Chapter 53: Tama na, masakit na masyado

472 28 1
                                    


Chapter 53: Tama na, masakit na masyado


You: Usap tayo dito sa dorm room ko. 8 pm.

Sinend ko kay Troy at Aries yang message na yan. Unang dumating si Aries.

"Okay ka na ba babe?" Tanong niya tsaka ako niyakap.

Yung mukha niya, hindi pa nahilom yung mga pasa sa buntalan nila ni Troy.

"Upo ka," sabi ko tsaka naman siya umupo sa bed.

Hanggang sa bumukas yung pinto at nakita namin pareho si Troy.

"Anong..."

"F...Francis?" Sabi ni Troy.

"Pasok ka."

Pinaupo ko silang pareho sa harapan ko.

"Ano...anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Aries.

"Gusto kong magkaayos kayo bago ako umalis." Sabi ko.

"Aalis ka?"

"Bakit ka aalis?"

"Saan ka pupunta?"

"Iiwan mo ko babe?"

"Teka lang." Sambit ko.

"Uy, wag naman. Iiwan mo ba ako?" Nagsusumamong tanong ni Aries sakin.

"Kung iyong dahilan ng pagalis mo, yung nangyari s...sayo, pasensya na." Sabi naman ni Troy.

"Tsaka... tropa na kami ni Troy. Di ba bro?" Inakbayan pa ni Aries si Troy.

"Oo..."

"Pramis, di na kami magaaway. Wag ka na kasi umalis."


Kumamot ako kasi ang hirap magpaalam sa kanila.

"Please lang, wag niyo kong pahirapan sa desisyon ko. Wag kayong ganyan," sabi ko. "Desisyon ko ito... magaaral ako sa malayo... lalayo ako sa inyo kasi... pakiramdam ko, palagi akong naiipit sa inyong dalawa. Palagi akong pumapagitna. Tapos pakiramdam ko kapag hindi ako lumayo sa inyong... o kahit sa sino man sa inyo, mababaliw ako... kasi... itong nangyayari sakin... hindi ko na alam kung sino ako... hindi ko na alam kung ano ako... nalilito na ako... gusto kong lumayo para... para... mapagisa... para h...hanapin yung sarili ko."

Natahimik sila sa sinabi. Inalis ni Aries yung pagkakaakbay niya kay Troy. Pareho silang nakayuko.

"Nakikipagbreak ka na ba sa kin?" Tanong ni Aries tsaka siya tumayo at niyakap ako. "Wag naman, babe... wag mo naman akong iwan... sorry na kung... may ginawa man akong masama..."

"Ssshh..." sabi ko na ikinatigil niya. "Wala... wala sayo yung problema... wala sa inyong dalawa. Siguro yung sarili ko kasi bigla akong nakaramdam ng gusto kong mapagisa."

"Wag naman, babe." Sabi ni Aries sakin. "Wag mo naman akong iwan."

"Pasensya na, Aries... pero..." huminga ako ng malalim. "Kailangan kong gawin ito... para... para sa sarili ko."

Nakita kong humikbi na si Aries habang nakayakap sakin.

"Iiwan mo ba talaga ako?" Yung iyak niya parang bata. Nakayuko lang naman si Troy doon sa bed habang hindi nagsasalita.

"Sorry..." Umiyak na din ako. Para kasing tanga si Aries sa pagiyak niya kaya napaiyak na din ako. "Sorry... alam kong selfish tung reason ko... sorry... kailangan ko lang talagang mapagisa... sorry... Aries."

"Ipangako mo muna na hindi mo ko papalitan... na pwede kitang hintayin... na tayo parin kahit malayo ka."

"Sorry..."

Kahit MaliWhere stories live. Discover now