Kahit magka-layo man tayo

52 4 0
                                    

Tayong dalawa'y pinag-tagpo
Sa pagitan natin ay mahabang espasyo
Sadyang napaka-laki ng mundo
Kaya't tayong dalawa'y ipinaglayo

Ang layo natin sa isa't-isa
Paano kita mayayakap Oh Sinta?
Ako'y nasa Silangan, ika'y nasa Kanluran
Paano naman kita mahahagkan ?

Minsan nga'y ini-isip ko
Na ika'y narito sa tabi ko
Ibibigay ang mahihigpit na yakap saiyo
Pati ang napaka-tamis na halik ko

Sa aking imahinasyon, tayo ay magkasama
Magkahawak-kamay habang tinatanaw ang tanawing kay ganda
Tayo'y naka-upo sa ilalim nitong puno
At ika'y kakantahan hanggang dumating ang dulo

Sana pwede kitang puntahan
Satuwing nais kitang hagkan
Sana'y narito ka palagi sa tabi ko
Ngunit paano kung sadya tayong ipinag-layo?

Dagat ay aking lalanguyin,
Langit ay aking liliparin,
Kalupaa'y aking lalakarin
Kahit gaano man kahirap ay aking kakayanin

Lahat ay gagawin para saiyo
Kahit anumang pagsubok ang pagdaraanan ko
Pati buhay ay iaalay ko
Makasama't maka-piling ka lang mahal ko

Kahit magka-layo man tayo,
Palagi mong isipin na ako'y nasa tabi mo
Ramdamin mo ang presensiya ko
Kahit tayong dalawa ay sobrang layo

Aking mahal lagi kang magi-ingat
Wala man ako saiyong tabi ngunit nasa dalangin kita
Kahit tayong dalawa'y magka-layo,
Mananatiling ikaw lamang ang nasa puso

Mahal, ingatan mo ang iyong sarili
Balang araw tayo'y magkikita rin
Tayo'y magka-kasama at masisilayan ang iyong mga ngiti
Mahal, mahal na mahal kita, tandaan mo yan palagi

Kahit magka-layo man tayo
by rainy_pretzel

A/N: I dedicated this poem to the person that I love who's far away.
#LDR
Ay LD lang pala walang relationship HAHAHA:>

Poems and PoetryWhere stories live. Discover now