Chapter Two

696 25 1
                                    

"CONGRATULATIONS, guys! Mukhang kailangan na nating asikasuhin ang mga dapat pang gawin. Mabuti na lang at tutulungan tayo ng lolo ni James sa visa n'yo. Ang kailangan n'yo na lang gawin ay tapusin ang pakikipag-usap sa mga professors n'yo at nang malaman natin kung anong gagawin sa mga requirements na kailangan n'yong tapusin."

Tipid na ngumiti si Eena habang pinakikinggan ang sinasabi ni Miss Aurora. Kasalukuyan silang nasa dance studio ng cabin at nagu-usap usap tungkol sa magandang balitang natanggap ng grupo nila. Hendrix International Dance Troupe has been chosen to join the Sketchers International Dance Competition. Their group will be joining the Street Dance category kaya naman excited silang lahat. Nasubukan na kasi nila iyon... noong sumayaw sila kasama si Moose para sa pakikipag-ayos nito sa nobyang si Sangmi.

Si Miss Aurora ang magiging guardian nila sa pagpunta sa mga bansang pagdadausan ng naturang kompetisyon. Sa New York, sa Japan at sa Singapore. Isang linggo ang ilalagi nila sa mga nasabing bansa. Nakakapagod, lalo na para sa kanila na graduating students at may pinangangalagaang posisyon sa paaralan. Karamihan kasi sa kanila ay mga Dean's Lister kaya pinangangambahan nilang makaapekto sa kanilang paga-aral ang pagsali sa International Dance Contest.

Pero binigyan sila ng option ni Miss Aurora. Uuwi naman sila ng Pilipinas pagkatapos ng bawat performance. Isa pa, hindi naman sila pare-parehong umaasa na makakapasok sa finals o kahit sa semi-finals lang. Magagaling kasi ang mga makakalaban nila at kumpara sa mga ito na sanay nang sumali sa iba't-ibang dance competitions, masasabing baguhan lang sila.

Ilang minuto pa silang nag-meeting bago pinalitan nina Red at Sangmi si Miss Aurora sa harap. Ang mga ito ang maga-announce ng mga routines at kung sino ang makaka-partner nila. Ayos lang naman kay Eena kahit sino ang makapareha niya, alam naman niyang magagaling ang mga kaibigan niya.

"Sa part ng classical dance, magta-tango sina Chase, Eena, Cc at ako. Siguradong madali na lang ang mga iyan since nagawa na natin sa isang subject natin with Miss Aurora. The rest, puro group na. May part na Tinkerbell lang ang magsasayaw at mayroong part din na Beat movers lang ang sasayaw. Si Chase na ang bahala sa pagmi-mix ng mga gagamitin natin. Forte naman niya iyon kaya hindi natin kailangang mag-alala."

"So, kung may time kayo ngayong araw ay mag-meeting na kayo. Para malaman natin kung paano kayo makakapag-practice ng magkakasama dahil na din sa tight schedule natin." ani Sangmi.

Napahugot ng malalim na hininga si Eena. Sa dinami-dami ng makakapareha niya, si Chase pa. Puwede namang si Moose na lang o si Sean. Pero alam niyang hindi siya puwedeng mag-reklamo dahil siguradong magtatanong lang ang mga kaibigan nila. Hindi pa naman alam ng mga ito ang hindi pagkakaintindihang nangyari sa kanila ni Chase. Mabuti na nga lang at hindi dumaldal si Tyler. Isa pa, ayaw niyang makagulo pa sa gusto ng mga ito.

Pagkatapos ng meeting ay nanatiling nakasandal si Eena sa dingding kung saan siya naka-puwesto. "So, saan ang gala natin? Wala naman na tayong gagawin, hindi ba?" mayamaya ay tanong ni Ace.

"Kasasabi ko lang kanina na mag-meeting iyong mga partners na magsasayaw ng tango tapos nagyayaya kang gumala. Iba ka talaga, Ace." naiiling na sagot ni Sangmi at umupo sa tabi niya. "Next time na lang tayo gumala. Tapusin na muna natin ang mga kailangan nating gawin." suhestiyon nito na sinang-ayunan naman ng karamihan sa kanila.

Pagkatapos niyon ay nagkanya-kanya na sila. Hindi pa din umaalis si Eena sa puwesto niya. Iniisip pa niya kung paano lalapitan si Chase. Kung paano sila makakapag-usap nang hindi siya naiilang sa binata. Pagkatapos kasi niyang mag-isip ay napagtanto niyang kung man ang sinabi ni Chase sa bar, marahil ay ganoon ang tingin nito sa kanya. Hindi din tuloy niya naiwasang isipin na marahil ay iyon ang dahilan kaya bigla itong lumayo sa kanya, dahil hindi na maganda ang impresyon nito sa kanya. Kung sa ibang pagkakataon, wala naman siyang pakialam kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao.

Love Revolution 9: Eena, The Free-Spirited Fairy [Published under PHR](Complete)Where stories live. Discover now