bus.

Pinagmasdan ko ang ganda ng simpleng palayan hanggang sa matakpan na ito ng mga gusali at bahay bahay. Nang makarating na ako sa Mall, huminto na ang bus at bumaba ako. Nagbigay ako ng mahinang "Thank you" sa driver at ngumiti ito.

Pumasok na ako sa mall na halos wala pang tao dahil hindi pa ito bukas. Ngunit nakita ng guard ang uniform ko, at na dito ako nagtatrabaho kaya pinapasok ako nito.

Dumerecho ako sa third floor kung nasaan ang munting stationary na pinagtatrabahuan ko sa na may isang hardware sa kaliwa at restaurant naman sa kanan. Nakita ko na bukas na ito at na nagaayos na ng mga gamit ang Boss ko.

"Oh, Goodmorning Nicole. You're quite late today. You're usually earlier than me. I told you to be always and I mean ALWAYS be earlier than me." Sabi ng boss ko.

"I woke up late this morning. My alarm didn't wake me up. I'm sorry." Sabi ko habang kinakamot ang likod ng ulo ko.

"It's fine. But next time, I won't accept any mistakes! You should leave your bag at the back and help me with the stocks. Customers will come soon and it's shameful to let them see us restocking."

"Yes.." Mahinang sabi ko. Ayaw ko sa boss ko pero eto lang ang magiisang trabaho ko kaya tinitiis ko nalang.

Dumerecho ako sa employee's room at binaba ang bag ko. Binuksan ko ang locker ko at kinuha ang cap at ang nametag ko. Sinuot ko ang mga ito at kumuha ng isang box na puno ng mini-notebooks at lumabas sa employee's room.

Pumunta ako sa notebook section at nagsimulang magrestock. May mga kulay ng notebooks na nasa ibang kulay ng notebooks at nairita ako. Nakakapagod magayos ng mga notebook. Kahit ilang beses pa kami maglagay ng sign na ibalik ang mga bagay kung saan kinuha pag ayaw, di pa rin makikinig. Nakakainis!

Inayos ko na ang mga notebooks at ibinalik ang box sa likod at kumuha ng isa pa para sa ibang section. Malipas ang isang oras ay narestock na lahat at ng mga supplies at nagbukas na ang mall. Napunta lang ang boss ko dito uma-umaga para magrestock at iniiwan ako dito para magtrabaho.

Naiinis ako dahil ako na nga nagawa ng lahat, ang liit liit pa ng suweldo na binibigay niya sa akin. Kagigil din.

Maya maya pa'y may dumating na na customer at dumerecho sa Arts Section. Pumunta ako sa counter at umupo sa upuan habang kinuha ko ang libro ko sa bag ko at binasa.

Pumunta naman ang customer sa School Supplies Section habang nagbabasa pa rin ako ng libro. Ilang minuto pa'y may pumasok na dalawang customer at pumunta na sa akin ang pinakaunang pumasok. Inilagay niya sa counter ang mga binili niya na poster colors, isang sketchpad, at ilang mga lapis.

Iniscan ko ang mga ito at inilagay sa isang paper bag. Binayaran niya na ang mga ito at inilagay ko sa registrar sa pera. Matapos ay naiprint na ang resibo at kinuha ko ito bago istapler sa paper bag. Ibinigay ko ito sa kanya ng may ngiti at pinasalamatan. Ngumiti rin ito at kinuha na ang paper bag at umalis.

Lumipas ng araw ng ganito ang pangyayari. Kumikilos lamang pag may customer at nagbabasa ng libro pag wala. Di ako kumain ng tanghalian dahil kapag bumili pa ako ay wala na akong pambili sa hapunan namin ni papa.

Kakalipat lang namin sa US at naubusan ng pera sa pamasahe kaya dito muna kami nanirahan sa probinsya habang ako ay dahan dahang nagiipon ng pera sa trabaho ko.

Nang magsasara na ang mall ay nagayos na ako. Pumunta ako sa employee's room at binuksan ang locker ko para maibalik ang cap at ang nametag ko. Kinuha ko ang bag ko at umalis na. Nilock ko ang pinto at ang registrar para di manakawan kung mangyari man.

Umalis ako sa shop at binaba ang metal na parang pinto at pinadlock na ito. Matapos ay bumaba ako at umalis na sa Mall. 8 na ng gabi at ang susunod na bus ay 8:15 pa kaya umupo muna ako sa bench at inilabas ang telepono ko. Tinext ko si papa na pauwi na ako. Pumunta muna ako sa isang maliit na shop at bumili ng pagkain namin ni papa.

Ilang minuto ang lumipas at nakarating na ang bus. Sumakay ako at inislide ang card ko at umupo sa dulo ng bus. Kakaonti lang ang tao at buti walang tumabi sa akin. Di kasi ako gaanong kasocial. Kalahating oras ang nakalipas at nakarating na ako sa kanto malapit sa bahay namin.

Nagpasalamat ako sa driver at bumaba na. Nagsimula akong maglakad papunta sa bahay namin habang dala dala ang bag ng pagkain. Nang nakarating na ako sa bahay ay binuksan ko agad ang ilaw at inilagay ang pagkain sa mesa. Dumerecho ako sa sala at nagmano kay papa.

"Oh, kamusta ka naman? Ok lang ba ang trabaho mo?"

"Opo pa. Nakabili pa po ako ng pagkain natin. Tara na po. Kain na po tayo."

"Ah sige. Maghuhugas lang ako ng aking kamay."

"Sige po." Tumayo na siya at dumerecho sa banyo para maghugas ng kamay. Pagkalabas ay pumunta na kaming kusina at nagsimulang kumain. Matapos kumain ay naligo na si papa habang ako ay nagliligpit ng hapagkainan. Matapos maligo ni papa ay ako naman ang sumunod. Kumuha ako ng damit sa kwarto ko at ang aking towel at dumerecho sa banyo.

Naligo ako ng saglit at lumabas na ng preskong preko. Pumunta ako sa aking kwarto at sinet ko na ang aking alarm. Matapos ay pinatay ko na ang aking ilaw at nagdasal bago matulog.

---
Ang ikli wtf

I'll make it up next time. Don't forget to vote!

ᴅᴇsᴛɪɴʏ's ᴘʟᴀɴ | DROPPEDWhere stories live. Discover now