ISWAFR; 64 [Narration]

123 14 1
                                    

P.S; Hindi po ako magaling sa pagna-narrate

________________________________________________________

Nagkita ang dalawang magkaibigan sa lugar na kanilang pagkikitaan. Nakasuot ng Red V-neck Plain Shirt si Griffin na pinaresan ng simpleng short. Mayaman sila pero hindi niya pinapahalata dahil ayaw niyang pagkagolohan siya ng mga babaeng pera lang ang habol sa lalaki.

Nagpunta ang dalawa sa bahay ng dalaga. Nang makarating ay kaagad na nag-doorbell si Griffin dahil sa kasabikan na makita ang babaeng matagal na niyang gusto hagkan at yakapin.

On the other hand, Xandra was busy baking in the kitchen. She really loves cooking.

"Manang,pakitingnan nga po sa labas baka si Kuya Kentucky na yan." Utos ng dalaga sa katulong.

"Okay po,Madam."

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na rin ang dalaga sa pagbe-bake at kasabay naman noon ay ang pagpasok ng dalawang binata sa kusina na ikinagulat niya.

"W-what are yo---"

Kaagad siyang niyakap ng isang binata dahilan upang hindi niya matapos ang sasabihin.

"I missed you so much, Xandra. Please don't leave me again." Nanlumo siya sa sinabi ng binata, dahil ramdam na ramdam niya ang sinseredad ng lalaki.

Hindi siya nakapagsalita kahit isang salita. Miss na miss niya na rin ang lalaki, pero sa mga dumaang araw ay hindi niya ito kinausap manlang kahit na sa Messenger, Texts  o sa tawag manlang dahil ayaw niyang maging panakip butas lamang ng isang lalaking minahal niya ng lubusan.

Pekeng ubo ang pinakawalan ni Ryan dahilan para kumawala sa yakapan ng dalawa.

"Sa Living Room lang ako ah,manunuod ng TV." Sabi nito at dire-diretsong naglalakad patungong Living Room.

"Anong niluluto mo? Masarap ba yan?" Natatawang sabi ni Griffin na hindi manlang inalintana ang hiyang nararamdaman.

"Tumawa-tawa ka pa riyan? Eh,kanina mo pa nga yan nilalantakan." Inis na sabi ng dalaga nang mapansin na malapit ng maubos ang cake na kinakain ng binata.

"I love you." Nagulat ang dalaga sa sinabing iyon ng binata.

Ang bilis naman ata ng binata? Bagong kita pa nga lang nila ay nagsasabi na kaagad ito ng nararamdaman?

Umupo ang dalaga sa harap ng inuupuan ng binata.

"Seryoso ka ba riyan sa mga sinasabi mong lalaki ka?" Taas kilay nitong tanong sa binata.

Tumayo ang binata saka lumapit sa kinauupuan ng dalaga at mabilis na iniharap ang upuan ng dalaga sa kanya.

"Patawad kasi hindi ako naging totoo sa sarili ko noong panahong nangungulit ka pa sa akin. Patawad kasi mas pinili ko yong manlolokong babae kesa sa'yo. Pero sana bigyan mo pa ako ng isa pang chance gagawin ko ang lahat mapaibig ka lang sa akin ulit." Sabi ng binata na punong-puno ng sinseredad.

Hindi makapaniwala ang babae sa mga sinabing iyon ng binata.

"Okay!" Ayaw niya munang malaman ng binata ang totoo niyang nararamdaman para rito dahil ayaw niyang masaktan.

Nanlumo ang binata sa narinig niya mula sa dalaga.

Tumayo ang dalaga at dire-diretsong naglakad papasok sa kwarto nito. Ayaw niya munang makausap ang binata dahil alam niyang kunting-kunti nalang ay makakaamin na siya.

Isasarado na niya sana ang pinto nang biglang pumasok ang binata.

Hinawakan siya ng binata sa magkabilang pisnge.

"Pwede bang magpakatotoo ka riyan sa nararamdaman mo para sa akin? Alam ko namang mahal mo ako eh,kasi nararamdaman ko 'yon." Maluha-luhang sabi ng binata sa dalaga.

"Oo, Griffin mahal kita noong una pa. Nagkagusto na ako sa'yo nung unang nagsend ako ng friend request sa'yo, kaso manhid ka eh! Ilang ulit na kitang kinulit nun eh,gumawa pa ako ng mga hakbang para mapaibig ka sa akin." Umiiyak na sabi ng dalaga sa binata.

"I'm sorry." Griffin said then kissed Xandra.

"I love you,Xandra."  Said the young man looking straight into the girl's eyes.

"I love you too, Griffin." She responded and kissed Griffin with full of love.

Masaya na ang dalaga na nagsimula ang lahat ng ito sa Friend Request niya at nauwi rin sa pagmamahalan.

-------- END ---------

🎉 Tapos mo nang basahin ang It's Started With A Friend Request [Chat Serye] 🎉
It's Started With A Friend Request [Chat Serye]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon