CHAPTER 06

602 54 2
                                    

BLISS

"HUWAG mong subukang tanggalin ang mga 'yan kung ayaw mong mamatay," agad kong sabi sa lalaki ng makitang akma sana nitong tatanggalin ang mga harang sa pinto.

Hinarap naman niya ka agad ako at kinunutan ng noo."W-What are you talking about?" Muli nitong tiningnan ang entrance tsaka binalingan ulit ako ng tingin. "Don't tell me my Zombie Apocalypse?" nakangisi nitong sabi. Muntik na akong mapatawa dahil sa sinabi niya.

Napacross arms naman ako.

"Zombie Apocalypse? Really?"

Unti-unti naman akong lumapit sa kaniya. Kitang-kita ko naman ang bahagya nitong pagtingin sa kabuuan ko.

"Hindi kita masisisi kung wala kang alam sa mga nangyayari ngayon. You've been sleeping for three weeks," sabi ko sa kaniya dahilan para labis na manlaki ang mga mata niya.

Well, hindi ko rin naman siya masisisi. Sleeping for that too long is kinda terrifying.

Nginisihan ko naman siya.

"Too surprise?" Palakad-lakad naman ako sa harap niya habang nakakacross arms. "At first, I thought your already infected. But luckily, nagising ka ng normal."

Nilapit ko naman ang mukha ko sa kaniya tsaka tinitigan ang mata niya.

"Not red eyes. Good."

Hahawakan ko sana ang kamay niya ngunit agad naman niya itong inilayo sa'kin.

"Who are you? Why Am I here?" seryoso nitong tanong.

Tumalikod naman ako saka naglakad at dumekwatro ng upo sa may parihabang couch. Hindi pa nga pala niya alam na ako ang dahlan kung bakit siya nandito.

"Me? Ako ang Doctor na naka-assign sa'yo." Napalunok na lamang ako ng laway laway saka ilang ulit na nagbuntong hininga. "Ako rin ang nakabangga sayo. Ako ang may kasalanan kung bakit comatose ka ng ilang week."

Akala ko ay magfre-freak out ito hanggang sa nakita kong nanatili ang kalmado sa ekspresyon nito.

"So, ikaw 'yon?" Nginisihan pa ako nito. "Buti di mo ako tinakbuhan?"

A-Anong tingin niya sa akin? Tumatakbo sa kasalanan?! Tsk! Hoy! hindi ako gano'ng tao 'no!

"Why would I do such thing?" kalmado kong tanong kahit sa totoo lang ay gusto ko siyang sigawan at sabihang, 'Pasalamat ka at dinala pa kita dito sa Hospital!'.

Muli na namang nabaling ang tingin nito sa entrance."Bakit may ganito? May giyera ba sa labas?"

"A sort of," naisagot ko sa kaniya.
Parang gyera naman talaga ang nangyayari ngayon. Kaso nga lang ay mga taong mga infected nga lang ang mga kalaban.

"A sort of? Bakit? Ano ba talagang nangyayari?"

"May v---" Before I can finish my sentence Dra. Belmonte approaches me.

"Doktora Bliss!"

Lumapit naman ito tsaka ako tumayo at hinarap siya. Ipinakita naman nito ang hawak niyang tablet.

"For now po, ay mas lalong dumadami ang cases," pagpapaliwanag nito sa akin. Tumango-tango na lamang ako.

"That's bad. Ano responses ng government dito?"

"Wala pang update. Baka bukas ng umaga."

Wala nga pa lang media since noong nakaraang araw kaya pahirapan ang pagkuha ng mga updates sa mga nangyayari.

"Mr. Idon'tknowyou," tawag ko sa lalaki. Hindi ko pa kasi alam ang pangalan niya. Automatiko namang siyang napatingin sa akin."You'll be staying here inside. Huwag mong tatangkaing lumabas o magpapasok ng kahit sino, naiintindihan mo?"

Nowhere To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon