Chapter Sixteen

2.9K 55 1
                                    

MATAPOS s'yang iwan ng dalaga sa limousine n'ya, ay kinausap n'ya ang management ng Hotel na tinutuluyan nila na mag-handa ng romantic dinner date para sa kanilang dalawa. Inutos n'yang dapat ito ay perpekto, dahil 'yon ang way n'ya sa pag-suyo sa dalaga.

Ashton wants to admit that he's wrong. Mali n'ya naman talaga 'yon dahil nagpa-dala s'ya sa selos n'ya. Paano ba namang hindi s'ya magseselos, eh sa t'wing kausap ni Hestia ang kaibigan n'ya ay laging masaya ito, at kung minsan pa ay may sweet side ito na ang Helix lang na 'yon ang nagpapalabas! Madalas naman kasi s'yang sungitan ng dalaga, dahil daw sa kayabangan n'ya. Well, hindi naman s'ya magyayabang kung wala s'yang maipag-mamayabang. Bigla naman n'yang naalala ang waiter sa restaurant na kinainan nila kanina. Nainis s'ya rito dahil kung makatingin kay Hestia ay parang hububaran na 'to. Ayaw n'yang may tumitingin ng ganoon kay Hestia, s'ya lang ang dapat gumagawa no'n sa dalaga. S'ya lang dapat ang nagpapatawa, nagpapangiti, at nagpapapula sa pisngi nito. Ayaw n'yang may ibang gagawa ng mga 'yon kung hindi ay baka sapian na naman s'ya ng pagiging seloso n'ya.

Nang makausap na n'ya ang buong management patungkol sa dinner date nila ni Hestia mamaya, ay agad na s'yang nag-tungo sa Hotel Room nila. Habang nasa elevator s'ya ay pinagtitinginan s'ya ng kababaihan. Ang iba pa rito ay bumubulong na hindi n'ya naman masyadong naintindihan dahil wala s'yang alam gaano sa wikang French.

Sorry girls, my heart belongs to Hestia already. To Hestia, only.

Napangiti at napailing-iling na lang s'ya sa naisip. His heart is owned by his secretary, kahit pa hindi n'ya alam kung may nararamdaman din ito sa kanya. Nararamdaman n'ya naman na meron na s'yang puwang sa puso nito, na nakapasok na s'ya sa masungit nitong puso, pero hindi n'ya alam kung katumbas ba 'yon ng nararamdaman n'ya. Kaya nga plinano n'ya itong one week date in Paris nila para makuha nang tuluyan ang puso ng dalaga. At alam n'yang konti na lang, makakamit na rin n'ya ang puso nito.

Maya-maya ay nakarating na sa floor nila ang elevator kaya naman ay umalis s'ya roon, at baka malaman pa ni Hestia na pinaguusapan s'ya ng mga babae, ayaw n'yang bigyan ng dahilan ang dalaga para mag-selos. Gusto n'yang patunayan dito na sa kanya lang ang puso n'ya at wala nang makakakuha pa no'n mula sa dalaga.

Nang makarating na s'ya sa hotel room nila ay laking pasasalamat n'ya dahil hindi naka-lock ang pinto. Baka kasi sa sobrang galit ng dalaga sa kanya ay pinaglock-an s'ya ng pinto.

"Hestia? "

Hindi sumagot ang sekretarya n'ya kaya lumapit na s'ya rito. Tinitigan n'ya ito, mukhang napagod ito sa pagpipicture at paglilibot kanina. Dinagdagan pa ng pagtatalo nila, napabuntong-hininga na lamang s'ya.

"I'm sorry, mon amour, " wika n'ya habang hinihimas-himas ang ulo nito. Nagpalit s'ya ng damit saka humiga katabi ng dalaga, medyo napagod din s'ya sa pagkuha ng mga litrato nito.

Tired, but seeing those smiles of Hestia is enough to disappear the tireness that I feel. Tired, but worth it.



NAGISING si Hestia at halos malaglag s'ya sa higaan nang makita ang mukhang nasa harapan n'ya. Hinawakan n'ya ang pisngi nito.

"Bakit ba hindi mo ako magustuhan? " tanong n'ya rito. Pipi s'yang humiling na sana nga ay totoong tulog ito at hindi nagpapanggap lang dahil ayaw n'yang marinig ng binata ang mga sasabihin n'ya.

"Am I not beautiful? Hindi ba kita nasa-satisfy? " nangingilid ang luhang tanong n'ya sa binata.

"Lagi mo 'kong sinasabihan ng beautiful, pero hindi mo 'ko magustuhan. " malungkot na dagdag n'ya.

"I like you, Ashton, but it seems our feelings aren't mutual. "

Napabuntong-hininga s'ya dahil sa kanyang sariling sinabi. Parang tinutusok na naman ang puso n'ya, bumabalik sa kanya ang sinabi ni Ashton.

His SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon