HSH SEASON 3: PART 52

675 40 3
                                    

HALIK SA HANGIN PART 52: HILING

ZIDERICK

SABADO ng umaga at nagising ako sa pagtama ng araw sa aking mukha. Medyo masakit din ang aking ulo dahil nag-inom kami kagabi pagkatapos naming kumain. Bagsak na bagsak pa rin si Arkin, Danny at Jepoy na nakayakap pa sa akin. Mayamaya pa ay narinig kong may kumakatok sa pintuan at  tatayo na sana ako pero nauna sa akin si Arkin na nagpupungas-pungas pa habang naglalakad.

"Sino 'yan?" Tanong niya bago niya buksan ang pinto at boses pa lang ay kilala ko na kung sino iyon. Si Sky.

"Sky?" Tanong ni Arkin na gulat na gulat. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko kaya nagtulog-tulugan na lang ako.

"Lasing na lasing kami kagabi. Pasensya na. Minsan lang kami magkatuwaan," pagpapaliwanag ni Arkin.

"Naiintindihan ko." Sabi ni Sky at mayamaya ay hinawakan niya ako sa kamay.

"Zide, tara na! Uuwi na tayo! Lasenggo ka talaga!" Sabi niya kaya nagpanggap akong nagkukusot ng mata.

"Ba't ang ingay mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ba't hindi mo'ko tinext kagabi para nasundo kita. Nakayakap ka pa kay Jepoy! Tara na nga!" Parang bata niyang utos kaya tumayo ako agad at dumiretso ako sa banyo para maghilamos at magmumog.

"Ano, masakit ang ulo mo?" Sabi ni Sky habang naghihilamos ako sa banyo.

"Pakialam mo?" Pang-aasar ko.

"Pakialam ko?" Sabi niya at iniharap niya ako sa kanya.

"Alalang-alala kami ni Zy sa'yo tapos iyan lang sasabihin mo. Hindi kami nakatulog ng ayos kakaisip kung nasaan ka. Hmm!" Aniya kaya naman pinisil ko ang pisngi niya.

"Kalma! Huwag ka ngang magpa-cute riyan. Nakakahiya sa kanila." Sabi ko pa.

"Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba kaya bilisan mo na at naghihintay na si Zy sa kotse." Sabi niya kaya natawa ako bago ko siya halikan sa ilong ng isa.

Nagpaalam ako ng ayos sa kanila bago kami lumabas ni Sky ng kwarto at talagang binilisan namin ang paglalakad dahil nagluto raw siya ng almusal sa condo unit ko.

"Sige na, mauna ka na. Sa kotse ko ako sasakay," sabi ko sa kanya at umangkla pa ako sa bintana ng sasakyan niya at hinalikan ko siya ng isa sa labi.

"Safe driving, ha?" Sabi niya at nagmadali na akong sumakay sa sasakyan ko.

Matapos ang halos twenty minutes na byahe ay nagmadali akong pumasok sa aking unit kung saan nakaupo na si Sky at kalong niya si Zy.

"Fried rice tapos itlog, bacon at longganisa. Kain na tayo!" Sabi niya kaya naman pinaghinaw ko siya ng kamay dahil hawak niya si Zy kanina.

Natural kay Sky ang pagiging sweet pero iba ang level ng sweetness niya ngayon. Nakakataba ng puso. Sino ba namang hindi nangarap na ipagluto ng lalaking kasing gwapo ni Sky? Literal na dadalin ka niya sa langit gamit ang charisma niya.

"Tama na ang titig sa muka ko. Kumain ka muna at tinitigasan ako sa'yo." Sabi niya kaya nasamid ako.

"Bastos!" Sabi ko.

"Bastos daw eh. Ikaw pa nga ang nangangalabit sa'kin sa gabi kapag tulog ako," pang-aasar niya kaya napalabi na lang ako.

"Maligo ka na!" Sabi niya ng akmang yayakap ako sa kanya mula sa likod. Kakatapos lang kasi naming kumain.

"Damot! Para yakap lang eh!" Sabi ko at nagmartsa ako papasok sa loob ng banyo.

KASALUKUYAN akong nakahiga katabi si Sky at nakayakap ako sa kanya noong biglang pumasok si Tito Arman hawak ang kaniyang baril at itinutok niya iyon kay Sky at akmang tatawagin ko pa lamang ang pangalan niya nang bigla niya iyong kalabitin at dalawang magkasunod na putok ang tumama kay Sky na nagsisumula ng tagasan ng dugo kaya napasigaw ako.

HALIK SA HANGIN (BXB 2020)Where stories live. Discover now