CHAPTER 7

15 1 0
                                    

Riley's POV

"So, saan ka nga natuto gumamit ng baril?" Tanong ni Denver. Kanina pa niya ako kinukulit.

"Nanya," tipid na tugon ko.

"Nanya?" Bakas sa mukha nito na naguguluhan siya.

"Yea, Nanya. Nanya Business. You know him?"

"Who's that guy?" He's still confused.

"Pakilala mo'ko sa kaniya next time," dagdag pa nito.

Damn!? Hindi niya na-gets punch line ko? Am I corny or slow lang talaga siya?

"Nagugutom na 'ko, Riley," saad pa nito.

"I know a place where we can eat."

"But it's almost 11pm," nakabusangot ang mukha nito na animo'y batang hindi nabigyan ng kendi.

"Then? Marami pa namang pwede pagkainan ah? Don't tell me hindi ka dito lumaki?"

"Fine, give me the directions," aba, hindi man lang niya sinagot ang tanong ko?

Tumungo kami sa isang night market dito sa Cagayan de Oro. The busiest night market in the city!

We looked for a place to park his car at nagbayad ng magbabantay dito.

"Where are we exactly?"

"Keep your phone inside your pocket. Ingatan mo din ang car keys at pera mo. We couldn't trust anybody here lalo na't mukha kang mayaman," saad ko pa.

"Why? What is this place?"

He looked around and assessed the surroundings. May iba't-ibang alacarte tents at food stalls kahit saan. May mga ukay-ukay at fruit stands din. The place looks so crowded kahit na malalim na ang gabi. Nagmistula din itong langit dahil sa mga usok ng ihaw-ihaw kahit saan.

"C'mon, this would be fun!" Paghila ko pa sa kaniya.

Lumapit kami sa suki kong si Aleng Betchay. Sila ang may pinakamasarap na bulalo at RM sa buong mundo!

Dito ako palagi pumupunta at kumakain whenever I feel empty. Nakakarecharge kase 'yung mga sabaw nila.

"Oh Laliiiiing!" Masayang sigaw ni aling Betchay habang papalapit sa akin.

Lumapit ito sa akin saka ako niyakap nang mahigpit. She's still the woman I know, mataba, pandak, may kulot na buhok at sobrang masiyahing tao.

Tinitigan ko ang ngiti nitong umaabot na sa namumula niyang pisngi.

Sinundot niya ako sa tagiliran nang mapansin niya ang presensya ni Denver saka ako mapang-asar na tinignan.

"Ikaw Laling ha, kaya pala hindi ka na nakakapunta dito kase may boypren kana. Ikaw haaa," mapang-asar na turan niya.

"H-ha? Po? Hindi ko ho siya jowa," pagkaklaro ko pa.

"Yea, she's right. Hindi kami mag—" sagot ni Denver na siya namang pinutol ni aling Betchay.

"Ows? Kunware pa kayo e suuus. Ganiyan din ako no'ng kabataan ko. Jusko!" Saad pa nito saka kami inihatid sa bakanteng mesa.

Hindi pa rin nawawala ang mapang-asar na tingin at ngiti nito maging hanggang sa pagkain namin ni Denver ng hapunan. She even gave us two bowls of RM for free!

"Oh, tawagin niyo lang ako kapag may kailangan pa kayo ha? Happy ditdiiiit!" Mapanukso nitong sabi at patawa-tawa pang naglakad pabalik sa counter area.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon