Chapter 17: Hindi ka naman bading, 'di ba?

499 31 2
                                    


kahit mali 17

Maggagabi nang napagpasyahan kong pumuntang restaurant at mag-take out ng kakainin namin ni Troy. Nagpapahinga pa rin siya tsaka parang hindi naman bumababa 'yung lagnat niya. Mainit parin siya nung chineck ko kanina bago pupunta ako dito. May hawak din akong cool fever dahil dumaan ako kaninang 7 eleven para bumili nito.

Nang aalis na ako sa may restaurant habang hawak hawak 'yung supot ng take out ko ay nakita ako ni ate Fana. Papasok kasi siya dito sa may restaurant kasama 'yung mga kaklase niya.

"Francis," napahinto ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Napatingin siya sa hawak kong supot ng pang dalawang pagkain tsaka 'yung cool fever. "Sinong may sakit?" Tanong niya.

Inisip kong sabihin na may sakit si Troy pero inisip ko din 'yung sinabi ni Troy na 'wag kong sabihin kay ate Fana na may sakit siya. Ibinulsa ko 'yung cool fever. "Ah, wala ate, si Jason pinabili niya. 'Yung ka-room mate daw niya nilalagnat," pagsisinungaling ko.

"Ah, okay. Nasa room niyo ba si Troy? Hindi kasi siya sumasagot sa texts ko."

"Hm, nagdo-drawing kasi siya ate. Tsaka ang busy niya, kaya nagpa-take out siya sakin ng pagkain."

Tumango lang siya sa sinabi ko. "Ah, sige salamat."

Napahinga ako ng maluwag nang tuluyan na siyang pumasok. Dali dali akong umuwi ng dorm at ginising si Troy.

"Kain na," sabi ko. Pinakain ko siya ng kanin at sabaw pero halatang wala talaga siyang gana.

"Walang lasa," sabi niya.

"Huwag ka kasing magkukumot hanggang leeg. Ayan tuloy nawalan ka ng panlasa." Patuloy ako sa pagsubo sa kanya. Hindi niya nilalasahan ito sa halip ay nilulunok nalang niya 'yung sinusubo kong pagkain at umiinom ng tubig. "Nagkita kami ni ate Fana sa resto kanina, tinatanong ka niya sakin. Bakit daw hindi ka sumasagot sa texts niya?"

"Anong sinabi mo?"

"Sabi ko busy ka mag-drawing." Pinainom ko ulit siya ng gamot. Nilagyan ko ng cool fever 'yung noo niya. "Halatang nagaalala siya sa 'yo, Troy. Alam kong gusto mo lang siya pero hindi mahal, pero bakit ganun? Hindi ka pa talaga naka-move on sa ex mo?"

"Ang dami mong tanong," sambit niya. "Matagal na akong naka-move sa ex ko. Hindi ko lang maibalik 'yung feelings kay Fana kasi, kaibigan lang talaga 'yung tingin ko sa kanya."

Tumango tango ako.

Nacu-curious tuloy ako sa mukha ng ex niya. Sigurado akong maganda 'yun tsaka sexy. Hindi naman magkakagusto 'tong si Troy sa panget eh.

"'Di ba naging best friends muna kayo ng ex mo bago kayo naging mag-jowa? Ilang years kayo naging magkaibigan?"

"Since birth. Childhood friend ko siya. Teka nga, since tanong ka ng tanong ako naman magtatanong. Nagka-girlfriend ka na ba?"

"Oo."

"Asan siya?"

"Wala na. Break na kami. Nasa probinsya siya."

"Sino nakipag-break?"

"Ako."

"Bakit?"

"Ang demanding niya eh. Tsaka napakaselosa. Nasasakal ako sa kanya, gusto niya palagi ko siyang ka-text at sabihan lahat ng ginagawa ko. Daig pa niya nanay ko eh," sabi ko.

"Alam mo bang ganyang ganyan si Fana?" Sa sinabi niya ay napatulala ako sa kanya. "Hindi kami pero makaasta siya, parang kami talaga. Palagi niyang tinatanong kung nasaan ako o anong ginagawa ko. Siguro naman naiintindihan mo na ako ngayon kung bakit hindi ko maibalik 'yung feelings para sa kanya?"

Kahit MaliWhere stories live. Discover now