Chapter 2

5.4K 203 8
                                    

Xandria POV


"Athena Isangpalad." tawag ko sa kanya.


"Y-yes Ma'am." hindi ko alam kong kinakabahan ba siya or ano.


"Aware ka ba sa pinasok mo?" nagtataka kong tanong.


Kung pagbabasehan ang kanyang hitsura, malayo ito sa inaasahan kong papasok bilang tagapangalaga ng isang 5 years old na bata.

Tiningnan ko ulit ang resume niya. 24 years old. Mas matanda ako ng 1 taon. She's orphan kaya siguro naisip niyang pumasok bilang tagapag-alaga. Ang hitsura nito ay tila pinatanda ng panahon. May suot itong makapal na salamin sa mata. I'm not sure if may grado or wala. Makakapal rin ang buhok na parang natakot sa suklay. May dalawang ipit rin ito sa gilid. Ang kanyang damit ay isang maluwang na blusa na hanggang siko ang manggas with colorful pants and rubber shoes na black. I'm a fashion expert at base sa nakikita ko, wala siyang taste of fashion.


"O-opo Ma'am, kahit high School lamang po ang tinapos ko, maaasahan nyo po ako. Masipag rin po ako kahit ano pa ang iutos niyo, hindi po ako magrereklamo." kahit nauutal sa pananalita, makikita ang self confidence nito.


"Sino ang kasama mo sa bahay?" tanong ko rito.


"Namumuhay po akong mag-isa at dating nabubuhay sa suporta ng ilang kakilala, ngayon po naisipan ko ng humanap ng sariling trabaho." sagot nito.

Deretso siyang nakatingin sakin kaya sa palagay ko, nagsasabi siya ng totoo.

"How about your relatives?"


"Wala po akong ideya kung nasaan sila." malungkot nitong sagot.

"Sige, magsisimula ka bukas. By the way, call me Mam Xandria." sabi ko na lang.


Magtitiwala na lang ako. Wala na rin naman akong choice.


"E-eh Ma'am, pwedeng ngayon na po? Malayo po probinsya namin, kaya dinala ko na ang mga gamit ko." tinuro nito ang mga gamit sa gilid na hindi ko napansin.


Pumayag na rin ako at pinahatid siya sa isang kasambahay kung saan ang kaniyang tutuluyan habang nagtatrabaho bilang personal maid ni Clyde, at kailangan mas malapit siya sa pamangkin ko. Kaya ang kwarto nito ay ang bakanteng kwarto malapit sa kwarto ng bata.

....

.....

Lunch na ng bumaba sina Kuya, kasama si Clyde na nasa mga braso nito at nakakapit sa batok habang inaantok pa.


"Kuya, tanghali na naman kayo bumaba." sabi ko sa kanila ng nakitang bumaba ang dalawa. Wala itong pasok sa opisina kaya may time ito para sa anak.


"We already ate our breakfast in bed." mahinahon nitong sagot.

Hindi ko sila nakitang bumaba for breakfast kaya siguro nagpahatid sila sa itaas ng food.

Umupo sila sa katapat kong upuan. Narito kasi ako sa hapag at ready na for lunch. Ganun pa rin ang posisyon ni Clyde sa Ama.


"Kuya, I already found a new Nanny for Clyde." panimula ko. Sanay na kaming pag-usapan ang ganitong topic over the food.


"Dad, I don't wan't Nanny." kontra naman ng batang buhat-buhat nito.


Binigyan lang ito ng Ama ng konting ngiti. Sa anak lang ganyan yan. Kahit ako bibihira kong makita ang ngiti niya.


Royal MAID Where stories live. Discover now