Chapter Five

487 18 2
                                    

KAPANSIN-PANSIN ang pagbabago ng ugali ni Tyler. Naging masyado na itong seryoso, halos hindi na nga ito ngumingiti at walang buhay na ang mga mata nito. Kapag tinatanong naman nila ay nginingitian lang sila nito.

"Ano kaya ang puwede nating gawin para kay Tyler? Ni hindi natin malaman kung ano ba ang problema ng sira-ulong iyon." tanong ni Eena sa mga kaibigan. Kasalukuyan silang nagpapahinga sa dance studio. Katatapos lang ng practice nila para sa araw na iyon.

"Pati si Jazza, wala eh. Baka magkasama silang dalawa. O baka naman may tampuhan sila kaya pareho silang wala."

Noong bago kasi sila pumunta ng New York ay nawala ng tatlong araw sina Tyler at Jazza. Iyon pala ay nagtago ang mga ito sa Tingloy, Batangas. Huli na nang malaman nila ang dahilan ng pagkawala ng mga ito. Naging dahilan pa si Tyler nang muntik nilang pagkalaglag sa elimination ng kompetisyon. Pero kahit ganoon ay hindi nila ito sinisi. At least, nasa semis na sila. At kapag pinalad ay makakasama sila sa Finals kahit na pare-pareho silang kinakabahan. Magagaling kasi ang mga natirang makakalaban nila kaya naman hindi sila maaaring mag-petiks lang.

"Ano ba naman ang nangyayari dito sa grupo natin, palagi na lang may mga issue. Hindi na natapos. Hindi naman katulad ng ibang kompetisyong sinalihan natin ang Sketchers. International dance competition na 'to at dala natin ang pangalan ng HIU pati na din ng Pilipinas." problemadong ani Red.

"Hinay-hinay, Red. Intindihin na lang natin iyong dalaga. Hindi naman sila gagawa ng kahit na anong makakasira o makakatalo sa grupo. Magiging maayos ang lahat, we just have to trust them. Besides, hindi din naman tayo basta kung anong dance group lang. HID tayo, marami na tayong napanalunang kompetisyon. Dapat kahit paano ay mataas na ang kumpiyansa natin sa mga sarili natin" wika naman ni Sangmi na animo pinalalakas ang loob nilang lahat.

"Totoo. Dapat naniniwala tayo sa mga sarili natin. Dapat isipin nating mananalo tayo para hindi tayo masyadong kabahan. Kung kinakabahan man tayo, 'wag na lang nating ipahalata sa isa't-isa para walang damayan." ani naman ni Iane at humiga sa mga hita ni Sean.

"Umuwi na lang siguro tayo para makapag-pahinga naman. Bukas na ulit tayo mag-practice." suhestiyon ni Henry. Ito na ang nag-ayos sa mga gamit ng nobyang si Charm. Ganoon na din ang ginawa nila. Sabay-sabay pa silang lumabas ng cabin.

"Chase..." tawag niya sa kaibigan na nasa hulihan. Hindi niya alam kung narinig siya nito dahil naka-headphone ito kaya nilapitan na lang niya ang binata at tinabihan.

Tinatamad na binalingan naman siya nito bago inalis ang headphone nito. "What?" salubong ang mga kilay na tanong nito.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit ang sungit mo na naman? Tatlong araw na iyan ah." puna niya. Tatlong araw nang parang palaging wala sa mood si Chase. Napapansin niya iyon dahil hindi ito ngumingiti nitong mga nakaraang araw at hindi din nito pinapatulan ang mga panga-asar at pakikipagtalo niya dito.

"Nothing. I'm just tired." simpleng sagot nito, deretso sa nilalakaran ang mga mata.

Nakasimangot na humalukipkip siya. "Kung pagod ka, magpahinga ka. Wala naman kasing nagsabi na pagurin mo ang sarili mo." naiiling na sermon niya sa binata. "Kung gusto mo, ililibre na lang kita. Kain tayo sa Wendy's." suhestiyon niya.

"'Wag na. Iyong ex-boyfriend mo na lang ang yayain mo." pabalang na sagot nito.

Lalo yatang tumikwas ang kilay niya dahil sa sagot nito. Ex-boyfriend niya? Wala naman siyang naaalalang nakasamang ex-boyfriend nitong mga nakaraang araw kundi si Ross. "Si Ross? Bakit ko naman yayayain si Ross? Nakasama ko na siya at naka-kuwentuhan, okay na iyon. Ikaw nga ang niyayaya ko, kung sino-sino tinuturo mo."

Love Revolution 9: Eena, The Free-Spirited Fairy [Published under PHR](Complete)Where stories live. Discover now