CHAPTER SIX (JUNGKOOK VS. BAEKHYUN)

1.3K 71 8
                                    

STILL IN GEULAENDUE HOL

TAEHYUNG'S POV

Natigalgal ako nang makita ang sunud sunod na pagpatak ng luha ni Jungkook habang kumakanta.

Anong nangyari?

"Hala, bakit bigla siyang umiyak?"-Jimin

"Baka na carried away lang sa kanta? Kawawa naman ang Kookie ko."-Jin hyung

"Baka nasasaktan."-Suga hyung

Nagtatakang nilingon ko si Suga hyung. Pinanlakihan lang ako nito ng mga mata sa umaktong babatukan ako.

"Kung saan saan na naman kasi nakatingin yang mga mata mo, Kim Taehyung."-Suga hyung

Nakita ko kung paano tinapos ni Jungkook ang pagkanta saka pilit ang ngiting nagbow sa lahat. Binalik nito ang mic sa nagtatakang si Master Ysabelle saka mabilis na bumaba ng stage.

"Ano pang inaantay mo diyan, Taehyung? Puntahan mo na."-Suga hyung

"Pero hyung..."-Taehyung

"Ay bahala ka, sa kabagalan mo baka maunahan kapa ng iba."-Suga hyung.

Biglang uminit ang ulo ko sa narinig saka mabilis na tumayo at naglakad papalayo.

"Tae...." Narinig kong pagtawag sakin ni Baekhyun pero di na ako nag aksaya ng panahon kahit na lingunin siya.

Kailangan kong mapuntahan si Jungkook.

"Saan ka pupunta, Taehyung? Di pa tapos ang program." Bungad sakin ni Master Gabriel bago pa man ako makapasok sa backstage.

Agad ako nag isip ng pwedeng idahilan sa kanya.

"Uhmmm, kailangan ko lang pong makausap si Master Cedrick. Tungkol lang po sa jibdan ko."-Taehyung

"Hindi ba pwedeng mamaya nalang yan at alam mong may mga bisita tayong dumating?"-Master Gabriel.

"Importante lang po talaga, Master."-Taehyung

"Tsk, bilisan mo. Mag heheadcount kayo mamaya. Mapapagalitan ka kapag wala ka."-Master Gabriel

Agad akong nakangiting tumango at pumasok na sa backstage. Nakita ko si Jungkook na nakayuko habang tahimik na umiiyak sa isang gilid.

Akmang lalapitan ko na sana siya nang biglang sumulpot si Yugyeom sa kung saan mabilis na hinila si Jungkook para yakapin.

Napako ako sa kinatatayuan at hindi nakagalaw. Nagtago ako sa isang malaking speaker na nandun at lihim na nakinig sa usapan nila.

"Anong problema, Kookie?"-Yugyeom

Nakita ko kung paano yakapin ni Jungkook si Yugyeom nang mahigpit at wala akong magawa kundi ang maikuyom ang sariling kamao.

Gusto kong hilahin papalayo si Yugyeom sa kanya pero fi ko magawa dahil alam kong wala akong karapatan.

"M-mahal ko na ata siya, Yugs." Humihikbing tugon dito ni Jungkook.

Natigilan ako sa narinig. Ako ba ang tinutukoy niya?

"Sino? Bakit kailangan mong umiyak ng ganyan? Sinaktan ka ba niya?"-Yugyeom

Sunud sunod namang humihikbing umiling si Jungkook. Hinimas naman ni Yugyeom ang likod niya para pakalmahin siya.

"Nasasaktan ako kahit wala siyang ginagawa. Nasasaktan ako dahil alam kong hindi niya ako kayang mahalin dahil may mahal na siyang iba."-Jungkook

"Alam mo naman palang may mahal na, bakit hinayaan mo pa ang sariling mong mahalin siya?"-Yugyeom

"H-hindi ko alam. Hindi ko rin namamalayang mahal na mahal ko na pala siya Yugs."-Jungkook

BANGTAN WONSO AKADEMI - WATER MEETS FIREWhere stories live. Discover now