Chapter 1

4 0 0
                                    

CAST OF CHARACTERS:

BERNARD – Playboy na boyfriend ni Julia.
JULIA - Isang nurse, girlfriend ni Bernard.
GILBERT –  Isang baklang matalik na kaibigan ni Bernard, on and off boyfriend ni Uno.
RAMIR – Mukhang bumbay na kaibigan ni Bernard, boyfriend ni Angel.
ANGEL – Isang maputing dalaga na may magandang kutis, girlfriend ni Ramir.
MARVIN – Nagmamay – ari ng MARV’S BAR AND RESTAURANT at masugid na manliligaw ni Mylene.
MYLENE – Professor na may pagtingin kay Ramir, kapatid ni Paula.
GIRLIE – Bestfriend ni Mylene at ex-girlfriend ni  Raymond.
RAYMOND – Pinsan ni Julia, barkada ni Patrick at Jeff.
JOSIE – Kababata ni Raymond na may lihim na pagtingin sa kanya.
RHEN – Bestfriend ni Paula, may gusto kay Patrick.
JEFF – May crush kay Rhen, barkada ni Raymond at Patrick.
PATRICK – Mayaman na manliligaw na Paula, barkada ni Raymond at Jeff.
PAULA – Isang maganda at simpleng girlfriend ni Conrad, nakababatang kapatid ni Mylene.
CONDRAD – Vocalist ng MISCHIEVOUS SIGHT BAND, boyfriend ni Paula.
ANDREI – Kaibigan ni Condrad, drummer ng banda at boyfriend ni Desiree.
DESIREE – Guitarist ng banda. Nakababatang kapatid ni Uno at girlfriend ni Andrei.
UNO – Bisexual na kuya ni Desiree. On and off boyfriend ni Gilbert at bestfriend ni Marvin.
ALEC – Isang tomboy na bestfriend ni Julia at kasintahan ni Mau.
MAU – Isang nurse na girlfriend ni ALEC.
GIA – Isang kireng babae na may pagnanasa kay Bernard.
MYRA – Bestfriend ni Gia.

MARV’S BAR AND RESTAURANT
(Aug. 04, 2016 - 0700H)
MARVIN: Oh Julia ang aga mo ah.
JULIA: May lakad kasi kami ng friends ko, dumating na ba sila?
MARVIN: Hindi pa, anong gusto mo?
JULIA: Black coffee.
MARVIN: Yun lang ba? Neil dalhan mo nga kami ng black coffee, dalawa!
(Naupo ang dalawa, regular customer ni Marvin si Julia kaya close na sila at minsan libre na si Julia. Dumating si Uno at lumapit sa kanila.)
MARVIN: Pare kelan ka pa dumating?
UNO: Kahapon lang, naiinip na ako sa Cebu eh. (Yumakap kay Marvin at naupo din sa table nila.)
MARVIN: Julia si Uno nga pala bestfriend ko.
JULIA: (Ngumiti.) Di ba ikaw yung kapatid ng guitarist ng mischievous sight band?
UNO: Ah si Desiree, oo younger sister ko yun.
JULIA: Eh di marunong ka rin tumugtog?
MARVIN: Naku hindi, matulog at mag paint lang ang alam nyan.
JULIA: Talaga magaling ka mag pinta?
UNO: Konti.
MARVIN: Sus! Alam mo Julia kung makikita mo lang ang paintings nyan, baka isipin mo na anak sya ni Leonardo Da Vinci. (Magtatawanan.)
ALEC: Julia!
JULIA: Oh dumating pa kayo? Seven am ang usapan eh, seven thirty na ngayon.
ALEC: Grabe ka naman para na late lang kami ng half hour.
JULIA: Pag usapan, usapan!
ALEC: Alam mo halika na. (Hihilahin ng patayo ang kaibigan.)
JULIA: Bye Marvin, bye Uno, thanks sa kape.
UNO: Ang ganda nya.
MARVIN: Sorry kana lang pare, may Bernard na yan.

SA LABAS NG MARV’S BAR AND RESTAURANT (0735H)
ALEC: Surprise!
JULIA: Wow ang ganda ng kotse!
ALEC: Hiram ko sa tita ko, brand new yan.
MAU: Tara na para maaga tayo makarating sa Batangas.
(Nagsakayan na ang tatlo sa kotse.)
Katrabaho ni Julia si Mau sya ang nagpakilala kay Alec na bestfriend nya. One year na silang mag-on, hindi inaakala ni Mau na magkakaron sya ng serious relationship sa isang same sex.

ON THE WAY TO BATANGAS (0800H)
ALEC: Shit!
MAU: Anong nangyari?
(Bumaba ng kotse si Alec at pinuntahan ang driver ng kabilang kotse. Sumunod sa kanya si Mau at Julia.)
ALEC: Hoy! Bakit mo ko binangga? Parang ikaw ang may-ari ng kalsada ah.
PATRICK: (Magtatanggal ng shades.) Ikaw na nga ang may kasalanan ikaw pa tong galit, nag signal na nga ako na liliko ako, dumiretso ka padin.
ALEC: Eh mayabang ka pala eh!
MAU: Alec tama na yan. Guys baka naman pwedeng pag-usapan nalang natin to?
(Bumaba din ng kotse si Patrick, pati nadin ang dalawang sakay nito na si Raymond at Jeff.)
JULIA: Raymond?
RAYMOND: Ate Juls! (Nag beso-beso ang dalawa.)
JULIA: Alec, Mau si Raymond nga pala pinsan ko. (Natutuwang sabi nito.)
JULIA: Buti pinsan ko yung sakay nya, kung hindi baka lumaki pa gulo. (Wika ni Julia after 10 minutes na busy ang mga lalaki pag che-check ng mga sira ng dalawang kotse.)
ALEC: My God! Anong gagawin ko malalagot ako kay Tita! (Isinubsob ang mukha sa kanyang mga palad.)
RAYMOND: Nayupi ng konti ang tagiliran ng bumper nyo.
ALEC: Pinangako ko pa naman kay Tita na hindi ko gagasgasan ang kotse nya.
PATRICK: Magpasalamat nga kayo yan lang ang problema nyo eh yung kotse ko basag ang front light tas may gasgas pa. Malilintikan na naman ako kay Papa.
ALEC: Pasensya kana, ang totoo nyan hindi naman talaga ako expert mag drive, malakas lang ang loob ko. Kung gusto mo ibigay mo nalang sakin ang contact mo para mabayaran ko sira ng kotse mo pag may ipon nako.
PATRICK: Hindi bale nalang may pera naman ako, basta next time mag ingat ka naman.
JEFF: Patrick umuwi na tayo, nagtext na ang Mommy mo hinahanap kana kagabi kapa hindi nauwi eh.
PATRICK: Buti pa nga, idaan ko muna kotse ko sa auto shop.
RAYMOND: Ate Juls, ikumusta mo nalang ako kina Tito at Tita. (Nagbeso-beso ang magpinsan at umalis na ang tatlong lalaki.)
MAU: Sabi ko naman sayo Alec mag commute nalang tayo nagdala kapa ng kotse.
JULIA: Anong balak mo?
ALEC: Wala akong ibang choice kundi sabihin kay Tita ang totoo.
(Umuwi na din ang tatlo hindi na sila tumuloy sa Batangas.)

MARV’S BAR AND RESTAURANT (1200H)
(Nakipagkita si Julia sa boyfriend nya.)
BERNARD: Pa Batangas pala kayo hindi mo lang sinabi sakin.
JULIA: Nakakainis nga eh hindi natuloy nagka problema kasi si Alec sa kotse ng Tita nya.
BERNARD: Ano ba kasi gagawin nyo sa Batangas?
JULIA: Mag beach sana kami kasi anniversary ng dalawa, treat nila ko kasi ako ang dahilan kaya nagkakilala sila.
BERNARD: Bakit hindi ka nagpaalam sakin? Kung may nangyaring masama sayo malalagot talaga sakin yang Alec na yan.
JULIA: Sorry na. Wag kana magalit kay Alec ligtas naman kami kumain nalang tayo.

MARQUEZ RESIDENCE (1500H)
MYLENE: Paula lumabas ka ng kwarto mo andito si Patrick.
PAULA: Ate anong ginagawa nya dito?
MYLENE: Binibisita ka.
PAULA: Ate sabihin mo tulog ako.
MYLENE: Sige na lumabas kana kasama naman nya sina Rhen at Jeff.
PAULA: Asan sila?
MYLENE: Nasa garden.
SA GARDEN (1510H)
RHEN: Bakit nga pala van ang gamit mo ngayon?
PATRICK: Nabangga kasi kami kanina, nasa auto shop pa ang kotse ko kaya yang van muna ginamit ko.
RHEN: Anong nangyari? Buti hindi ka nasaktan.
PATRICK: Wala yun.
JEFF: Pansin ko lang Rhen, parang masyado kang concern kay Patrick eh kasama din naman ako sa naaksidente kanina.
RHEN: Wala akong paki sayo Jeff, bakit parang nagseselos ka kay Patrick eh hindi naman kita boyfriend?!
JEFF: Kung alam ko lang na aawayin mo ako, sana hindi ko na sinabi kay Pat na isama ka namin dito.
RHEN: Anong gusto mo magpasalamat ako sayo?! Eh kahit naman hindi nyo ko isama, pupunta talaga ako dito sa bahay ni Paula.
PAULA: (Bagong dating sa garden.) Oy Rhen bakit nag-aaway kayo ni Jeff?
RHEN: Eh kasi naman etong Jeff nato epal, BFF manood nalang tayo ng movie may bagong download ako.
PATRICK: Hi Paula. (Nakangiti.)
PAULA: Kumusta?
PATRICK: Okay naman, may dala nga pala akong flowers at pizza. (Iniabot kay Paula.)
PAULA: Thanks, tara kainin natin. (Nag ring ang cellphone ni Paula.)
PAULA: (Sinagot ang tawag.) Hello, Hon.
CONDRAD:  Hon asan ka? Magkita naman tayo habang wala pa kaming practice ngayon.
PAULA: Ganun ba Hon? Sige nasa bahay lang naman ako. Magkita nalang tayo ngayon sa MARV’S RESTAURANT.
CONDRAD: Sige Hon ingat ka.
PATRICK: Pau sino yung tumawag sayo?
PAULA: Ah si Condrad, sorry ha magkikita kasi kami ngayon. BFF kaw muna bahala sa kanila.
RHEN: Don’t worry BFF ako bahala sa dalawang to, tara boys dun tayo sa loob ng bahay kumain tapos nood tayong movie.

SA BAHAY NI GIRLIE (2100H)
GIRLIE: Anong ginagawa mo dito?
RAYMOND: Binibisita kita.
GIRLIE: Hindi ba napag-usapan na natin to?
RAYMOND: Hindi ko kayang mawala ka.
GIRLIE: Ray bata kappa, makakahanap ka pa ng seryosong relasyon, yung walang sabit.
RAYMOND: Girlie ikaw lang ang gusto ko.
GIRLIE: Nakikipag balikan sakin ang ama ng anak ko at tinanggap ko sya ulit. I’m sorry.
RAYMOND: Paano kung saktan ka nya ulit? Pano kita ipagtatanggol kung pinagtatabuyan mo ako.
GIRLIE: Hindi ba tapos na tayo? Mahal ko talaga sya. Umalis kana baka maabutan ka pa dito.

SA VILLAGE NILA RAYMOND (2300H)
(Nag-iinom si Raymond sa bahay nila ng masilip nya sa bintana na bukas pa ang ilaw ng kapit bahay na si Josie pinuntahan ito ni Raymond.)
RAYMOND: Kumusta?
JOSIE: Mabuti naman tuloy ka.
RAYMOND: Pasensya kana naabala kita, nakita ko kasi na gising kapa.
JOSIE: Okay lang naman. Ano ba problem mo this time?
RAYMOND: Wala nakong pag-asa kay Girlie.
JOSIE: Ayan tayo eh naaalala mo lang ako pag magka-away kayo.
RAYMOND: Naaalala mo pa ba nung bata pa tayo sabi ko sayo noon na kapag nasa tamang edad na tayo liligawan na kita kaso nung nasa tamang edad na tayo naging busy na tayo sa ibang bagay.
JOSIE: Naging busy kana kung kani-kaninong babae.
RAYMOND: Oo nga. (Nagtawanan sila.)
JOSIE: Sinabi mo lang naman noon na liligawan moko kasi nalaman mo na may crush ako sayo.
RAYMOND: Hindi ah gusto talaga kita noon.
JOSIE: Kung ako nalang kasi ang niligawan mo, eh di hindi ka sana nasasaktan ngayon.
RAYMOND: Natatakot akong ligawan ka, kasi baka hindi na ako ang crush mo.
JOSIE: Gung-gong! Ang bopols mo talaga. (Nagtawanan sila.)

To be continued...

ConsequencesWhere stories live. Discover now