Chapter 11

4.1K 198 9
                                    

Xander POV

"Welcome back, Prime." sabay-sabay nilang wika habang nakayuko sa isang pigura sa loob ng Arena.

What the.....

Hawk is Prime?

Who is Prime?

...

Hindi nagsasalita si Hawk or si Prime, who ever he is. Nakatingin lang siya sa lahat ng tao na nakayuko sa harapan niya.

"Hoy, sino ka ba at ginugulo mo ang magandang labanan? Kung hindi ka makikipaglaban, lumayas ka rito." sigaw mula sa kung sino.

Hindi ito pinansin ni Hawk.

"Oo nga lumayas ka rito, hindi kaila......" hindi nito naituloy ang dapat sasabihin ng bigla itong bumagsak.

"Shut up, Man." si Blue. Inatake niya ang maingay na lalake.

"Leave, if you want to live." malamig na utos mula sa isang lalake na nakayuko pa rin sa harapan ni Hawk pero ang mata ay nasa ibang manunuod.

"H-halika na, nagsalita na ang leader ng Rank 1." natatarantang saad ng isa. Nang marinig ng mga ito ang sinabi ng lalakeng Rank 1 daw, dali-daling lumabas ang lahat ng tao. Naiwan na lang ang mga nakamaskara, ako at si Hawk.

Kung ganun kabilis sumunod ang mga gangster sa leader ng Rank 1, ibig sabihin napakalakas nito.

Gaano kalakas ai Hawk para sundin ng lahat ng Rankers?

"Eyes on me." narinig ko ng tuluyang nakaalis ang iba pa.

Sabay-sabay namang umayos ng tayo ang mga Rankers at tumingin sa kanya.

"Cruiz." muli nitong sabi at nakita ko ang isang lalake na lumapit sa kanya dala ang mikropono.

Mukhang siya ang announcer kanina.

"P-prime." kinakabahan nitong sagot ng makalapit.

Pumihit si Hawk sa kinaroroonan ng boses at binigyan ito ng isang suntok sa panga na siyang dahilan ng pagtilapon ng lalake sa kabilang side ng arena.

F*cking sh*t. Ganun siya kalakas? Walang duda. He's really a man behind his small built. Napakalakas niya.

Mukhang nahintakutan naman ang lahat ng naiwan. Kahit ang sinabing leader ng Rank 1 kanina nung isang gangster.

"Traitor." mapanganib na sabi nito sa lalake na walang malay ngayon. "I don't tolerate a traitor like you." mapanganib nitong sabi.

Kung nakakatakot siya bilang Hawk, mas nakakatakot siya ngayon bilang Prime at kitang-kita yun sa mga mata ng lahat ng naririto sa likod ng kanilang mga maskara. Maging ako yun ang nararamdaman.

Ilang katauhan ba ang meron siya?

"6th Rank, Scorpion Gang." tawag pansin nito sa mga lalakeng may color codenames.

"P-prime." sagot ng tinawag na Black kanina ni Blue.

"I'm dissapointed. Some of your underlings are now under Sham's command. Clean them all." muli nitong utos sa 6th Ranker. Ibig sabihin, hindi sila mismo ang may kagagawan ng pag-atake samin, kundi ang ibang nasasakupan nito na nakuha ng kalaban.

"M-masusunod Prime." muling sagot ng Scorpion leader.

"7th to 20th Rankers, trace all Sham members in the Country even outside and I want you to clean all of them..... silently." maotoridad nitong utos.

Royal MAID Where stories live. Discover now