Chapter 28- Haba ng hair

49 6 6
                                    

-

Kinabukasan~

Cyreen Pov

Maaga akong nagising dahil may isang letcheng nambulabog ng tulog ko and guess who? Ang himbing-himbing pa naman ng tulog ko at biglang,boom! Sira!

" Ano ba Ken ! Ang aga pa ehh.."reklamo ko at parang bulate na nagwawala sa kama.

"Bangon na, magluluto ka pa remember?" sabi nito na nakapamewang. Luh kelan pa ako naging kusinera nito?

"Ehhhhh!! Bat ako pa? Pwede namang ikaw ahhh! " reklamo ko ulit at nagtalukbong nang kumot.

" Ayaw mo bumangon dyan? "may halong pagbabantang sabi niya. Para kasing may binabalak siya eh.

" Oo ayaw ko, balakadyan maaga pa naman eh." sabi ko dito pero wala akong narinig na ingay kaya nagtaka ako.

"Ken? Yuhooo? Kennnn..." mahinang tawag ko sa kanya. Pero walang respond.

Umayos ako ng higa at aalisin na sana yung kumot na nakatalukbong sakin pero may biglang tumalon sa kama at tumalon talon nang kay lakas!

"Uwahhh kennnn!!! Tama na!! Hinto kanaa!!" Pagsisigaw ko sa kanya. Pano ba kasi palundag-lundag na yung buong katawan ko at para na akong nahihilo sa ginagawa niya.

"Ba.ngon.na.dyan." matigas niyang sabi habang malakas na lumundag sa kama. Nag canon ball po siya sa kama kaya ang ending nahulog ako.

*blaaaggg*

"Pftt Hahahahahh !! Masakit ba minion?! " sarkastik niyang sabi habang tumatawa.

Umayos ako ng upo sa sahig at sinamaan siya ng tingin. " Nakakatawa sobra," sarkastik ko ding sabi at tinapunan ko siya ng unan. Tsaka nagrolled eyes.

Natahimik naman siya at lumapit sakin para sana tulongan sa pag tayo pero inunahan ko na siya. Tumayo ako mag isa, hmp. Anong tingin niya sakin di marunong tumayo?! Akala niya naman.

"Ouy sorry na.." Paghinge niya ng sorry sakin. Diko naman siya pinansin at nagmartsa na papuntang kusina. Nagflip pa nga ako ng hair non.

****

Still Cyreen's Pov

Nasa school na kami ngayon, Oo KAMI! Syempre sabay daw kami ni ken eh. Kahit inis pa ako sa kanya pumayag na ako. Syempre dahil mabait ako. Kala niyo kung ano no?

Umuna na akong maglakad para hindi kami sabay. Total malapit na din kami sa classroom namin eh. Pagpasok ko sa room ay bumungad agad sakin ang mukha ni Ryle. Kaya gulat akong napahinto.

Ngumiti siya sakin at tinawag ako.

"Babyy!" Tawag niya sakin at nagwave kaya yung mga classmate ko ay nagsilingonan sakin.

Nahiya naman ako kaya napatungo. Ampochi naman, bat baby tawag niya sakin? Ano kayang nakain nito.

"Girlfriend!!" Rinig ko namang tawag din sakin ng isa, kaya nilingon din iyon nang mga classmate ko. Kakarating lang kasi ni Ken at kahit nasa lobby pa siya ay nagawa niya akong tawaging ganun.

"Ouyy haba ng Hair ni Villaz!!!"

"Ayiehhhhh "

"Sana lahat !"

Mga hiwayan sa loob ng room. At ako naman ayun pulang pula na yung mukha sa hiya.

"Minion! Pandak! " sabay pa na tawag sakin ng dalawa at nagsilapitan. Paunahan pa nga sila eh.

At ako naman ay walang reaksyon, nakatanga lang dahil sabay nagkasayad yung dalawa at diko alam kung anong gagawin.

Sabay silang nakalapit sa akin at sabay din na hinawakan nila yung magkabilang kamay ko. Kaya napatingin ako sa kamay ko at tingin kay ken tapos kay Ryle. Nagsukatan sila ng tingin at hinihila nila ako.

"Sakin sasabay si Cyreen," sabi ni Ken at hinila ako palapit sa kanya.

"Hindi! Sakin siya sasabay," sabi naman ni Ryle at hinila din ako palapit sa kanya.

"Hindi! Sakin ngaaa!!"
"Sakin!!"
"Sakin!!!"
"Sakinn!!"

At ayun nga naghilaan na sila at ako? Nahihilo na sa dalawa.

"Hep hep hep hep!! Teka nga!! Bitawan niyo ko!" Gigil kong sigaw sa kanila at hinila yung dalawa kong kamay na hawak nila.

"Hindi ako inyo okay! " sabi ko sa dalawa. "At hindi ako baby mo!*turo kay Ryle* pati Girlfriend mo!*turo naman kay Ken* understand!?" Inis kung sabi pagkatapos ay nagwalk out na sa room.

Narinig ko namang nag boom yung mga kaklase naming lalaki.

"Boom!! "

"Wala naman palang kayo Pre!"

"Ligaw mona kasi mga Pre! HAHAHHA!"

kantyaw ng mga kalalakihan.

-

Sanaol mahaba buhok, Rapunzel ka Cy? Charot haahah. Sa inyo guys? Sino bet niyo sa dalawa? Si Ken Montefalco ba o si Ryle Justin Cortez? Dali comment niyo lang kung sino bet niyo hehe.

Vote and comment po kayo. Thanks for reading ! Loveyou All

CuteDNA

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Gangster is my Roommate?!Where stories live. Discover now