Chapter 23

167 6 0
                                    

Chapter 23



Under The Rain

Gusto ko sanang magreklamo sa sinabi ng matanda pero isang malakas na pagbagsak ng ulan ang nakapagpatigil sa amin sa paguusap.

"Naku,hija.Mukhang dito ka muna magpapalipas ng gabi ngayon.Alam ba ng mga magulang mo na nandito ka?"
Tanong ng matanda sa akin.

Napanguso ako.

"Hindi pa po,Lola Elle.Masyado po yatang nagpakasaya ang mga magulang ko kaya po nakalimutan na akong tawagan."
Sagot ko na syang ikinatawa nya.

"Halika muna sa loob,hija.Baka mabasa tayong dalawa rito."

Sabay kaming pumasok sa loob ng mansyon.Kita ko ang pagiling ng matanda ng makita nya ang mga apo nya.

"Uy,si Nanny!Kanina ka pa namin hinahanap,Nanny Elle!"
Sabi ni Ezra na syang ikinataas ng kilay ni Lola Elle.

"Hinahanap?Kanina lang ay pinagtutulungan nyo ako!Mga pasaway na Alfonso!Manang-manang kayo sa lolo nyo!"

Kita kong tumawa si Vanter pero kinalaunan ay inirapan nya ang mga pinsan nya.

"Ano na naman bang pagpapasaway ang ginawa nyo mga pinsan?"
Tanong ni Vanter at nameywang sa harap ng mga pinsa nya.

Sabay sabay na umiwas ng tingin ang mga pinsan nya kay Vanter at itinuon ang atensyon sa sari-sarili nilang ginagawa.Shivo just rolled his eyes.Pumunta sya sa direksyon namin at hinalikan nya sa pisngi si Lola Elle.

"Good night,Nanny."
Seryosong sabi ni Shivo at pumunta na sa kwarto nya.

Umiling si Lola Elle.

"Minsan iniisip kong si Shivo ang pinakamatino sa kanila pero talagang nasa lahi pa rin nila ang pangbababae.Mga babaerong Alfonso."

Napailing na lang din ako.Totoo naman kasi ang mga sinabi ni Lola Elle.Makapal na babaero si Vanter.

Niyayaya ako ni Lola Elle para kumain pero tumanngi ako.Sinabi kong busog pa ako.Nakakahiya naman kasi.Labing-isa silang nandoon nakakahiyang humarap.Hindi pa rin tumitigil ang ulan kaya naman lumabas muna ako at itinapat ko ang kamay ko para pakiramdaman ang ulan.

Naaalala ko pa nung mga panahong naliligo ako sa ulan.Ang huli kong pagliligo ay noong galit ako kay Vanter.Napabuntong-hininga ako.Simula nung pinaiyak ako ng tatlong lalaking naging mahalaga sa akin noon ay hindi na ako nabigyan ng pagkakataong maligo sa ulan ng walang dinadalang sakit.

Lagi akong naliligo sa ulan nang may luha sa mga mata.Siguro naman sa pagkakataong ito,pwede ko nang pakiramdaman muli ang ulan?

Handa na sana akong magpaulan nang marinig ko ang boses ni Vanter.

"What are you doing?"
Tanong nya sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanya at pumunta na sa labas.Ibinuka ko ang mga kamay ko.Grabe,ang sarap sa pakiramdam na wala ka ng dinadalang sakit sa puso mo.Umikot pa ako na parang bata para lang damhin ang ulan sa buong katawan ko.

Nagpaikot-ikot ako hanggang sa may nabangga ako.

"Oops..."
Sabi ko at umangat ang tingin ko.

"Hindi ko alam na gustong-gusto mong naliligo sa ulan?"
Nakataas na kilay na tanong sa akin ni Vanter.

I just shrugged at him.Mahina ko syang itinulak at sumayaw ako.

"Dati magisa lang ako at umiiyak pa sa gitna ng ulan ngayon ang saya-saya ko kasi wala na akong hinanakit sa puso..."
Sabi ko.

"You're not alone now,Shan..."
Sabi nya na syang nakapagpatigil sa akin.

Ngayon ay nagkatitigan kaming dalawa.

"Hindi ka na nagiisa kasi kasama mo na ako..."
He said.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang hawakan nya ang pisngi ko.Hindi ko maiwasang umangat ang tingin ko sa kanya dahil sa tangkad ng isang ito.Ewan ko pero natagpuan ko na lamang ang sarili kong ngumingiti sa kanya.

"I can be with you anytime you want me to...I can stay with you amytime you want me to do,Shan.."

I bit my lower lip.His words...hindi ko alam pero sobra ang epekto sa akin ng mga salitang binitawan nya.Unti-unting lumalapit ang mukha nya sa akin.

"V-Vanter..."

He just smiled at me and then our lips met.I closed my eyes and feel the warmth of his lips on mine.

Ito ang unang pagkakataong kasama ko si Vanter sa ilalim ng ulan...Sa ilalim ng mga halik nyang hindi ko mawari kung bakit sobra ang epekto sa puso ko...

Fall For The TrapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon