HSH PART 6

1.9K 97 2
                                    

HALIK SA HANGIN PART 6: I'M WATCHING YOU!

     UNANG araw ng aming klase at kita ko sa muka ni Danny na kinakabahan siya kaya inakbayan ko siya para kumalma kahit papaano.

    "Kalma lang, Danny. Unang araw natin kaya dapat masaya ka." Wika ko dahil parang natatae na siya na ewan habang nakahawak sa messenger bag niya na halos malukot na sa sobrang higpit ng hawak niya rito.

    "Tingnan mo kasi, ang daming tao." Sagot niya kaya naman tiningnan ko siya ng nakakaasar na tingin.

    "Ang daldal mo sa dorm tapos kabado ka dahil lang sa maraming tao? Ano kaya 'yon?" Bulalas ko.

    "Iba naman kasi kayo. Mas komportable akong kasama at kausap kayo." Wika niya pero hindi pa rin ako kumbinsido dahil noong araw na sinundo kami ng van kung saan kami nagkakilala ay wala naman siyang ipinakitang kaba kaya't nakakapanibago. Idadag pa natin ang personalidad niyang masiyahin at madaldal.

    "Basta kasama mo naman ako kaya 'wag kang kabahan. Wala ka namang ginagawang masama kaya kalma lang, ha?" Sagot ko at sumang-ayon naman siya at dumiretso na kami sa una naming klase.

    Tahimik kaming naglalakad habang nakatingin sa aming schedule at nang makita namin ang aming classroom ay napahinto ako at napabulong sa hangin. "Kaya ko 'to!" Iyon ang sabi ko at naupo kami sa likurang bahagi ng klase. Hindi pa kami ganoong karami sa klase pero makalipas lamang ang ilang minuto ay halos mapuno na ang aming ito at ang kaninang nilalamig ko na pakiram ay nabalot na rin ng kaba at init dahil sa pagbukas-sara ng pinto sa unahan.

    "Guys, mukang wala 'yong professor natin. Twenty minutes na tayo rito." Wika ng isang lalaki sa unahan na nasuot ng headphone sa ulo niya.

    "Intay pa tayo ng konti. Ganito raw talaga sa unang araw ng klase." Sagot naman ng isa pang lalaking katabi niya.

    Naghintay lang kami ng ilang minuto bago dumating ang aming prof sa College Algebra. Nagpaalala lang siya sa amin ng ilang bagay at nagbigay din siya ng grading system at nagkaroon din kami ng maikling pagpapakilala ng sarili at nalaman kong hindi lang pala kami engineering student lahat kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na mag-aaral ako ng mabuti.

    "Nagutom ako." Ani Danny na noo'y nagkukutingting ng cellphone niya.

    "Gutom agad?" Tanong ko naman pabalik dahil halos isang oras lang naman kaming nakaupo eh nagutom na siya. Iba rin ang tiyan ng isang 'to.

    "Eh nagutom ako sa pag-upo eh. Hindi na ba ako pwedeng magutom?" Wika niya.

    "Sige, magsi-cr lang ako saglit tapos sasamahan kita sa canteen." Sagot ko at mabilis akong nagpaalam sa kanya at agad kong tinumbok ang cr na malapit.

    "Tang ina naman kasi, Sky, wala sabi akong pera. Next week na lang ako magbabayad ng utang ko." Iyon ang narinig ko bago ako pumasok sa loob ng cr na masyadong maganda para sa isang paaralan. Kung kanina ay namangha ako sa aming classroom namay aircon, ngayon naman ay namangha ako laki ng cr na may pitong pinto sa loob, urinal at mahabang labababo na may mahabang salamin.

    "Utang ka kasi ng utang tapos hindi ka naman pala magbabayad." Iyon ang sagot ng lalaking pamilyar na pamilyar sa akin. At tama nga ako na siya 'yon, 'yung lalaki sa oval. Mabilis akong kumilos at umiwas ng tingin sa kanya lalo na nang lumabas ang isang lalaking kausap niya siguro. Pumasok ako sa unang cubicle at napapikit ako habang umiihi at hiniling ko na sana ay wala na siya pagbukas ko ng pinto pero mali ako. Nakasandal siya sa tapat ng pintuan kung nasaan ako at nang lalakad na ako palabas ay hinarangan niya ako gamit ang isang kamay niya.

    "Saan ka pupunta? May atraso ka pa sa'kin!" Aniya at nagmaang-maangan ako.

    "Wala akong natatandaang may atraso ako sa'yo dahil ngayon lang kita nakita kaya kung tapos ka na ay pwede bang padaanin mo na ako?" Pinilit kong itago ang kaba sa aking dibdib at hindi ko nagawang tingnan siya ng ayos dahil baka masapak niya ako ng isa.

HALIK SA HANGIN (BXB 2020)Where stories live. Discover now