c 1

1.2K 22 2
                                    

Siya si Freya isang babae na may pagkamahiyain at laking probinsyana, lumuwas ng maynila para makatulong sa pamilya niya. Nag aral siya bilang isang working student sa bayan nila at kumuha siya ng vocational na kurso dahil yun lang ang kaya niya. At dahil narin sa sipag niya nakapagtapos siya at laking pasalamat yun ng pamilya niya at pinangako niya rito na mag aapply siya ng trabaho sa maynila. Sa awa ng panahon natanggap siya sa pinag apply niya isa sa malaking kumpanya sa Pilipinas kaya ito siya ngayun naghahabol sa oras niya dahil ayaw niyang malate o madisappoint ang boss niya sa kanya. Nilagay niya sa bag ang sapatos na dapat sinuot na niya mula sa nirentahan niyang bahay. Ngunit naisip niya nahihirapan siya nito dahil may takong ito kaya nilagay niya ito sa bag at naisipan niyang isuot nalang ito pagdating sa opisina kaya nagtsinelas nalang siya. Pagkarating niya building hindi sana siya papasukin sa guard dahil nakatsinelas lang siya pero ng pinakita niya sa guard ang sapatos niya pinapapasok na siya kaya dali dali niya tinungo ang elevator. Isang linggo na siya nagtatrabaho bilang isang sekretary ng boss nila.

****************

Siya si Jarell Cedric Samniego kilala bilang isang businessman o negosyante at habulin ng mga babae bukod sa negosyante ito gwapo, matangkad, matangos ang ilong, mapula ang labi, matataas ang pilik mata, isang doctor, at maputi . Sa  tatlong magkakapatid sila siya ang inatasan ng ama nila mamahala sa negosyo nila. Nakapagtapos siya sa pag aaral bilang isang doctor  sa ibang bansa at doon narin siya nag sasanay sa pagkadoctor niya hanggang nagiging isang mahusay na doctor. Pero pinauwi siya ng ama niya dito sa Pilipinas dahil nasa kanya o nakikita sa kanyang ama nasa kanya ang magiging successful sa negosyo. Kaya ito siya namahala sa kumpanya nila.

"Good morning sir" bati sa kanya ng mga empleyado niya pagpasok niya sabay yuko sa mga ulo nila at tumabi ito sa daan.

Dumiretso siya sa elevator kasama ang mga bodyguard niya na apat. Pagkarating nila sa itaas pagkapasok niya sa opisina tumabi ang mga empleyado lahat sila nakatayo.

"Good morning sir" bati ng isang empleyado sa kanya. Head ito sa isang department.

"Good morning sir"  bati ni Freya sa kanya. Dumaan lang sa harapan niya kasama ang mga bodyguard nito.

"Anu Freya pinansin ba ni sir ang pagbati mo sa kanya,"? Tanung ng isang empleyado. Hindi niya ito namalayan lumapit ito sa kanya kaya napaangat siya ng tingin nito.

"Hindi e," sagut niya kay Ava.
Tiningnan nila pareho ang pinto sa pagsara nito.

"Masasanay karin niyan Freya, ganyan talaga yan."  Sagut ni Ava sa kanya kaya tumango lang siya. Nakasuot narin siya sa heels niya.

"Oh sige Freya balik nako sa cubicle ko baka makita pa tayo dito at masisisante"  sabay alis nito. Kinuha narin ni Freya ang schedule book sa boss niya kung may kameeting ba ito mamaya o wala. Huminga muna siya.

"Ho' kaya ko to,"  sabi niya sa sarili niya sabay katok sa pinto ng tatlong beses.

Bumukas ito at ang isang bodyguard mismo nagbukas nito. Pumasok siya at tinungo ang boss niya sa lamesa nito nakaupo na at may binabasa.  Napaangat ito ng tingin ng may napansin siyang nakatayo sa harapan niya.

"Ah sir ito yung schedule mo mamaya sa meeting ni Mr. Atubile" biglang sabi ni Freya medyo kinabahan siya at hindi pa siya sanay tingnan sa ganito kagwapo sa kaharap niya.

"Okay, samahan moko mamaya"  sagut ni Cedric. 

Sinabihan naman ito ni Freya sa susunod na meeting after kay Mr. Atubile. Ng matapos na siya sa pagsabi nito sa mga meeting mamaya tumalikod na siya ng may naalala siya kaya bumalik ulit siya sa harap ng boss niya.

"Coffee sir?"  Tanung niya rito na nakayuko ang boss niya sa pagbasa ng mga papers nasa harapan nito.

"Yes please" tipid na sagut ng boss niya. Kaya lumabas na siya at dali dali pumunta sa kitchen office para magtimpla ng kape. Pagkatapos hinatid niya ito sa office pagkapasok niya.

Marrying My Boss Where stories live. Discover now