SIMULA

1.3K 20 0
                                    

SIMULA

SOMEONE'S PoV

"Pasukin ang bahay! siguraduhin niyong makukuha ninyo ang apo ko!"

Kasalukuyan akong nandito sa loob ng closet kasama ang kambal kong anak. Ang magaganda kong mga anak.

Isang buwan pa lamang sila mula ng isilang ko. Itinakas ko sila sa kanilang ama dahil sa plano nilang ilayo sa akin ang mga anak ko. Hindi ako papayag na malayo sa akin ang dalawa kong prinsesa. Hindi hindi nila makukuha ang mga anak ko hinding hindi.

Ipinulupot ko ang tela sa kanilang dalawa kasalukuyan silang natutulog at laking pasasalamat ko na tahimik lang sila.

Patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko at nagdadasal na sana malampasan namin ito at nang makahanap na kami ng matataguan ng matakasan lamang ang mga hayop na to.

"Senyora wala pong tao sa loob ng bahay na ito?"

Narinig kong sabi ng isang pamilyar na lalaki sa matandang kausap nito. Ang matandang desperadang makuha ang mga anak ko hindi ko hahayaan na mapunta sa kanila ang mga anak ko. Hindi maaari dahil ang pamilya nila ang taong hindi ko matatanggap ang pamilyang sumira sa pagkatao ko.

"Hanapin niyo pa! maghihintay ako sa labas at siguraduhin niyong maipapakita niyo sa akin ang apo ko. Kung hindi buhay niyo ang kapalit!"

Umalis ang matanda at ang mga lalaki naman ay naghiwa-hiwalay akala ko ligtas na kami ngunit tuluyan akong nanlumo ng biglang humarap sa akin ang kaliwanagan.

"Parang awa mo na Arthur wag mong kukunin ang anak ko, parang awa mo na tulungan mo kami please magulang ka rin sana maintindihan mo ako parang awa mo na."

Nagluluhod na ako sa kanya ang lalaking kaharap ko ngayon ay ang kanang kamay ng ama ng aking mga anak. Naging matalik ko rin siyang kaibigan at sana'y maawa siya sa akin.

"Pasensya na Lourhaine pero kailangan ko itong gawin mas magiging maganda ang buhay ng anak mo sa kanila. Pasensya na sana mapatawad mo ako kapag hindi ko ito ginawa mamamatay ako."

Then the next thing na alam kong nangyari ay nandilim na ang aking paningin. Pinatulog niya ako gamit ang panyong hawak niya na may gamot.

Bago pa man tuluyang maisarado ang aking mga mata ay nakita kong daladala niya ang aking mga anak. Kinuha niya ang mga anak ko, yakap yakap ng mga bisig niya ang mga anak ko.

NAKAW NA BUHAY(𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)✔︎Where stories live. Discover now