𝐏𝗋𝗈𝗅𝗈𝗀𝗎𝖾

246 139 63
                                    

"This one, who's this?" turo nya sa huling larawan na nakalagay sa dingding nitong mansion.

"That's Tres ang pinuno ng pangkat ikatlo," pagtukoy ko bago marahan na napabuntong hininga dahil sa isipin na biglang sumagi saking isipan.

She's one of the greatest assassins in our clan.

Tinititigan ko ng husto ang kanyang larawan, mula sa maiitim at walang emosyon nyang mga mata, sa labi nyang nakangisi na wari mo'y nanunukso at pinapakitang mahina ka't walang laban sa kanya ay aking marahan na ikinatawa.

"Why are you laughing?" takang tanong sakin ni Ve'jin, ang batang assassin ng aming organization.

"I just remembered back then how hard we've been through just to take some photo's of her." Tres (ikatlo) doesn't want her face to be featured due to her reason that she wanted to keep herself as a mysterious one—being low profile. So she can freely move, but still dahil sa kanyang angking galing, di na rin maiwasan na mas lalo syang makilala ng iba.

"Nahirapan?" muli nyang tanong kaya napatango ako sa kanya bilang tugon, halata sa kanya na para bang may gusto syang malaman kaya naman napaupo na rin ako sa isang upuan na nakagawi sa harap ng larawan ni Tres (ikatlo), but Ve'jin remains standing.

"Our clan has its own different level of assassins," lahat kami may kanya-kanyang pagkakakilanlan, walang tunay na pangalan ngunit tanging numero lamang ang binigay na palatandaan.

Tinatawag kaming 'units' ang mga namumuno bawat pangkat lamang ang may titulong numero para sa pangalan, isang level ng mga malalakas na assassin.

Ang unang halimbawa ay ang units namin ni Tres kung saan kilala sya sa bilang o pangalang (ikatlo) pinuno ng pangkat ikatlo at ako naman para sa pangalangang (ikaapat) pinuno ng ikaapat na pangkat—ang ibang mga malalakas pa na susunod samin bilang myembro ay tatawagin din gamit ang titulong numero ng pangalan kada pangkat na kinabibilangan, katulad ng pagkakakilanlan kay Ve'jin (Pangkat ikaapat) Bilang myembro ng pangkat ko.

Ang mga numerong aming pinang-hahawakan ay ang aming pagkakakilanlan sa itaas, ang mga pangalan na ginagamit naman namin ay para sa pagkakakilanlan lamang naming mga kapwa assassin—wala kaming tunay na pangalan.

Isa pang halimbawa ay ang ilang mga assassin na hanggang ngayon ay pinapatunayan parin ang kanilang mga sarili sa ranggo na karapat-dapat sila, tinatawag silang 'units of zero' anong pinagkaiba? Hindi sila ganon kalakasan sa amin.

Kaya wala silang numerong kinabibilangan—wala silang pagkakakilanlan.

Sila yung ginagawang mukha sa laban—units of distraction. Para magawa ng unang units (which is us), ang laban ng ayos, kami ang sandata.

"She's Tres/ikatlo, one of the greatest assassins in this association of us." I started to continue what I said lately.

Binubuo ng isang pangkahalahatang leader ang aming organisasyon tinatawag syang 'Ama' ng lahat, ang kanyang kabiyak bilang 'Ina', ang mga sumunod sa kanyang posisyon ay tinatawag na 'higher up/counselor', ang sumunod ay ang sampong 'Taga-utos' at Ang pinakahuli naman ay kaming mga discipulo na by numero na sumusunod sa lahat ng utos sa itaas.

"So it means, sobrang galing nya?" Ve'jin (pangkat ikaapat) being wonder itself, showing a hint reaction—how confused and amazed at the same time.

"No words can describe her," saad ko sa kanya sa aking seryosong tono— I suddenly tap her shoulder. Malapit na ang oras kailangan ko ng umalis, kaya napatayo na rin ako mula saking pagkakaupo, but Ve'jin's words make me hesitate suddenly.

"Tell me more something about her," saad nito ng lingunin ko sya bumungad sakin yung tingin nyang naka-angat tungo sa landas ng larawan ni Tres (ikatlo).

Mukhang curious din sya sa naging buhay ni Tres (ikatlo), sabagay hindi ko sya masisisi kasi halos naman ata lahat curious sa buong pagkatao ni (ikatlo), and since Ve'jin is under my team— isang mabuting halimbawa na rin seguro sa kanya na ibahagi ang ilang information tungkol kay Tres (ikatlo) to inspire her as well.

Napagawi ako ng muling upo sa upuang inupuan ko kanina bago sininyasan si Ve'jin na gumawi ng lapit sakin at maupo na rin sa isa pang katabing upuan ng aking upuan, Ngayon pareho na kaming nakaharap sa larawan ni Tres.

"When we were young, they trained Tres (ikatlo) most. It's a different level of training that even one of us can't take— actually, I think we can, but masyadong brutal sa katayuan ng lakas natin ngayon? Baka hindi rin tayo tumagal. Hinubog nila si Tres ng husto, ang kanyang kakayahan ay nabibilang sa ikauna pero nilagay sya sa pangatlong bilang ng unit sa dahilan na halos hindi malaman." Naging sunod-sunuran sya ng husto— kung tutuusin isa naman syang normal na tao pero ginawa nilang gawi ng robot ang pag-uugali nito.

Tres (ikatlo) can't do anything, hanggat walang utos.

Hindi nya pweding gawin ang kahit anong bagay na kanyang naisin. "Lumaki si Tres na walang sariling emosyon, desisyon, at taging utos lang ng nasa itaas ang kanyang sinusunod."

"You mean like us?" May punto din naman si Ve'jin sa kanyang tanong— lahat kami ay sumusunod lang sa utos ng nasa itaas, pero malaya parin kaming magdesisyon sa kung anong nararapat gawin kada mission.

Unlike Tres, if she receives her order, all she needs to do is kill them all. Sa takdang oras ng walang paligoy-ligoy at kami? Ang taga-linis ng mga taong trinabaho nya.

Nakaka-recieve sya ng direct orders mula sa 'Ama', hindi tulad namin na sa taga-utos lamang nakaka-tanggap ng mensahe— Ang ilang mga oders na binababa din kasi minsan ng mga 'Taga-utos' ay hindi rin galing sa 'Ama' ng organisasyon.

Ang ibang utos ay sa counselor or higher up din ng gagaling.

"Perhaps— I think it's time for me to leave, the details about her? were too complicated." saad ko ng mapabaling ako ng tingin sa aking wristwatch, oras na para sa aking mission.

Kung mananatili pa ko dito, baka makabitaw ako ng ilang mga salita tungkol kay Tres na dapat walang ibang makaalam kundi ang mga nasa itas na position lamang.

Napatayo na ko saking pagkakaupo at aakto na sana ng gawi ng pag-alis ngunit pinigilan ako ni Ve'jin.

"You said, She's one of the greatest assassins, right?" diretsyahan nyang tanong na ikinahinto kung bahagya bago lumingon sa landas ng kanyang gawi kung saan bumungad sya sakin na tila seryoso paring nakatingin sa larawan ni Tres— miske ako'y napalingon na rin kung saan bumungad muli sakin ang kakaibang presensyang dala ni Tres kahit sa larawan lang nya.

Makikita mo mula sa kanyang mga mata, ang emosyon na hindi mo pa nakikita— Takot, yun ang mararamdaman ng taong tumititig ng husto mula sa kanyang mga mata.

Walang sino mang nagtangkang galitin sya dahil ang ugali nya? Isang demonyong walang awa.

"Kung ganon nasan na sya?" Wala sa wisyong napabaling ako ng tingin kay Ve'jin kung saan sinalubong naman ako ng kanyang mga mata na tila puno-puno ng mga katanungan.

She's being curious.

Nagdalawang isip naman ako kung dapat ko bang sagutin ang kanyang mga katanungan ngunit sa huli, mas pinili ko nalang na wag magsalita dahil hindi pa ganon karami ang aking nalalaman.

Si Tres? Hindi na sya bumalik pagkatapos ng kanyang mission— Hindi na sya nagpakita, wala ring nakakita sa kanya at kung nasan sya? Walang nakakaalam..

Isa lang ang aming nalalaman, si Tres?
Hindi na sya babalik pa.

"Hanapan mo ng sariling sagot ang iyong katanungan" mapanghimok kung saad naman sa kanya bago tuluyan na ngang umalis.

When she meets youWhere stories live. Discover now