KABANATA 39

271 12 0
                                    

Lourhaine's PoV

Katatapos lang ng kasal nina Red at Carol.Nagtungo na ang ibang mga bisita sa reception hall at ako naman ay nagpaalam muna kina David na pupuntang ospital.

Gusto kong makita at kamustahin ang anak kong si Jheia.

Pero agad akong nanlumo ng makita ang kwarto kung saan na nanatili siya.Wala ng bakas ng gamit ni Jheia at kahit si Jheia ay wala sa kwarto.

Nasaan ang anak ko?

Agad akong nagtungo sa office ni Angielyn nadatnan ko siya na may kausap sa phone niya.Bahagya siyang nakatalikod at batid kong wala siyang kaalam alam na pumasok ako.

"Yes tito Gab,amm ingat po kayo at pakisabi kay Jheia mamimiss ko siya...sige po!okay po".

Anong ibig niyang sabihin?

Ibinaba niya ang phone niya then humarap,nabigla siya ng makita ako sa loob ng office niya.

"Nasaan ang anak ko Angie?...Nasaan si Jheia!!!",malakas na singhal ko sa kanya.

"Tita Raine bakit nandito kayo?Tapos na po ba ang kasal nina Carol at Red?",pag-iiba niya ng usapan.

"Sagutin mo ako!Nasaan ang anak ko?".

"Tita umalis na po si Jheia,hayaan niyo na po muna siya".

Nangunot ang noo ko sa tinuran niya sa akin.

"Anong ibig sabihin ng mga sinabi mo?Anong umalis?Diretsuhin mo ako Angie nasaan ang anak ko?".

"Tita sumama na po siya kay tito Gab sa U.S".

Nabigla ako sa sinabi niya.No!This is not happening hindi ako iiwan ng anak ko.Kinuha na naman nila ang anak ko!

"No!Hindi ako iiwan ng anak ko!Ano sabihin mo sa akin Angie...sapilitan ba nilang isinama ang anak ko?For sure oo nakuha nga nila si Carol sa akin si Jheia pa kaya...Im going to call the police they kidnapped my daughter!!!".

"TITA!!!stop being paranoid!Hindi siya pinilit na sumama ni tito,ginusto ni Jheia na sumama".

"I can't believe this!Wala ka man lang ginawa para pigilan sila....anong klaaeng kaibigan ka?".

Nakita ko na namula ang mga mata ni Angie then the next thing I know ay umiyak na siya.

"Tita Im Jheia's friend and I only want her to be in a good condition.Alam niyo ba tita na masakit rin sa akin na pumayag na malayo sa akin si Jheia..she is like my true sister and I love her...pero kung iyon ang mas makakabuti sa kanya mas pipiliin kong mapalayo sa kanya kesa nandito siya sa tabi ko pero nasasaktan siya ng labis.Kailangan na makalimutan niya ang mga masasakit na alaala dito at kailangan na marelax ang isip niya Tita...depression is very dangerous.Tita dalawang beses na nagtangkang magpakamatay ni Jheia sa iisang araw lang...I saw her hanging sa loob ng silid na ito,then the next time ay nakita naman namin siya na duguan ang palapulsuhan...she cut her wrist to be free...pagod na ang anak niyo at ang gusto na lang niya ay ang makalaya at makapagpahinga...depressed si Jheia kaya pumayag ako na isama siya nina tito Gab..sana hayaan niyo muna siya dahil alam ko naman po na hindi siya papabayaan ni Tito Gab".

I don't know how to react.I was so shocked when I heard all the suicidal thoughts of my beloved daughter.

"Paano ako makakasiguro na hindi siya pababayaan ng walang kwenta niyang ama?Kung si Carol nga napabayaan niya si Jheia pa kaya na depressed na?".

"Trust me tita,Jheia will be okay with her dad.Jheia will come back soon with her wide smile on her face..babalik si Jheia kaya tita kaunting tiis lang po".

Napaiyak ako sa mga sinabi ni Angie niyakap naman niya ako ng mahigpit at pareho na kaming naiyak.

Ang mahal kong anak......

Hihintayin kita Jheia at sana sa pagbabalik mo hayaan mo akong itama lahat ng pagkakamali ko sayo..sana hayaan mo ako na punan lahat ng pagkukulang ko bilang ina mo.

Im sorry and I love you my dear Jheia.

...........................

Reddher's PoV

Katatapos lang ng kasal namin ni Carol at heto ako nasa harap ng maraming bisita at nasa tabi ng babaeng kakambal ng pinakamamahal kong si Sharleign.

Gusto kong puntahan si Sharleign pero wala akong mukhang maihaharap sa kanya.I hurt her and Im the reason why she's depressed.

Nalaman ko nung isang araw na nagtangka daw na magpakamatay si Sharleign nasaktan ako dahil alam ko sa sarili ko na ako ang may dahilan kung bakit siya nagkakaganyan.Mahal ko siya pero heto ako katabi ng ibang babae at ang malala hindi si Sharleign ang iniharap ko sa altar.

I was so broken when I knew that Sharleign lost our child...she lost our child because of the stress na ako ang may kagagawan.

"Mom!Saan kayo galing?magsisimula na po ang program".

Napatingin ako kay tita Raine ng bigla itong sumulpot sa harapan namin ni Carol.Bigla siyang nawala kanina ng matapos ang kasal namin ni Carol at ngayon lang siya bumalik.

Nabigla ako ng bigla siyang umiiyak at yumakap kay Carol.Anong nangyari?

"Carol anak,Jheia left us".

Napakunot ako ng noo,magtatanong sana ako kaso naunahan ako ni Carol.

"What do you mean mom?".

"Umalis na si Jheia iniwan na niya tayo,she left us without saying a proper goodbye..sumama na siya sa daddy at lola mo..ngayon yung flight nila papuntang U.S".

Panay ang iyak ni tita at ako parang naalog ang utak ko ng marinig na aalis si Sharleign..aalis siya?iiwan na niya kami?

And without saying even a single word dagli akong tumakbo palabas ng reception hall.

Agad akong pumara ng kotse at sumakay.Bago ako umalis narinig ko pa ang malakas na sigaw sa akin ni Carol pero  hindi ako lumingon at tumigil dahil ang tanging gusto ko ay mapigilan si Sharleign sa pag-alis niya.

Hindi ako papayag na malayo na lang siya ng ganoon lang.

Mayamaya pa ay nakarating na rin ako sa airport agad kong hinanap si Sharleign.

Kung saan saan na ako tumatakbo pero walang mukha ni Sharleign ang nasisilayan ko.

Ilang oras din akong nagpatakbo takbo sa loob ng airport mahanap lang si Sharleign pero hindi ko siya mahanap.

I sat on the floor ng mapagod ako.Nakita ko ang isang eroplano na palipad na..I came late!

Nahuli na ako mg pagdating dahil umalis na si Sharleign..she left me!

She left me with my broken heart....

She left me without saying goodbye...

She left me without hearing my sorry and explanation...

She left me without knowing how regretful am I..

NAKAW NA BUHAY(𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)✔︎Where stories live. Discover now